Manatiling ligtas sa YouTube

Pananatiling Ligtas sa YouTube: Mga Patakaran at Tool para sa Mga Creator

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

 

Ang YouTube ay isang lugar kung saan pumupunta ang mga tao para i-share ang kanilang kuwento, magpahayag ng opinyon, at makipag-ugnayan sa isa't isa. Gusto naming matiyak na nararamdaman ng mga creator at manonood na ligtas sila habang ginagawa ang mga ito. Bagama't gusto ng karamihan ng mga creator at manonood ng YouTube na magbahagi, matuto, at makipag-ugnayan, alam naming may mga nangyayaring pang-aabuso, o maging panliligalig. Matuto pa tungkol sa mga patakaran at tool na idinisenyo para maprotektahan ka sa YouTube sa ibaba. 

May responsibilidad rin ang mga creator at user na panatilihing isang ligtas at maayos na platform ang YouTube. Matuto pa rito tungkol sa kung paano namin pinapanagot ang mga creator at user para sa pagpapanatili ng mga pamantayang ito. 

Mga patakaran sa poot at panliligalig 

Ang YouTube ay may mga partikular na patakaran na makakatulong sa pagprotekta laban sa poot at panliligalig.

  • Mapoot na salita: Pinoprotektahan ng patakarang ito ang mga partikular na grupo at miyembro ng mga grupong iyon. Itinuturing naming mapoot na salita ang content kapag nag-uudyok ito ng galit o karahasan laban sa mga grupo batay sa mga pinoprotektahang katangian gaya ng edad, kasarian, lahi, caste, relihiyon, sekswal na oryentasyon, o status ng pagiging beterano. Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa mapoot na salita.
  • Panliligalig: Pinoprotektahan ng patakarang ito ang mga partkular na indibidwal. Itinuturing naming panliligalig ang content kapag nagta-target ito ng indibidwal gamit ang mga matagal nang nagpapatuloy o nakakapahamak na insultong batay sa mga natural na katangian, kasama ang status ng kanyang protektadong grupo o mga pisikal na katangian. Kasama rin dito ang mapaminsalang gawi gaya ng mga pagbabanta, pananakot, doxxing, o panghihikayat sa mapang-abuso gawi ng fan. Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa panliligalig.

Para matuto pa tungkol sa mga patakaran ng YouTube, tingnan ang aming buong listahan ng Mga Alituntunin ng Komunidad.

Mga tool para protektahan ang iyong sarili 

Seryoso kami sa pagprotekta sa mga creator, artist, at user sa YouTube. Ito ang dahilan kung bakit hinihikayat ka naming gamitin ang iba't ibang tool na nakalista sa ibaba para tumulong na suportahan kang maramdaman mong ligtas ka habang gumagamit ng YouTube.

Mag-ulat ng hindi naaangkop o mapang-abusong content o mga user

Mag-block ng mga hindi naaangkop o mapang-abusong komento, content, o user

Panatilihing secure ang iyong account

Tandaan: Kung nag-aalala kang na-hack, na-hijack, o nakompromiso ang iyong account, sundin ang mga hakbang na ito para I-secure ang YouTube account mo.

Mga pinagkakatiwalaang partner na resource para sa kaligtasan online (US Lang) 

Para sa higit pang tip at video na makakatulong para maramdaman mong mas ligtas ka sa YouTube, bisitahin ang Safety Center para sa Creator.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3974425508628939056
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false