Tungkol sa Mga Dashboard

Tingnan ang mga pinakamahahalaga mong ulat sa isang sulyap.

Ang Mga Dashboard ay koleksyon ng mga widget na nagbibigay sa iyo ng isang pangkalahatang-ideya ng mga ulat at sukatan na pinakamahalaga para sa iyo. Nagbibigay-daan sa iyo ang Mga Dashboard na sumubaybay ng maraming sukatan nang sabay-sabay, upang mabilis mong matitingnan ang katayuan ng iyong mga account o makikita ang kaugnayan sa pagitan ng iba't ibang ulat. Madaling gawin, i-customize at ibahagi ang Mga Dashboard.

Sa artikulong ito:

Pumunta sa iyong Mga Dashboard

Upang ma-access ang iyong mga Dashboard:

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. Mag-navigate patungo sa iyong view.
  3. Buksan ang Mga Ulat.
  4. I-click ang PAG-CUSTOMIZE > Mga Dashboard.

Mga widget ng dashboard

Ang widget ay isang maliit na ulat na maaaring magpakita ng iyong data sa ilang estilo ng presentasyon, kabilang na ang mga simpleng numerong sukatan, talahanayan at chart. Maaari kang tumukoy ng mga widget sa mismong Dashboard. Maaari ding magbigay ang mga widget ng mga snapshot ng at link patungo sa mga pangkaraniwan o custom na ulat.

I-click ang pamagat ng widget upang buksan ang kalakip na ulat.

Inilalarawan ng artikulong Paggawa ng Mga Dashboard ang mga widget at opsyon na available sa iyo.

Paggamit ng Mga Dashboard

Ang paggamit ng Dashboard ay katulad lang din ng paggamit ng anumang ulat sa Analytics. Maaari mong suriin ang mga elemento ng graph sa isang widget sa pamamagitan ng pag-hover sa elemento. Ipinapakita ng larawan sa ibaba ang ilan pang mga bagay na maaari mong gawin gamit ang Mga Dashboard:  

  • 1 Baguhin ang pangalan ng isang Dashboard sa pamamagitan ng pag-click sa pamagat ng Dashboard.
  • 2 Isaayos ang hanay ng petsa o maghambing ng 2 hanay ng petsa gamit ang picker ng petsa.
  • 3 Magdagdag ng mga widget, ibahagi, i-customize o alisin ang Dashboard gamit ang bar ng pagkilos.
  • 4 Magdagdag o mag-alis ng mga segment.
  • 5 Baguhin ang pagkakaayos ng mga widget sa page sa pamamagitan ng pag-drag sa mga ito sa title bar patungo sa mga bagong lokasyon. Mag-edit o mag-delete ng mga widget gamit ang mga kontrol na lalabas kapag itinapat mo ang mouse sa title bar ng widget.
  • 6 Magbukas ng isang naka-link na ulat sa pamamagitan ng pag-click sa pamagat ng widget. (Gumagana lang ito para sa mga widget ng naka-link na ulat, hindi sa mga widget na gagawin mo sa mismong Dashboard.)
  • I-refresh ang data ng Dashboard sa pamamagitan ng pag-click sa link na I-refresh ang Dashboard, na matatagpuan sa kanang sulok sa ibaba ng page (hindi ipinapakita sa screen shot).
Dashboard user interface map.
Figure 2: Mga karaniwang elemento ng Dashboard

Pagbabahagi ng Mga Dashboard

Ang lahat ng Dashboard na gagawin mo ay magsisimula na pribado, ibig sabihin ikaw lang ang makakakita sa mga ito. Maaari kang magbahagi ng Mga Dashboard sa iba pang mga user sa pamamagitan ng menu na Ibahagi. Maaari mo ring ibahagi ang Mga Dashboard sa pamamagitan ng email o i-export ang mga ito sa PDF gamit ang mga opsyon sa menu na I-export at I-email.

Share dashboard menu with 3 options: share object, share template, share in Solutions Gallery.
Figure 3: Menu na Magbahagi ng Mga Dashboard

Mga susunod na hakbang

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11457446232636098858
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false