Maging miyembro ng channel sa YouTube

Binibigyang-daan ka ng mga channel membership sa pangunahing site at app ng YouTube na bumili ng mga pampublikong badge, emoji, at access sa mga perk ng creator na iniaalok ng channel.

Posibleng mag-iba-iba ang presyo ng mga membership depende sa iyong bansa, at sa platform na ginagamit mo.

Tandaan: Simula sa Enero 2022, ang ilang user na naging mga miyembro ng channel sa YouTube Android app ay sisingilin sa pamamagitan ng Google Play. Hindi ito makakaapekto sa pagpepresyo o gastos, ang lugar na sisingilin lang para sa pagbili ang magbabago. Puwede mong bisitahin ang pay.google.com para makita ang mga kamakailang pagsingil at makita kung paano ka sinisingil.
 

Sumali, magpalit ng level, o magkansela ng membership

Maging miyembro ng isang channel

Sumali sa isang kalahok na channel membership sa pangunahing site at app ng YouTube.
  1. Bumisita sa youtube.com o buksan ang YouTube app.
  2. Pumunta sa channel o sa isang video na na-upload ng creator na gusto mong suportahan at tingnan kung na-enable niya ang mga membership sa kanyang channel.
  3. I-click ang Sumali.
  4. Sundin ang mga prompt para ilagay ang iyong impormasyon sa pagbabayad.
  5. I-click ang Bilhin.

Makakakita ka ng anunsyo ng pagbati kapag nakumpleto na ang iyong transaksyon.

Palitan ang level ng iyong membership

Para mag-upgrade

  1. Pumunta sa homepage ng channel ng membership na gusto mong palitan at i-click ang Tingnan ang mga perk.
  2. Piliin ang level na gusto mong salihan at pagkatapos ay Magpalit ng level.
  3. Piliin ang Mag-upgrade.
  4. Magkakaroon ka kaagad ng access sa na-upgrade na level pagkabili.
    1. Paalala sa pagpepresyo: Ang sisingilin lang sa iyo ay ang pinagkaiba sa presyo ng mga level, sa naisaayos na presyo para sa mga natitirang araw sa iyong dating kasalukuyang yugto ng pagsingil.
    2. Halimbawa: Kung nagbabayad ka ng $4.99 at mag-a-upgrade ka sa $9.99 na level habang may kalahating buwan pang natitira bago ang iyong susunod na pagbabayad, sisingilin ka ng ($9.99-$4.99) X (0.5)= $2.50 para sa natitirang bahagi ng buwan.
  5. Hindi magbabago ang petsa ng iyong buwanang pagsingil dahil sa isang pag-upgrade ng level.

Para mag-downgrade

  1. Pumunta sa homepage ng channel ng membership na gusto mong palitan at i-click ang Tingnan ang mga perk.
  2. Piliin ang level na gusto mong salihan at pagkatapos ay Magpalit ng level.

Mga detalye ng pagsingil at access para sa mga pag-downgrade

  • Hindi magbabago ang petsa ng iyong buwanang pagsingil dahil sa pag-downgrade ng level.
  • Magkakaroon ka ng access sa iyong orihinal na level hanggang sa susunod na petsa ng pagbabayad mo.
  • Sisingilin sa iyo ang bagong mas mababang presyo sa susunod na petsa ng pagsingil.
  • Mapapanatili mo ang anumang naipong loyalty sa iyong badge kung iaalok ng creator.

Mapapanatili mo ang anumang naipong loyalty sa iyong badge kung iaalok ng creator.

Magkansela ng channel membership
Buksan ang screen ng pamamahala sa membership sa pamamagitan ng pag-click sa Tingnan ang mga perk sa homepage ng isang channel at pagkatapos ay piliin ang at pagkatapos ay i-click ang Wakasan ang membership at mga perk.
Puwede mo ring kanselahin ang iyong membership anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba sa isang computer:
  1. Mag-sign in sa YouTube.
  2. Pumunta sa youtube.com/paid_memberships.
  3. Hanapin ang channel membership na gusto mong kanselahin at i-click ang Pamahalaan ang membership.
  4. Piliin ang I-DEACTIVATE.
  5. Piliin ang WAKASAN ANG MEMBERSHIP.
  6. Makakakita ka ng screen ng kumpirmasyon ng pagkansela.

Kung nagkakaproblema ka sa pagkansela ng iyong membership, matuto pa rito.

Bumili ng Gift Membership
Available lang ang mga gift membership sa mga kalahok na channel para bilhin o i-redeem. Puwedeng mag-opt in at makakuha ng mga gift ang mga manonood gamit ang mga web, Android, o iOS device.

Sa pamamagitan ng mga gift membership, magagawa ng mga manonood na bilhin ang pagkakataon para ma-access ng iba pang manonood ang mga perk ng channel membership nang hanggang isang buwan. Para makabili ng mga gift membership, nanonood ka dapat ng livestream o Premiere sa isang channel na naka-on ang Pag-gift.

Available ang mga gift membership sa mga livestream at Premiere sa mga kwalipikadong channel. Kung available ang mga gift membership para sa channel, puwede kang bumili ng gift membership habang nasa live stream o Premiere:

  1. Gumamit ng computer para mag-sign in sa YouTube.
  2. Pumunta sa kwalipikadong channel na gusto mong bilhan ng mga gift membership.
  3. Sumali sa live stream o Premiere ng channel.
  4. Sa Live chat, i-click ang .
  5. I-click ang Mag-gift ng membership .
  6. Piliin ang bilang ng mga manonood na gusto mong i-gift ng mga membership.
  7. Kumpletuhin ang transaksyon.

Palaging iniaalok ang mga gift membership sa pinakamalapit na pinakamataas na antas ng presyong available hanggang sa at kabilang ang $5.

Kapag nakabili ka na ng mga gift membership, may ticker ng countdown na magha-highlight sa iyong pagbili sa live chat sa loob ng limitadong oras. Nakadepende ang tagal ng oras sa halaga ng nabili mo. Puwedeng tapusin ng creator ang live chat o live stream bago ianunsyo ang iyong gift, pero pagkatapos nito, patuloy pa ring ipapamahagi ng YouTube ang mga gift sa loob ng isang partikular na period.

Tandaan: Nakikita ng publiko ang bilang ng mga na-gift na membership, pangalan ng iyong channel, at larawan sa profile mo. Puwede ring maging available ang impormasyong ito sa channel sa pamamagitan ng aming YouTube Data API Service at puwedeng ibahagi ng channel ang impormasyong ito sa mga third-party na serbisyo. Ituturing na tapos na ang iyong pagbili ng gift membership kapag ibinahagi na ng YouTube ang unang gift sa isang manonood.

Mag-opt in at makakuha ng mga gift membership
Available lang ang mga gift membership sa mga kalahok na channel para bilhin o i-redeem. Puwedeng mag-opt in at makakuha ng mga gift ang mga manonood gamit ang mga web, Android, o iOS device.

Paano bumili at makakuha ng Mga Gift Membership

Dapat mag-opt in ang mga manonood para maging kwalipikado sa mga gift membership. Kapag nakapag-opt in ka na, kwalipikado ka nang tumanggap ng mga gift membership sa anumang channel na may naka-enable na pag-gift kung saan ka nakipag-interact kamakailan (halimbawa, sa pamamagitan ng panonood ng video sa channel na iyon). Kapag nakatanggap ka ng gift, awtomatiko itong malalapat sa iyong account, at magkakaroon ka ng access sa mga espesyal na perk tulad ng mga badge at mga custom na emoji.

Kung dati kang naka-opt in sa isang partikular na channel lang, kwalipikado ka pa ring makatanggap ng mga gift sa channel na iyon. Kakailanganin mo pa ring mag-opt in nang pangkalahatan para maging kwalipikadong tumanggap ng mga gift sa iba pang channel.

Para mag-opt in para sa mga gift membership, dapat ay naka-sign in ka sa isang channel sa YouTube na hindi Brand Account. Tingnan kung Brand Account ang ginagamit mo. Sa ngayon, hindi kwalipikadong makakuha ng mga gift membership ang mga miyembro ng channel.

Mag-opt in para sa mga gift membership

Maraming paraan para mag-opt in para sa mga gift, kabilang ang, pero hindi limitado sa:

  • Sa live chat
  • Sa page sa panonood ng isang video
  • Sa page ng channel
  • Gamit ang natatanging URL sa pag-opt in ng creator (link sa page ng channel na may /allow_gifts sa dulo).

Mag-opt in sa pamamagitan ng live chat

  1. Pumunta sa live stream o Premiere ng kwalipikadong channel.
  2. Sa loob ng Live chat:
    1. Piliin ang PAYAGAN ANG MGA GIFT, o
    2. Piliin ang naka-pin na Pag-gift ng membership .
  3. Kumpirmahing gusto mong mag-opt in sa pamamagitan ng pag-on sa switch na “Payagan ang mga gift”

Mag-opt in sa pamamagitan ng channel o page sa panonood:

  1. Pumunta sa page ng kwalipikadong channel o sa page sa panonood ng isang video.
  2. I-click ang SUMALI  at pagkatapos ay Higit pa   at pagkatapos ay ”Mga Setting ng Pag-gift.”
  3. Kumpirmahing gusto mong mag-opt in sa pamamagitan ng pag-on sa switch na “Payagan ang mga gift.”
​​Tandaan: Kung napili ka para sa isang gift membership, makikita ng publiko ang pangalan ng iyong channel. Puwede ring maging available ang impormasyong ito sa channel sa pamamagitan ng aming YouTube Data API Service at puwedeng ibahagi ng channel ang impormasyong ito sa mga third-party na serbisyo.

Para mag-opt out sa pagpayag sa mga gift, buksan ang “Mga Setting ng Pag-gift” sa pamamagitan ng pag-click sa SUMALI sa anumang channel o page sa panonood na naka-enable ang mga membership at i-off ang “Payagan ang mga gift.” Hindi ka na magiging kwalipikadong tumanggap ng mga gift sa anumang channel.

Kumuha ng gift membership

Kapag bumili ng mga gift membership ang isang miyembro ng channel o Creator, inaanunsyo ito sa live chat. Kung napili kang makatanggap ng 1 buwang membership, may lalabas na notification sa live chat at papadalhan ka namin ng notification sa email.

Hindi nare-refund at hindi puwedeng ipalit sa katumbas na cash ang mga gift membership. Nagbibigay ang lahat ng gift membership ng hanggang 1 buwang access sa mga perk ng channel membership at mag-e-expire ang mga ito pagkatapos.

Para tingnan ang iyong mga benepisyo ng membership at ma-access ang mga perk:

  • Piliin ang tab na ‘Mga Membership’ sa channel kung saan gusto mong maging miyembro, O
  • Piliin ang TINGNAN ANG MGA PERK sa anumang page ng video ng channel na iyon.

Hindi umuulit ang mga gift membership at hindi ka sisingilin kapag tapos na ang mga ito. Kung gusto mong wakasan ang iyong gift membership nang maaga, makipag-ugnayan sa suporta. Mawawalan ka ng access sa mga benepisyo ng gift membership.

Impormasyon sa pagbabayad at pagsingil

Impormasyon sa pagsingil

Mga bago at kasalukuyang miyembro

Kapag mayroon kang aktibong binabayarang membership, awtomatiko kang sisingilin sa simula ng bawat buwanang yugto ng pagsingil.

Mga nakanselang membership

Kapag nagkansela ka ng binabayarang channel membership, hindi ka na sisingilin ulit maliban na lang kung ia-activate mo ito ulit. Patuloy kang makakatanggap ng mga perk ng membership hanggang sa matapos ang sinasakupang panahon ng pagsingil na iyon.

Mga membership na na-activate ulit

Puwede mong i-activate ulit ang iyong membership anumang oras. Kung mag-a-activate ka ulit sa yugto ng pagsingil kung kailan ka nagkansela, hindi ka sisingilin hanggang sa matapos ang kasalukuyang yugto ng pagsingil na iyon.

I-update ang iyong impormasyon sa pagbabayad

Puwede mong baguhin ang credit card na ginagamit para sa isang binabayarang membership sa seksyong Aking mga subscription ng iyong Google Account. Tandaang posibleng kailanganin mo munang magdagdag ng bagong card sa iyong Google Account.
Kapag mayroon kang aktibong binabayarang membership, awtomatiko kang sisingilin sa simula ng bawat buwanang yugto ng pagsingil. Puwede mong tingnan ang iyong susunod na petsa ng pagsingil at pamahalaan ang membership mo sa youtube.com/paid_memberships.

Mga umuulit na singil sa India

Dahil sa mga requirement ng eMandate ng Reserve Bank of India, kailangan mong i-verify o ilagay ulit ang iyong mga detalye ng pagbabayad para mapanatili ang access sa mga umuulit mong membership. Para gawin ito, sundin ang mga tagubilin sa YouTube app o sa youtube.com. Tandaang posibleng hindi sinusuportahan ng iyong bangko ang mga umuulit na pagbabayad sa ngayon. Tingnan ang listahan ng mga bangkong sumusuporta sa mga umuulit na pagbabayad o matuto pa.

Paano nakakaapekto sa iyong mga pagbabayad ang mga naka-pause na channel membership

Kahulugan ng “paused mode”

Kung minsan, inilalagay sa “paused mode” ang mga channel membership. Posible itong mangyari kung magpapalit ang isang channel ng MCN, kung itatakda nito ang kanilang channel bilang para sa bata, o kung hindi ito makapag-monetize. Kapag nangyari ang “paused mode,” nangangahulugang hindi puwedeng mag-monetize ang channel sa mga membership -- kadalasang pansamantala lang ito. Kung nasa “paused mode” ang isang channel, nangangahulugan itong hindi puwedeng maghatid ng mga perk at iba pang benepisyo ang mga ito.

Mga detalye ng pagbabayad

Kung isa kang aktibong nagbabayad na miyembro ng isang channel na nasa “paused mode,” mapo-pause din ang iyong buwanang umuulit na pagbabayad, yugto ng pagsingil, at access sa mga membership.

Kung nag-sign up ka para sa channel membership sa iOS o Android, posibleng makansela ang iyong buwanang umuulit na pagbabayad kung nasa paused mode ang channel pagkatapos ng iyong sinasakupang panahon ng pagsingil. Kung mangyayari ito, aabisuhan kang nakansela ang iyong membership at makakasali ka ulit kung/kapag na-unpause ang membership ng channel.

Puwedeng manatiling naka-pause ang mga membership sa isang channel sa loob ng hanggang 120 araw. Pagkalipas noon, makakansela ang mga membership at ang mga buwanang umuulit na pagbabayad ng mga miyembro.

Paano nakakaapekto sa iyong pagbabayad ang mga winakasang channel membership

Kung wawakasan ng isang channel ang feature na mga membership o kung mawawalan ng access dito ang isang channel (hal., kung hindi na ito bahagi ng Partner Program ng YouTube), wawakasan kaagad ang lahat ng buwanang umuulit na pagbabayad at ang lahat ng access sa mga perk ng membership. Papadalhan ng email tungkol sa pagwawakas ng membership na may kasamang impormasyon sa kung paano humiling ng refund ang mga manonood na kasalukuyang miyembro sa panahon ng pagwawakas ng membership.

Mga refund sa channel membership

Puwede mong kanselahin ang iyong may bayad na channel membership anumang oras. Kapag nagkansela ka, hindi ka na sisingilin ulit. Magagamit mo ang badge at magkakaroon ka ng access sa mga perk ng creator hanggang sa pagtatapos ng yugto ng pagsingil. Tandaang hindi ka bibigyan ng refund sa loob ng yugto ng panahon sa pagitan ng kung kailan ka magkakansela at kapag opisyal na nagtapos ang iyong channel membership.
Kung may mapansin kang hindi awtorisadong singil sa mga channel membership sa iyong account, sundin ang mga hakbang na ito para iulat ang hindi awtorisadong singil. Kung sira, hindi available, o hindi gumagana gaya ng nakasaad ang iyong mga perk ng creator o iba pang feature ng may bayad na channel membership mo, puwede kang makipag-ugnayan sa aming team ng suporta para humiling ng refund anumang oras. Hindi kami nagbibigay ng mga refund o credit para sa mga sinasakupang panahon ng pagsingil na bahagya nang lumipas.
Kung isa kang miyembrong nag-sign up sa pamamagitan ng Apple, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa Apple support para humiling ng refund para sa iyong may bayad na channel membership. Ilalapat ang patakaran sa refund ng Apple.

Bahagi ng kita sa channel membership sa mga creator

Natatanggap ng mga creator ang 70% ng kita sa mga membership na kinikilala ng Google pagkatapos ibawas ang lokal na buwis sa benta at iba pang bayarin (depende sa bansa at platform ng mga user). Sa kasalukuyan, sagot ng YouTube ang mga bayarin sa pagpoproseso ng pagbabayad (kasama ang mga bayarin sa credit card)

Gamitin at pamahalaan ang iyong mga benepisyo sa membership

Mga benepisyo sa channel membership para sa lahat ng miyembro

Kapag naging miyembro ka, magkakaroon ka ng access sa ilang partikular na benepisyo. Makakakuha ka ng iba't ibang perk batay sa iba't ibang level na sasalihan mo.
  • Mga post sa komunidad na para lang sa mga miyembro: Puwede kang tumingin ng mga post na para lang sa mga miyembro sa tab na Komunidad ng channel. Naka-tag ang eksklusibong content bilang “Para lang sa mga miyembro” at may kasamang mga post na may text, GIF, poll, video, at higit pa.
  • Shelf ng Pagkilala sa Miyembro: Kung ini-on ng Creator ang shelf na ito, puwedeng maitampok ang iyong avatar kasama ng iba pang aktibong miyembro sa page ng channel. Ang shelf na ito ang paraan ng pampublikong pasasalamat sa iyo ng Creator para sa pagiging miyembro ng kanyang channel. Kung kakanselahin mo ang iyong membership, hindi ka na itatampok sa shelf.
  • Mga Chat tungkol sa Milestone ng Miyembro: Para sa bawat buwang mananatili kang miyembro (simula sa ika-2 mong magkasunod na buwan), makakatanggap ka ng Chat tungkol sa Milestone ng Miyembro. Ang Mga Chat tungkol sa Milestone ng Miyembro ay mga espesyal na naka-highlight na mensaheng magagamit sa live chat sa mga live stream o Premiere. Hina-highlight ng mga espesyal na mensaheng ito kung gaano katagal ka nang miyembro ng channel na ito sa kabuuan at makikita ito ng lahat ng manonood.
  • Mga Badge ng Channel: Isang eksklusibong pampublikong badge ng membership na lumalabas sa tabi ng pangalan ng iyong channel sa lahat ng komento at live chat na gagawin mo sa channel na iyon.
    • Sa ilang channel, makikita sa badge kung gaano ka na katagal na miyembro, sa pamamagitan ng mga default na badge na may iba't ibang kulay o custom na badge.
  • Mga video na para lang sa mga miyembro: Mga eksklusibong video na available lang na mapanood ng mga miyembro ng channel na nasa mga tamang level. Makakakita ang kahit sino ng video na para lang sa mga miyembro, pero ang mga miyembro lang na nasa mga tamang level ang makakapanood nito. Makikita ang mga video na ito sa mga tab na Mga Membership, Content, at Komunidad ng channel. Posible ring lumabas ang mga video na ito sa Home feed at Subscriptions feed ng isang miyembro. 
  • Mensaheng Bagong Miyembro: Kung magiging miyembro ka ng isang channel habang may live stream sa channel na iyon, may ipapadalang matingkad na berdeng mensaheng "Bagong Miyembro" sa live chat. Ipi-pin din ang iyong larawan sa profile sa itaas ng chat sa loob ng 5 minuto.
  • Live chat na para lang sa mga miyembro: Sa mga pampublikong live stream, posibleng gawin ng mga creator na para lang sa mga miyembro ang chat. Bagama't makikita pa rin ng lahat ang live stream, mga miyembro lang ang makakapag-post ng mga chat. 
  • Custom na Emoji: Kung in-upload ng creator, puwedeng gumamit ang mga miyembro ng channel ng eksklusibong emoji sa mga komento sa mga video at live chat ng channel. Gagamitin mo ang apelyidong itinakda ng creator para i-autocomplete ang emoji sa live chat. 
  • Iba pang perk ng creator: Kung inaalok ng channel, posible ka ring magkaroon ng access sa iba pang eksklusibong perk ng creator.

Tandaan: Ang "Slow mode" - na naglilimita sa kung gaano kadalas ka puwedeng magkomento sa live chat - hindi nalalapat sa mga aktibong miyembro ng binabayarang channel.

Mga Perk ng Creator para sa iba't ibang level

May inirerekomendang presyo ang bawat level. Dumarami ang iyong mga perk habang umaakyat ka sa bawat level. Ibig sabihin, kung sasali ka sa pinakamahal na level, maa-access mo ang mga perk sa lahat ng mas mababang level.

Ano ang makukuha ko sa bawat level at paano ako makakasali?

Nag-iiba ito sa bawat channel. Makikita mo ang iba't ibang perk kapag na-click mo ang Sumali.

Miyembro na ako, paano ko makikita ang iba't ibang available na perk?

Pumunta sa homepage ng channel na sinalihan mo na at pagkatapos ay piliin ang Tingnan ang mga perk.

I-on o i-off ang mga notification sa channel membership

Bilang miyembro ng channel, makikita mo ang content na para lang sa mga miyembro sa tab na Komunidad, tab na Membership, o sa mga tab na Content ng channel. Posibleng mapansin mo rin ang paglabas ng mga video na para lang sa mga miyembro sa iyong Home at Subscriptions feed. Gagamitin din namin ang mga notification o email para ipaalam sa iyo kapag ang channel ay:

  • Gumawa ng bagong post na para lang sa mga miyembro 
  • Nag-upload ng bagong video na para lang sa mga miyembro 
  • Nagsimula ng live stream na para lang sa mga miyembro
  • Nag-iskedyul ng live stream na para lang sa mga miyembro na magsisimula pagkalipas ng 30 minuto

Puwede ka ring mag-opt out sa pagtanggap ng mga notification at email para sa content na para lang sa mga miyembro.

I-off ang mga notification

Kung ayaw mong maabisuhan tungkol sa mga bagong content na para lang sa mga miyembro, magagawa mong:

  • Mag-opt out sa mga notification at email para sa mga indibidwal na channel kung saan ka miyembro.
    • Para mag-opt out sa mga notification para sa content na para lang sa mga miyembro: Pumunta sa Mga Setting at pagkatapos ay Mga Notification at pagkatapos ay I-off ang switch sa tabi ng Mga miyembro lang.
    • Para mag-opt out sa mga email na para sa content na para lang sa mga miyembro: Gamitin ang link sa Pag-unsubscribe sa anumang email na para lang sa mga miyembro na matatanggap mo. Kung gusto mong mag-subscribe ulit sa mga notification sa email, pumunta sa Mga Setting at pagkatapos ay Mga Notificationat pagkatapos ay Sa ilalim ng “Mga notification sa email,” piliin ang “Mga na-unsubscribe na email” at piliin kung aling mga email ang gusto mong matanggap.
  • Mag-opt out sa lahat ng notification para sa isang indibidwal na channel:
    • Pumunta sa isang channel kung saan naka-subscribe ka at pagkatapos ay Mga Notification  at pagkatapos ay Wala . Io-off nito ang lahat ng notification para sa channel na ito, hindi lang ang mga content na para lang sa mga miyembro.
  • I-off ang lahat ng notification sa iyong account.

Makakita ng eksklusibong content sa tab na komunidad

Naka-tag ang eksklusibong content bilang "Mga miyembro lang" sa tab na Komunidad. Kasama rito ang mga post na text, GIF, poll, video, at marami pa.

Iulat ang mga hindi naaangkop na perk

Kung may makikita kang alok na sa tingin mo ay lumalabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube (kabilang ang sekswal, marahas, o mapoot na content, mga nakakapanlinlang na alok, o spam), puwede mo itong iulat sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-ulat ng mga perk sa screen ng alok pagkatapos i-click ang button na Sumali (o Tingnan ang mga perk, kung miyembro ka na).

Impormasyon ng privacy

Nakikitang status ng membership

Kapag sumali ka sa isang channel, makikita ng publiko ang sumusunod na impormasyon sa YouTube at posibleng ibahagi ng channel ang impormasyon sa mga 3rd-party na kumpanya:
  • Ang URL ng iyong channel
  • Ang pangalan ng iyong channel sa YouTube
  • Ang iyong larawan sa profile
  • Kailan ka sumali sa channel bilang miyembro
  • Ang level ng iyong membership
Tandaan: Puwedeng ibahagi ng channel ang impormasyong ito sa isang maliit at piling grupo ng mga 3rd-party na kumpanya para ibigay ang mga perk ng channel.

Paano posibleng gamitin ang iyong impormasyon

Posibleng makita ng iba pang manonood ang iyong impormasyon sa itaas. Ang impormasyong ibinahagi ay puwedeng depende sa channel na sinalihan mo. Hindi kumpleto ang listahang ito:
  • Ang lahat ng miyembro ay may nakikitang badge na lalabas sa tabi ng pangalan ng iyong channel sa mga komento at chat.
  • Kung magiging miyembro ka ng isang channel habang may live stream sa channel na iyon, may ipapadalang matingkad na berdeng mensaheng "Bagong Miyembro" sa live chat at ipi-pin ang iyong larawan sa profile sa itaas ng live chat sa loob ng 5 minuto, na magpapakita ng pangalan ng channel mo kapag nag-hover dito.
  • Puwedeng idagdag ng ilang channel ang iyong impormasyon sa itaas sa isang listahan ng “mga pasasalamat” sa kanilang mga video o puwedeng idagdag ang impormasyon mo sa shelf ng pagkilala ng channel.
  • Puwedeng ibahagi ng ilang channel ang iyong impormasyon sa itaas para makapagbigay ng serbisyo (halimbawa, isang chatroom na mga miyembro lang ang may access at hino-host ng 3rd-party na kumpanya).

Tingnan at alisin ang access ng 3rd party na site o app

Alisin ang access ng 3rd-party na site o app

Kung nagbigay ka ng access sa account sa isang site o app na hindi mo na pinagkakatiwalaan, puwede mong alisin ang access nito sa iyong Google Account. Hindi na maa-access ng site o app ang anupamang impormasyon mula sa iyong Google Account, pero posibleng kailanganin mong hilinging i-delete nila ang data na mayroon na ito.
  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, piliin ang Seguridad.
  3. Sa panel na Mga third-party app na may access sa account, piliin ang Pamahalaan ang access ng third-party.
  4. Piliin ang site o app na gusto mong alisin.
  5. Piliin ang Alisin ang Access.

Mag-ulat ng 3rd-party na site o app

Sundin ang mga hakbang na ito kung naniniwala kang may site o app na gumagamit ng iyong data sa maling paraan, tulad ng paggawa ng spam, pagpapanggap na ikaw, o paggamit ng data mo sa mga mapaminsalang paraan.

  1. Pumunta sa seksyong Mga app na may access sa iyong account ng Google Account mo. Baka kailanganin mong mag-sign in.
  2. Piliin ang app na gusto mong iulat at pagkatapos ay Iulat ang app na ito.

Matuto pa tungkol sa access ng account para sa mga 3rd-party na site at app.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16066144242369267011
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false