Pangkalahatang-ideya ng Self-Certification sa YouTube

Kapag may access ka sa Self-Certification, hihilingin namin sa iyong i-rate ang sarili mong mga video ayon sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser.

Programa ng Self-Certification sa YouTube

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Bakit Self-Certification?

Makakatulong sa amin ang iyong input na makagawa ng mas mabilis at mas tumpak na mga pasya sa pag-monetize. Sa Self-Certification:

  1. Puwede mong sabihin sa amin kung ano ang nasa iyong video.
  2. Pagkatapos ay susuriin ito at pagpapasyahan ng aming mga naka-automate na system.
  3. Kung hindi ka sumasang-ayon sa aming mga naka-automate na system, puwede kang humiling ng pagsusuri ng tao.
  4. Titingnan ng reviewer ang iyong video, at magbibigay siya ng feedback. Makikita mo kung saan kayo hindi nagkakasundo ng reviewer (halimbawa, “hindi naaangkop na pananalita” o “mga sensitibong isyu”) sa content na nasa video na iyon.

Kung patuloy mong nare-rate nang tumpak ang iyong mga video, aasa kami sa input mo kaysa sa aming mga naka-automate na system. Gagamitin din ang iyong input para mapahusay ang aming mga system para sa buong komunidad ng mga nagmo-monetize na creator.

Available ang Self-Certification para sa content na minarkahan bilang “para sa bata.” Matuto pa tungkol sa pinakamahuhusay na kagawian para sa pambata at pampamilyang content, pati na rin tungkol sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser na partikular na idinisenyo para sa pambatang content.

Ang kailangan mong gawin

Sa Self-Certification, kailangan mong i-rate ang:

  • Lahat ng bagong video kung saan mo io-on ang mga ad.
  • Mga dati nang na-upload na video kung saan mo gustong i-on ang mga ad.

Hindi mo na kailangang i-rate ang mga kasalukuyang video kung saan naka-on ang mga ad.

Paano i-rate ang iyong mga video

Sundin ang mga hakbang na ito para i-rate ang iyong mga video ayon sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser:

  1. Sundin ang mga hakbang para mag-upload ng video sa YouTube Studio. Kapag ina-upload ang iyong video, piliin ang dropdown na Pag-monetize at pagkatapos ay piliin ang I-on at pagkatapos ay i-click ang Tapos na at pagkatapos ay i-click ang Susunod.
  2. Pumili ng anumang kaugnay na feature sa page na Mga advanced na setting at pagkatapos ay i-click ang Susunod.
  3. Sagutan ang questionnaire sa page na Kaangkupan ng ad at pagkatapos ay i-click ang Isumite ang Rating at pagkatapos ay i-click ang Susunod.
    • Kung ang iyong video ay walang kasamang content na nakalista sa questionnaire, magagawa mong mag-scroll pababa at lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Wala sa mga nasa itaas."
  4. Ginagamit ng page na Mga Pagsusuri ang aming mga system para suriin ang iyong video para sa kaangkupan sa ad pagkatapos mo itong ma-rate. Kapag tapos na ito, at pagkatapos ay i-click ang Susunod.
  5. Piliin ang status ng visibility ng iyong video.
  6. I-click ang Tapos na.

Nagre-rate ka ba ng sarili mong content na itinalagang para sa bata? Kung gayon, tiyaking maunawaan ang aming pinakamahuhusay na kagawian para sa pambata at pampamilyang content. Para makahanap ng mga hakbang sa pagmamarka ng mga video bilang para sa bata (para ma-self certify ang mga ito sa Studio), bisitahin ang page na ito.

Unawain ang iyong status ng rating

Kapag kasama ka sa programa, makakakita ka ng page ng katumpakan ng rating.

  • Tingnan ang katumpakan ng rating mo.
  • Tingnan kung saan kayo hindi nagkasundo ng YouTube sa rating.
  • Humiling ng feedback mula sa aming mga taga-rate o tingnan ang feedback na ibinigay ng aming mga taga-rate.

Makikita mo kung gaano katugma ang iyong history ng mga rating sa mga rating ng aming mga system at taong tagasuri. Karaniwang natutukoy namin kung gaano ka katumpak pagkatapos mong makapag-rate ng 20 video. Mahalaga ang impormasyong ito dahil kapag mas tumpak ang iyong mga rating, mas magagamit namin ang mga ito para makapagpasya kung aling mga ad ang papatakbuhin.

Paano basahin ang katumpakan ng iyong rating
Habang nagre-rate ka ng higit pang video, malalaman mo kung gaano katugma ang iyong mga rating sa mga rating ng aming mga naka-automate na system at taong tagasuri.

Hanapin ang iyong page ng status ng rating

  1. Mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong channel na bahagi ng Self-Certification.
  2. Pumunta sa https://studio.youtube.com/channel/UC/videos/contentratings.
  3. Makikita mo ang page ng status ng mga rating.

Ang ibig sabihin ng bawat column sa iyong page ng status ng rating

  • Video: Ang video na binibigyan ng rating.
  • Petsa kung kailan binigyan ng rating:: Ang petsa kung kailan mo binigyan ng rating ang iyong video.
  • Iyong rating: Ang tinataya ng aming mga system na status ng pag-monetize ng iyong video, batay sa pag-rate mo ng iyong video.
  • Rating sa YouTube: Ang pinapaniwalaan ng mga system ng YouTube o ng aming mga taong tagasuri na dapat na status ng pag-monetize ng video na ito.
  • Uri ng Pagsusuri ng YouTube: Makakakita ka ng 2 magkaibang icon. Ipinapakita ng isa na sinuri ng aming mga naka-automate na system ang iyong video, ipinapakita naman ng isa na sinuri ito ng isang espesyalista sa patakaran.
    • COMPUTER: Nangangahulugan ang icon na ito na gumawa ng pasya sa pag-monetize ang aming mga naka-automate na system.
    • TAO: Nangangahulugan ang icon na ito na sinuri ng isang espesyalista sa patakaran -- isang tunay na tao -- ang video.
  • Pagkilos: Sinasabi ng column na ito sa iyo kung ano ang magagawa mo tungkol sa pasya sa pag-monetize.
    • Humiling ng pagsusuri: Sinuri ng aming mga naka-automate na system ang iyong video. Hindi palaging tama ang aming mga naka-automate na system. Puwede mong i-click ang Humiling ng pagsusuri para magpagawa ng huling pasya sa pag-monetize sa isa sa aming mga espesyalista sa patakaran.
    • Tingnan ang feedback: Isang espesyalista sa patakaran ang sumuri ng iyong video at gumawa ng huling pasya. Kapag nakapagpasya na ang isang taong tagasuri, hindi na mababago ang status ng pag-monetize. Kung iki-click mo ang Tingnan ang feedback, makikita mo ang mga pagkakaiba kung paano mo na-rate ang video at kung paano na-rate ng aming mga espesyalista sa patakaran ang video. Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga pagsusuri sa pag-monetize na angkop sa advertiser.
Paano nakakaapekto ang iyong rating sa channel mo
Bibigyan ka ng status ng rating batay sa kung gaano kadalas nagtutugma ang aming pasya sa pag-monetize at pag-rate mo ng status ng pag-monetize ng iyong video.
Kung mataas ang iyong katumpakan: Ibig sabihin nito na gagamitin namin ang iyong input para makatulong na magpasya kung aling mga ad ang puwedeng tumakbo sa iyong video.
Kung mababa o hindi alam ang katumpakan ng iyong rating, o kung hindi ka pa nakapag-rate ng maraming video: Posibleng kailanganin mong suriin ang feedback ng aming espesyalista sa patakaran para mas maunawaan kung paano gumagana ang mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser, o mag-rate ng higit pang video. Kapag humusay na ang katumpakan ng iyong rating, mas madalas naming gagamitin ang input mo para makatulong na magpasya kung aling mga ad ang puwedeng tumakbo sa iyong mga video.
Puwedeng magbago sa paglipas ng panahon ang rating ng iyong katumpakan.

Mga FAQ sa Programa

Paano ako magkaka-access sa Self-Certification?

Kapag may access ka sa Self-Certification, makakakita ka ng mensahe sa YouTube Studio na magsasabi sa iyong puwede mo nang i-rate ang iyong video. Karaniwan itong nangyayari isa o dalawang buwan pagkatapos lumahok sa Partner Program ng YouTube. 

Kapag sinimulan ko na ang pag-rate ng mga video ko, ibig sabihin ba nito na palagi akong mamo-monetize?

Kung hindi nakakatugon ang iyong video sa mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser at susubukuan mong i-on ang mga ad, ide-demonetize pa rin ng aming mga espesyalista sa patakaran ang iyong video. Sa positibong bahagi, kung patuloy kang gagawa ng mga tumpak na desisyon sa pag-monetize para sa iyong video, puwedeng maging mas kaunti ang makikita mong mga dilaw na icon sa paglipas ng panahon. Mahalaga ang pagbabagong ito dahil gagamitin namin ang iyong mga rating kaysa sa aming mga naka-automate na system para alamin kung anong mga ad ang papatakbuhin sa mga video mo.

May paraan ba para makita ang pag-monetize ng aking video bago ko ito isapubliko?
Kung gusto mong suriin ang status ng pag-monetize bago isapubliko ang video, puwede mong hintaying matapos ang mga pagsusuri sa kaangkupan sa ad sa panahon ng proseso ng pag-upload.
Paano ko mapapahusay ang katumpakan ng aking mga rating?
May 3 paraan para matutunan mo kung paano tumpak na i-rate ang iyong video:

Gamitin ang page ng mga pagsusuri sa panahon ng pag-upload

Puwede mong gamitin ang page ng mga pagsusuri habang nag-a-upload para ma-screen ang iyong video para sa kaangkupan sa ad at mga claim sa copyright bago mo ito i-publish.
Suriin ang aming mga alituntunin
Puwede mong tingnan ang aming gabay sa pag-rate sa sarili ayon sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Makakatulong sa iyo ang resource na ito na maunawaan kung ano ang angkop at hindi angkop para sa lahat ng advertiser. Kung magre-rate ka ng sarili mong content na para sa bata, tiyaking maunawaan ang aming pinakamahuhusay na kagawian para sa pambata at pampamilyang content.
Makakuha ng feedback mula sa mga reviewer ng YouTube
Kung hindi ka pa rin sigurado tungkol sa pag-rate ng iyong video, puwede mong gawin ang mga sumusunod:
  1. I-rate ang iyong video.
  2. Humiling ng pagsusuri ng tao.
    • Kapag ni-rate mo ang iyong video bilang hindi angkop para sa mga ad at humiling ka ng pagsusuri ng tao, papabilisin namin ang pagsusuri.
  3. Pagkatapos ay susuriin ng aming mga taga-rate ang iyong video at magbibigay sila ng huling pasya sa pag-monetize.
  4. Suriin ang feedback mula sa taga-rate.
Ano ang mangyayari kung magkakamali ako at hindi tumpak ang pag-rate ko sa mga video ko?

Dahil gusto naming gamitin ang iyong mga rating para gawin ang mga tamang pasya sa pag-monetize, mahalagang i-rate mo ang iyong content sa abot ng makakaya mo.

Kung makakakita kami ng mga umuulit at malalang pagkakamali sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser, susuriin ang iyong channel kung isasama ito sa Partner Program ng YouTube.

Ano ang mga timestamp ng patakaran?

Posibleng magbigay ng mga timestamp para sa mga apela sa dilaw na icon kung ginamit ng iyong video ang daloy ng Self-Certification sa desktop. Ibinigay ang mga halimbawang ito para matulungan kang mas maunawaan kung saan nakita ng aming mga eksperto ang mga paglabag sa patakaran sa iyong content. Ang mga ibinigay na paksa ng patakaran ay pangkalahatang-ideya kaugnay ng sakop ng bawat alituntunin. Para sa higit pang detalye sa bawat alituntunin, suriin ang buong Mga Alituntunin sa Content na Angkop sa Advertiser dito.

Tandaan: Hindi nagbibigay ng direksyon ang mga timestamp sa kung saan gagawin ang mga pag-edit, sa halip ay nag-aalok ang mga ito ng higit na kalinawan sa mga paglabag sa patakaran. Hindi kwalipikado para masuri ulit ang mga video, thumbnail, at pamagat na na-edit gamit ang YouTube Studio para maalis ang lumalabag na content.

Bakit iba ang mga alituntunin sa content sa YouTube kumpara sa TV?
Iba ang mga inaasahan ng mga advertiser sa YouTube kumpara sa TV. Sa TV, kadalasang may pagkakataon ang mga advertiser na suriin ang content bago ito maipalabas para matukoy kung OK sila rito. Sa YouTube, hindi masusuri ng mga advertiser ang bawat video na nagpapakita ng kanilang mga ad. Sinasalamin ng aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser kung saan kumportable ang mga advertiser na maiugnay ang kanilang brand. Bagama't puwedeng baguhin ng mga advertiser ang kanilang mga indibidwal na kagustuhan, kumakatawan ang aming mga alituntunin sa kung ano ang naaangkop para sa lahat ng advertiser sa buong mundo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4706993295021765559
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false