Gumamit ng IFTTT kapag nagmo-monetize ka

Kung bahagi ka ng Partner Program ng YouTube, puwede kang gumawa ng masasayang karanasan para sa iyong mga manonood gamit ang IFTTT. Ang IFTTT ay isang third-party at web-based na serbisyong ikinokonekta ang iba't ibang app, serbisyo, at mga device sa isa't isa.

Puwede kang gumamit ng mga IFTTT applet para awtomatikong mag-trigger ng mga aktwal na pagkilos habang nasa live stream. Magagawa ng IFTTT na tukuyin ang mga nagbabayad na tagahanga at pamahalaan ang iyong komunidad. Maraming natatangi at nakakatuwang interaction sa IFTTT, at kasalukuyan itong magagamit sa mga sumusunod na feature sa pag-monetize ng YouTube:

  • Super ChatNati-trigger ang mga pagkilos kapag bumili ang mga manonood ng mga mensahe sa Super Chat.
  • Mga channel membershipNati-trigger ang mga pagkilos kapag sumali ang mga manonood bilang miyembro ng channel.

Mga FAQ tungkol sa IFTTT​

Ano ang integration na ito?

Kapag naikonekta mo na sa IFTTT ang iyong channel sa YouTube, puwede kang mag-link ng mga nakakonektang app, serbisyo, at device sa Super Chat at mga channel membership. Puwedeng mag-trigger ng mga aktwal na pagkilos ang mga manonood na bibili ng Mga Super Chat o sasali bilang miyembro ng channel habang nasa live stream.
Nili-link ng mga applet ang Super Chat at mga channel membership sa:
  • Mga online na serbisyo tulad ng Google Drive at mga social media platform.
  • Mga device na nakakonekta sa internet tulad ng mga smart light o smart switch.
Tingnan kung aling mga Super Chat applet at channel membership applet ang available, at matuto pa tungkol sa IFTTT.

May kailangan ba akong bilhin?

Depende ito sa uri ng interaction na gusto mong gawin para sa iyong mga manonood. Sa ilan, kakailanganin mong bumili ng device na nakakonekta sa internet. Magagamit mo rin ang marami sa iyong mga kasalukuyang device na nakakonekta sa internet.
Puwede kang gumamit ng ilang na-shortlist na interaction na nauugnay sa Super Chat o mga channel membership. Puwede ka ring gumawa ng sarili mong interaction. Tiyaking magagamit sa IFTTT ang app, serbisyo, o device.

Paano ko ito ise-set up?

Una, kakailanganin mong ikonekta sa IFTTT ang iyong channel sa YouTube.
  1. Gumawa ng IFTTT account kung wala ka pa nito.
  2. Kumonekta sa YouTube gamit ang mismong YouTube account at channel sa YouTube na ginagamit mo para sa mga feature sa pag-monetize.
Kapag nakakonekta na ang iyong mga account, makakagawa ka na ng mga pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paggawa ng Applet na nagti-trigger ng mga pagkilos sa IFTTT o gumamit ng dati nang na-publish na applet.

Kumuha o gumawa ng mga IFTTT applet para sa Super Chat

Pagiging Kwalipikado

Para ma-on ang feature na ito, dapat mong masapatan ang mga sumusunod:

Gumagamit ng mga pre-made na applet

Puwede kang pumili sa iba't ibang pre-made na applet. Makakakita ka ng mga applet na magbibigay-daan sa iyong mga manonood na mag-trigger ng mga aktwal na pagkilos habang nasa live stream. Makakatulong sa iyo ang mga applet na matukoy ang mga nagbabayad na tagahanga, pamahalaan ang komunidad mo, at iba pa.

Gumawa ng iyong sariling applet

Puwede mong i-customize ang karanasan para sa iyong mga user at gumawa ng sarili mong mga applet. Sundin ang mga tagubiling ito para makagawa ng iyong sariling applet:
  1. Pumunta sa ifttt.com/create.
  2. I-click ang +This.
  3. Piliin ang logo ng YouTube.
  4. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang iyong channel sa YouTube.
  5. Piliin ang "New Super Chat message" bilang trigger at piliin kung aling tier ng kulay ang gusto mong maging trigger.
  6. I-click ang +That at pumili ng anumang serbisyo ng pagkilos.
  7. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang serbisyong iyon at piliin ang pagkilos.
  8. Suriin ang iyong applet at i-click ang Tapusin.

Paano i-test ang mga Super Chat applet

Kapag nagawa mo na ang iyong mga applet, kakailanganin mong i-test ang mga ito. Ang pinakamadaling paraan para i-test ang iyong applet ay sa pamamagitan ng email. Para i-test:
  1. Pumunta sa ifttt.com/create.
  2. I-click ang +This.
  3. Hanapin at i-click ang logo ng YouTube.
  4. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang iyong channel sa YouTube.
  5. Piliin ang "email" bilang trigger at “Send IFTTT any email” bilang trigger.
  6. I-click ang +That at pumili ng anumang serbisyo ng pagkilos.
  7. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang serbisyong iyon at piliin ang pagkilos.
  8. Suriin ang iyong applet at i-click ang Tapusin.
  9. Para subukan, i-email ang email account ng IFTTT. Dapat ma-trigger ang iyong Applet sa loob ng ilang segundo.

​Dapat sumunod ang mga creator at manonood sa Mga Tuntunin ng Serbisyo at Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube. Dapat din nilang sundin ang mga panuntunan sa Copyright, at protektahan ang mga karapatan sa privacy ng iba.

Pag-troubleshoot ng Mga Isyu

Kung hindi gumagana ang iyong applet, puwedeng nasa trigger o pagkilos ang isyu. Puwede ring nasa IFTTT mismo ang isyu. Kung nagkakaproblema ka, subukan ang mga sumusunod:
  • Tiyaking naka-on ang iyong mga device at nakakonekta ang mga ito sa internet.
  • Tingnan ang feed ng iyong Aktibidad sa IFTTT, kung saan makikita ang status ng bawat pag-execute ng trigger sa mga applet mo. Idinedetalye rin sa feed na ito ang anumang error.

Makakuha pa ng mga tip sa pag-troubleshoot sa website ng IFTTT.

Kumuha o gumawa ng mga IFTTT applet para sa mga membership

Pagiging Kwalipikado

Para ma-on ang feature na ito, dapat mong masapatan ang mga sumusunod:

Gumagamit ng mga pre-made na applet

Puwede kang pumili sa iba't ibang pre-made na applet. Makakakita ka ng mga applet na magbibigay-daan sa iyong mga manonood na mag-trigger ng mga aktwal na pagkilos habang nasa live stream. Makakatulong sa iyo ang mga applet na matukoy ang mga nagbabayad na tagahanga, pamahalaan ang komunidad mo, at iba pa.

Gumawa ng iyong sariling applet

Puwede mong i-customize ang karanasan para sa iyong mga user at gumawa ng sarili mong mga applet. Sundin ang mga tagubiling ito para makagawa ng iyong sariling applet:
  1. Pumunta sa ifttt.com/create.
  2. I-click ang +This.
  3. Piliin ang logo ng YouTube.
  4. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang iyong channel sa YouTube.
  5. Piliin ang "New channel membership" bilang trigger.
  6. I-click ang  +That at pumili ng anumang serbisyo ng pagkilos.
  7. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang serbisyong iyon at piliin ang pagkilos.
  8. Suriin ang iyong applet at i-click ang Tapusin.

Paano i-test ang mga Membership applet

Kapag nagawa mo na ang iyong mga applet, kakailanganin mong i-test ang mga ito. Ang pinakamadaling paraan para i-test ang iyong applet ay sa pamamagitan ng email. Para i-test:
  1. Pumunta sa ifttt.com/create.
  2. I-click ang +This.
  3. Piliin ang logo ng YouTube.
  4. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang iyong channel sa YouTube.
  5. Piliin ang "email" bilang trigger at “Send IFTTT any email” bilang trigger.
  6. I-click ang  +That at pumili ng anumang serbisyo ng pagkilos.
  7. Sundin ang mga tagubilin para ikonekta ang serbisyong iyon at piliin ang pagkilos.
  8. Suriin ang iyong applet at i-click ang Tapusin.
  9. Para subukan, i-email ang email account ng IFTTT. Dapat ma-trigger ang iyong applet sa loob ng ilang segundo.

Dapat sumunod ang mga creator at manonood sa Mga Tuntunin ng Serbisyo at Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube. Dapat din nilang sunin ang Mga panuntunan sa copyright, at protektahan ang mga karapatan sa privacy ng iba.

Pag-troubleshoot ng Mga Isyu

Kung hindi gumagana ang iyong applet, puwedeng nasa trigger o pagkilos ang isyu. Puwede ring nasa IFTTT mismo ang isyu. Kung nagkakaproblema ka, subukan ang mga sumusunod:
  • Tiyaking naka-on ang iyong mga device at nakakonekta ang mga ito sa internet.
  • Tingnan ang feed ng iyong Aktibidad sa IFTTT, kung saan makikita ang status ng bawat pag-execute ng trigger sa mga applet mo. Idinedetalye rin sa feed na ito ang anumang error.

Makakuha pa ng mga tip sa pag-troubleshoot sa IFTTT.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7140442351975299275
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false