Limitahan ang mga ad tungkol sa mga sensitibong paksa sa Google

Puwede mong gamitin ang Ang Aking Ad Center para limitahan ang mga ad na nakukuha mo para sa ilang partikular na sensitibong paksa sa mga serbisyo ng Google habang naka-sign in ka sa iyong Google Account sa Google Search, YouTube, at Discover. Puwede mong limitahan ang mga ad para sa mga sumusunod na paksa:

  • Alak
  • Pakikipag-date
  • Pagsusugal
  • Pagbubuntis at pagiging magulang
  • Pagbabawas ng timbang

Iniaalok namin ang opsyong limitahan ang mga ad na nauugnay sa mga partikular na paksa batay sa malawakang pananaliksik tungkol sa user sa kung anong mga paksa ang itinuturing na pinakasensitibo ng mga tao. Tuloy-tuloy ang pananaliksik na ito, kaya patuloy kaming mag-a-assess ng mga paksa batay sa iyong feedback.


I-update ang iyong mga setting para sa mga sensitibong paksa

Pinapayagan ang lahat ng sensitibong paksa bilang default. Puwede mong i-update ang iyong mga setting para sa mga indibidwal na paksa sa Ang Aking Ad Center.

  1. Sa Ang Aking Ad Center, piliin ang I-customize ang Mga Ad.
  2. Sa seksyong “I-customize ang mga ad na nakikita mo,” i-click ang tab na Sensitibo.
  3. Itakda ang iyong preference para sa bawat paksa sa pamamagitan ng pag-off o pag-on ng switch para sa paksang iyon. Kapag pinili mong limitahan ang isang paksa, lalagyan ito ng label na “Nilimitahan mo.”
  4. Kumpirmahin ang mga napili mo. Awtomatikong mase-save ang iyong mga preference.

Bakit nakakakuha pa rin ako ng mga ad tungkol sa mga sensitibong paksa na nilimitahan ko?

Kung minsan, posibleng mapakitaan ka ng ad na may binabanggit na sensitibong paksa na pinili mong limitahan. May ilang karaniwang dahilan kung bakit ito puwedeng mangyari.

  • Ang iyong mga setting para sa mga sensitibong paksa ay nakakaapekto lang sa mga ad na nakukuha mo sa mga serbisyo ng Google habang naka-sign in ka sa iyong Google Account. Kung hindi ka naka-sign in, puwede ka pa ring makakuha ng mga ad na nauugnay sa mga paksang nilimitahan mo.
  • Kung minsan, ang mga ad tungkol sa mga walang kaugnayang paksa ay posibleng may mga kasamang reference sa mga sensitibong paksa na nilimitahan mo. Halimbawa, puwedeng magpakita ng isang taong umiinom ng isang baso ng champagne ang isang ad para sa isang airline. Hindi itinuturing na ad ng alak ang ad na ito, kaya posibleng makuha mo ito kahit na pinili mong limitahan ang mga ad tungkol sa alak.
  • Apektado ng aktibidad mo sa paghahanap ang iyong mga ad, kahit na pinili mong limitahan ang mga ad tungkol sa isang sensitibong paksa. Halimbawa, kung gagamitin mo ang Google Search para maghanap ng mga dating app, puwede kang makakuha ng mga ad para sa mga dating app sa iyong mga resulta ng paghahanap kahit na pinili mong limitahan ang mga ad tungkol sa pakikipag-date.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
1198804905460063813
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false
false
false