Saan man ang iyong lokasyon, kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata o hindi ang iyong mga video alinsunod sa kasunduan sa US Federal Trade Commission (FTC) at para matulungan kang makasunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o iba pang naaangkop na batas. Kapag hindi mo naitakda nang tama ang iyong content, posible itong magresulta sa mga kahihinatnan sa YouTube, o magkaroon ng mga legal na kahihinatnan sa ilalim ng COPPA at iba pang batas.
Nagbibigay kami ng ilang gabay sa kung ano ang itinuturing na “para sa bata” sa ibaba, pero hindi kami makakapagbigay ng legal na payo. Kung hindi ka sigurado kung natutugunan ng iyong mga video ang pamantayang ito, iminumungkahi naming humingi ka ng legal na payo.
Tandaan: Noong Nobyembre 2019, naglabas ang FTC ng higit pang impormasyon para matulungan ang mga creator sa YouTube na magpasya kung “para sa bata” o hindi ang kanilang content. Puwede kang matuto pa sa blog ng FTC.
Para sa bata | Hindi para sa bata |
---|---|
Kabilang sa mga halimbawa ng mga posibleng ituring na para sa bata ang:
Tumingin pa ng gabay sa ibaba. |
Kabilang sa mga halimbawa ng mga posibleng ituring na hindi para sa bata ang:
Tumingin pa ng gabay sa ibaba. |
- Mga bata ang pangunahing audience batay sa mga bagay na inilarawan sa ibaba.
- Hindi mga bata ang pangunahing audience, pero para sa mga bata pa rin ang video batay sa mga salik na nakasaad sa ibaba. (Kilala ito sa ilalim ng COPPA bilang content na “angkop sa iba't ibang audience,” na isang uri ng content na para sa bata. Iba ang content na angkop sa lahat ng audience sa content na angkop sa iba't ibang audience.)
Kapag magpapasya ka kung para sa bata o hindi ang iyong channel o video, dapat mong isaalang-alang ang iba't ibang bagay, kabilang ang:
- Paksa ng video (hal. pang-edukasyong content para sa mga preschooler).
- Kung mga bata ang nilalayon (hal. gaya ng nakasaad sa metadata ng iyong video) o aktwal mong audience para sa video.
- Kung may mga batang aktor o modelo ang video.
- Kung may mga character, celebrity, o laruan na kaakit-akit sa mga bata ang video, kabilang ang mga animated character o cartoon figure.
- Kung nilalayong maintindihan ng mga bata ang wika ng video.
- Kung ang video ay may mga kasamang aktibidad na kaakit-akit sa mga bata, tulad ng play-acting, simpleng mga kanta o laro, o early education.
- Kung ang video ay may mga kasamang kanta, kuwento, o tula na para sa mga bata.
- Anupamang impormasyong mayroon ka na makakatulong sa pagtukoy sa audience ng iyong video, tulad ng empirikal na katibayan ng audience ng video.
- Kung ina-advertise ang content sa mga bata.
Mga Paalala:
- Hindi awtomatikong nangangahulugang para sa bata ang iyong content dahil lang posibleng mayroon ito ng ilan sa mga salik na ito. Dapat mong maingat na isaalang-alang kung sino ang sinusubukan mong abutin gamit ang iyong mga video habang sinusuri mo ang iyong content at ang mga salik sa itaas.
- Hindi idinisenyo ang YouTube Analytics (YTA) para tumulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content. Dapat mong gamitin ang mga salik na binalangkas ng FTC sa itaas para itakda ang iyong audience.
- Mas malamang na mairekomenda ang mga video na itinakda bilang “para sa bata” kasama ng iba pang pambatang video. Tingnan ang aming mga pinakamadalas itanong tungkol sa content na para sa bata.
- Ligtas o naaangkop itong panoorin ng lahat (sinasabi ring “pampamilya” ito).
- Tungkol ito sa aktibidad na tradisyonal na nauugnay sa mga bata.
- Posibleng magkataong makita ito ng mga bata.
Content na angkop sa lahat ng audience
Ang content na angkop sa lahat ng audience ay content na puwedeng magustuhan ng lahat, pero hindi ito partikular na nilalayon para sa mga bata, o content na nilalayon para sa teenager o sa mas nakakatandang audience. Dapat itakda ang content na angkop sa lahat ng audience bilang “hindi para sa bata.”
Narito ang ilang halimbawa ng mga uri ng mga video na puwedeng maituring na “angkop sa lahat ng audience,” kung walang impormasyong nagmumungkahi ng layuning i-target ang mga bata:
- Isang DIY video na nagtuturo sa mga hobbyist kung paano mag-remake ng mga manika o kung paano gumawa ng mga clay na figurine
- Isang vlog ng pamilya na nagsasabi sa iba pang magulang tungkol sa pagbisita sa amusement park
- Isang video na nagtatampok ng mga detalyadong tagubilin tungkol sa paggawa ng mga mod o avatar
- Animated na content na magugustuhan ng lahat
- Isang gaming video na nagtatampok ng pang-adult na katatawanan
Ano ang pagkakaiba ng content na angkop sa lahat ng audience at content na angkop sa iba't ibang audience?
Sa kabilang banda, ang content na angkop sa iba't ibang audience ay itinuturing na uri ng content na para sa bata. Content ito na tina-target ang mga bata bilang isa sa mga audience nito, kahit na hindi ito ang pangunahing audience, at content ito na kwalipikado bilang para sa bata pagkatapos ibalanse ang mga salik na inilalarawan sa itaas.
Tandaan: Malamang na hindi para sa bata ang content na may mga sekswal na tema, karahasan, kalaswaan, o iba pang pang-mature na temang hindi naaangkop para sa mga batang audience.