Gumawa ng highlight

Kapag nagsagawa ka ng live stream, makakatulong sa iyo ang mga highlight na magbahagi ng mas maikli at na-edit na bersyon ng live stream habang nagsi-stream ka.

Magdagdag ng marker ng stream para madali kang makagawa ng highlight

Para gawing mas madali ang paggawa ng mga highlight, makakapaglagay ka ng mga stream marker  kapag may mangyayaring kawili-wili habang nagla-live stream ka. Pagkatapos, kapag gumagawa ka ng highlight sa Editor ng YouTube, makakakita ka ng mga stream marker sa timeline.

Paano gumawa ng highlight

Makakagawa ka ng highlight habang nagsi-stream ka o mae-edit mo ito pagkatapos mong mag-stream. Kung nagsi-stream ka nang mag-isa (tulad ng maraming gamer), malamang na maglalagay ka ng marker ng stream bilang reference, at pagkatapos ay gagawa ng highlight pagkatapos ng iyong stream. Kung bahagi ka ng isang team, madali kang makakagawa ng highlight habang nagsi-stream ka.

  1. Buksan ang YouTube Studio.
  2. Mula sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Gumawa at pagkatapos ay Mag-live.
  3. I-click ang Stream o Pamahalaan at magsimula ng stream.
  4. Kapag may kawili-wiling mangyayari, magdagdag ng stream marker, i-tap ang Ilagay ang stream marker  mula sa kanang bahagi sa itaas.
  5. Sa itaas, i-click ang Gumawa ng highlight .
  6. I-trim ang video: Piliin kung ano ang gusto mong i-highlight. Puwede mong i-drag ang mga handlebar sa timeline o i-edit ang mga timestamp.
  7. I-mute o i-unmute: I-tap ang I-mute .
  8. Maglagay ng pamagat, itakda ang privacy ng video, at magdagdag ng paglalarawan.
  9. I-click ang Gawin. Awtomatikong mapa-publish ang iyong video.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16602861292144746285
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false