Brand Lift surveys

Ang mga patakarang ito ay may mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng positibong karanasan para sa lahat ng gumagamit ng Brand Lift surveys. Tiyaking bumalik paminsan-minsan, dahil puwedeng magbago ang mga patakarang ito.

Kailangang sumunod ang lahat ng Brand Lift survey sa aming Mga Patakaran sa Mga Ad at Mga Patakaran ng Programa. Hindi mo magagamit ang Brand Lift surveys para mangolekta ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan.

Dagdag pa rito, hindi papayagan ang anumang tanong na nauugnay sa mga sensitibong paksang inilalarawan sa ibaba ayon sa sarili naming pagpapasya:

  • Impormasyon sa demograpiko
  • Sekswal na oryentasyon
  • Edad
  • Lahi
  • Nakakabagabag, hindi kanais-nais, o pang-adult na content
  • Mapoot o intolerant na salita
  • Bulgar na pananalita
  • Iba pang hindi naaangkop na content

Mga paghihigpit na nalalapat sa mga sensitibong kategorya sa Brand Lift surveys

Kapag gumagamit ng Brand Lift surveys, hindi ka puwedeng mangolekta ng feedback ng manonood tungkol sa mga sensitibong paksa. Para sa mga layunin ng mga patakarang ito, kabilang sa mga sensitibong impormasyon ang:

  • interes o paglahok sa mga pang-nasa hustong gulang na aktibidad (kasama ang pang-nasa hustong gulang na pakikipag-date, pornograpiya, at iba pa)
  • sekswal na gawi o oryentasyon
  • impormasyon tungkol sa lahi o etnisidad
  • kaugnayan sa pulitika
  • membership o kaugnayan sa unyon ng manggagawa
  • relihiyon o relihiyosong paniniwala
  • status o sitwasyon sa pananalapi
  • impormasyong pangkalusugan o medikal
  • status bilang batang wala pang 13 taong gulang

Ang anumang ad na ipinagbabawal na ng aming Mga patakaran sa content ng mga ad sa YouTube ay pinagbabawalan na ring gumawa ng Brand Lift surveys.

Ano ang mangyayari kung lalabag ako sa mga patakarang ito?

  • Pag-disable sa survey: Puwedeng suspindihin ang Brand Lift surveys na hindi sumusunod sa mga patakarang ito. Nangangahulugan itong hindi na puwedeng gamitin ang mga survey na ito sa mga campaign ng ad at hindi na puwedeng gumawa ng mga bagong survey.
  • Pagsususpinde ng account: Kung marami kang paglabag o may isa kang malalang paglabag, puwedeng masuspinde ang iyong Google Ads account. Kung mangyayari ito, hihinto sa paggana ang lahat ng ad sa nakasuspindeng account, at puwedeng hindi na kami tumanggap ng pag-advertise mula sa iyo. Puwede ring permanenteng masuspinde ang anumang nauugnay na account at puwedeng awtomatikong masuspinde ang iyong mga bagong account habang nagse-set up.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
105193646815673804
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false