Kung nais mong limitahan ang pagkakalantad ng isa sa iyong mga video, maaari mo itong itakda bilang "Pribado" na video. Kung ang iyong video ay nakatakda sa "Pribado" ikaw lang at hanggang sa 50 iba pang user na iniimbitahan mong manood ng video ang makakakita nito. Hindi lilitaw ang video sa iyong channel, sa mga resulta sa paghahanap o sa mga playlist atbp.
Paano gumawa ng Pribadong Video
- Mag-sign in sa iyong YouTube account at mag-click sa iyong username sa kanang sulok sa itaas. Mula sa drop down na menu, piliin ang Aking Mga Video.
- Piliin ang video na nais mong i-edit at i-click ang button na I-edit sa ibaba ng thumbnail ng below.
- Sa ibaba ng seksyong Pagpipilian sa Pag-broadcast at Pagbabahagi (sa kaliwang bahagi ng pahina sa bandang ilalim), makikita mo ang mga pagpipilian sa Privacy. I-click ang maliit na itim na arrow / tatsulok upang palawakin at makita ang lahat ng iyong mga pagpipilian sa privacy.
- Makikita mo ang pagpipiliang gawing Publiko o Pribado ang iyong video. Kung gagawin mong Pribado ang iyong video, 50 ibang user lang ang makakapanood sa video.
- Kung gusto mong gawing pribado ang iyong video, i-click at piliin ang opsyong Pribado.
- I-save ang mga pagbabagong iyong isinagawa sa mga setting ng iyong video sa pamamagitan ng pag-click sa button na I-save ang Mga Pagbabago. Itatakda na ngayon ang iyong video sa pribado.
Kung gusto mong makita/mapanood ng lahat ng user ang iyong video, dapat mong itakda ang iyong video sa Pampubliko.
Pagbabahagi ng Mga Pribadong video
Kung nais mong ibahagi ang isa sa iyong mga video sa isang pili at limitadong madla, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagtatakda sa iyong video sa Pribado. Sa sandaling maitakda ang video sa Pribado magagawa mong ibahagi ito sa hanggang 50 iba pang user.
Narito kung paano ibahagi ang iyong pribadong video:
|
|
- Mag-sign in sa iyong YouTube account at i-click ang link na Account na matatagpuan (sa kanang tuktok ng anumang pahina ).
- Sunod, i-click ang link na Mga Naka-upload na Video. I-click at piliin ang video na nais mong ipadala sa iyong mga kaibigan. Pagkatapos ay i-click ang button na I-edit.
- Sa ilalim ng seksyong Pagpipilian sa Pag-broadcast at Pagbabahagi (sa kaliwang bahagi ng pahina sa bandang ilalim), makikita mo ang mga pagpipilian sa Privacy. I-click ang maliit na itim na arrow / tatsulok upang palawakin at makita ang lahat ng iyong mga pagpipilian sa privacy (kung hindi pa ito nakabukas at hindi mo makita ang iyong mga pagpipilian sa privacy).
- Kung naitakda ang iyong video sa Pribado, makakakita ka ng seksyon kung saan maglalagay nang hanggang 50 na YouTube username na magkakaroon ng access sa iyong pribadong video.
Paggawang Publiko sa isang Pribadong video
Kung itinakda mo ang isa sa iyong mga naka-upload na video sa pribado ngunit pagkatapos ay nagpasyang gusto mo itong gawing publiko at ibahagi sa lahat ng mga user, narito kung paano muling itakda ang video sa Publiko:
- Mag-sign in sa iyong YouTube account at i-click ang link na Account na matatagpuan (sa kanang tuktok ng anumang pahina ).
- Pagkatapos ay i-click ang link na Mga Naka-upload na Video. I-click at piliin ang video na nais mong ipadala sa iyong mga kaibigan. Pagkatapos ay i-click ang pindutang I-save.
- Sa ibaba ng seksyong Pagpipilian sa Pag-broadcast at Pagbabahagi (sa kaliwang bahagi ng pahina sa bandang ilalim), makikita mo ang Mga pagpipilian sa privacy. I-click ang maliit na itim na arrow / tatsulok upang palawakin at makita ang lahat ng iyong mga pagpipilian sa privacy (kung hindi pa ito nakabukas at hindi mo makita ang iyong mga pagpipilian sa privacy).
- Makakakita ka ng dalawang pagpipilian: Publiko at Pribado. I-click at piliin ang Publiko.
- I-click ang I-save ang Mga Pagbabago na mga video upang matapos ang iyong pagpili at gawing available ang video sa lahat ng mga user .
Pakitandaan:
Sa sandaling itinakda mo ang iyong video sa publiko lilitaw ito sa iyong channel at sa playlist & mga paborito. Maaari itong i-embed sa ibang mga webpage (maliban kung iyong i-o-off ang pagpipiliang ito), at makita ng lahat, mga user ng YouTube at ng pangkalahatang publiko.
Ang isang hindi nakalistang video ay ibang uri ng pribadong video. Nangangahulugan ang Hindi nakalista na tanging ang mga taong nakakaalam ng link sa video ang makakatingin dito (gaya ng mga kaibigan o kapamilyang pinadalhan mo ng link). Hindi lilitaw ang di-nakalistang video sa anumang pampublikong puwang ng YouTube (gaya ng mga resulta ng paghahanap, iyong channel, o ng pahina ng Pagba-browse). Ang isang di-nakalistang video ay iba sa pribadong video sa mga paraang ito:
- Hindi mo kailangan ng YouTube account upang mapanood ang video (makakakita ka ng hindi nakalistang video kung may nagpadala sa iyo ng link ng video)
- Walang 50 taong limitasyon sa pagbabahagi


