I-troubleshoot ang iyong live stream sa YouTube

Kung nagkakaroon ka ng mga isyu sa iyong live stream sa YouTube, gamitin ang mga tip sa pag-troubleshoot sa ibaba. 

Nakakatanggap ka ng error kapag sinisimulan mo ang iyong encoder

Kung gumagamit ka ng 3rd party na encoder 

Para ayusin ito, kumuha ng bagong stream key sa Live Control Room at i-update ang iyong encoder.

  1. Pumunta sa YouTube Studio.
  2. Para buksan ang Live Control Room, sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Gumawa at pagkatapos ay Mag-live.
  3. Sa kaliwa, Stream.
  4. Kung ito ang iyong unang live stream sa Live Control Room: I-edit ang stream mo at i-click ang Gumawa ng stream.
  5. Sa kanang bahagi sa ibaba, kopyahin ang bagong stream key, at pagkatapos ay i-paste ito sa iyong encoder.
  6. Kapag handa ka nang mag-stream, simulan ang iyong encoder para mag-live. 

Kung nagla-log in ka sa YouTube mula sa isang 3rd party na streaming software at hindi ka gumagamit ng stream key

Makipag-ugnayan sa team ng suporta ng software para sa higit pang impormasyon. Posibleng kailanganin nilang i-update ang kanilang software para gumana ito sa YouTube Live.

Suriin ang mga naiulat na error sa iyong stream

Puwedeng mag-iba-iba ang mga isyu sa live streaming depende sa kung ilang manonood ang nag-uulat ng mga error sa iyong live stream. Matitingnan mo ang bilang ng mga manonood at ang bilang ng mga naiulat na error sa iyong mga sukatan ng live stream.

May iniuulat na error ang isang manonood
  • Posibleng may problema sa computer o koneksyon sa internet ng manonood na ito.
  • Puwede mong imungkahing subukan niyang manood o kumonekta sa iyong stream sa ibang paraan.
  • Itanong sa manonood ang mga hakbang na ginagawa niya para makita ang error, at tingnan kung may error ka rin.
May iniuulat na error ang maraming manonood na gumagamit ng iisang koneksyon sa internet
  • Posibleng may isyu sa nakabahaging network ng manonood.
  • Puwede mong hilingin sa mga manonood na suriin ang kanilang koneksyon sa internet at lakas ng network. May kakayahan dapat silang makapanood ng ilang stream - halimbawa, ang 10 user na nanonood ng 10 stream ay nagre-require ng 10 beses na bilis ng inbound na network.
  • Itanong sa manonood ang mga hakbang na ginagawa niya para makita ang error, at tingnan kung may error ka rin.
May iniuulat na error ang maraming manonood na may magkakaibang koneksyon sa internet
Posibleng may isyu sa iyong encoder ng live stream. Nasa ibaba ang higit pang hakbang sa pag-troubleshoot.

Tiyaking gumagana ang iyong encoder ng live stream

Ang encoder ng live stream ay ang app, program, o tool na puwede mong gamitin para i-capture at i-compress ang iyong live stream. Puwede mong gamitin ang mga hakbang sa ibaba para mag-troubleshoot ng ilang problemang posibleng mangyari sa iyong encoder.

  1. Tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng iyong encoder software. Kung hindi, i-update ang iyong encoder sa pinakabagong bersyon.
  2. Direktang suriin sa encoder ang hitsura at tunog ng iyong stream.
    • Kung hindi maganda ang hitsura at tunog ng iyong stream: Posibleng may problema sa kalidad ng mga source ng audio at video mong nakaruta sa iyong encoder. Puwede mong hanapin ang mga error ng encoder sa live na dashboard at suriin ang load ng CPU sa encoder mo. O subukang maghanap ng mga problema sa audio o video sa iyong lokal na file ng archive. Kung wala kang makikitang anumang problema, puwede mong subukang mag-stream gamit ang ibang encoder.
    • Kung maayos ang hitsura at tunog ng iyong stream: Baka may isyu sa iyong outbound na koneksyon sa internet. Subukan ang susunod na hakbang sa ibaba.
  3. Subukan ang lakas ng iyong outbound na koneksyon sa internet.
    • Subukan ang iyong koneksyon sa internet: Bisitahin ang Speed Testpara subukan ang bilis ng koneksyon mo sa internet.
    • Kung makakakita ka ng mga isyu sa iyong koneksyon sa internet: Makipag-ugnayan sa iyong internet service provider para sa pag-troubleshoot.

Mag-ulat ng problema

Kung patuloy kang makakaranas ng mga isyu sa iyong live stream, ipagbigay-alam sa aming team.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17663901896062108550
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false