Mga kinakailangang kagawian sa kaligtasan online para sa mga creator sa YouTube

Kapag na-secure mo na ang Google Account ng iyong channel sa YouTube, mag-explore ng pinakamahuhusay na kagawian para sa pagpapanatili ng kaligtasan online sa YouTube.

Sa tingin mo ba ay na-hack ang iyong channel sa YouTube? Alamin kung paano ito i-recover at i-secure.

Umiwas sa mga kahina-hinalang request

Ang phishing ay kapag nagpapanggap ang isang hacker na mapagkakatiwalaang tao para makuha ang iyong personal na impormasyon.
Huwag sumagot sa mga kahina-hinalang email, text, instant message, webpage, o tawag sa telepono na nag-aalok ng, halimbawa:
  • Mga libreng crypto coin
  • Tulong sa marketing na nagre-require ng access sa channel
  • Mga password para buksan ang mga naka-encrypt na file
Huwag mag-click ng mga link o magbukas ng mga file mula sa mga hindi pinagkakatiwalaang source sa mga email, mensahe, website, pop-up, o sa YouTube na nag-aalok ng, halimbawa:
  • Mga libreng template ng thumbnail
  • Mga premium na program sa pag-edit
  • Hindi kilalang software
Puwedeng gumamit ang mga hacker ng mga email, text message, o web page para magpanggap na mga institusyon, miyembro ng pamilya, o kasamahan.
Hindi kailanman hihingin sa iyo ng YouTube ang password, email address, o iba pang impormasyon ng account mo. Para protektahan ang iyong sarili laban sa phishing, huwag kailanman ilagay ang password mo sa anumang page maliban sa myaccounts.google.com. Huwag maniwala kung may makikipag-ugnayan sa iyong taong nagpapanggap na mula sa YouTube. Nagmumula lang sa address na @youtube.com o @google.com ang mga email ng YouTube.

Mag-ulat ng spam o phishing

Kung makakakita ka ng mga video sa YouTube na sa palagay mo ay spam o phishing, i-flag ang mga ito para sa pagsusuri ng YouTube team. Para matuto pa tungkol sa spam at phishing, bisitahin ang National Cyber Security Alliance.
Tip: Matuto pa tungkol sa phishing sa pamamagitan ng aming phishing quiz.

Panatilihing ligtas ang iyong account

I-secure ang iyong Google Account sa pamamagitan ng madaling gamiting checklist na ito at sundin ang karagdagang pinakamahuhusay na kagawiang ito:

Huwag kailanman i-share ang iyong impormasyon sa pag-sign in

  • Huwag ipaalam sa iba ang iyong mga password. Gamitin ang mga pahintulot ng channel o Brand Account para magbigay ng access sa iyong mga collaborator sa halip na i-share ang mga password.
  • Hindi kailanman hihingin ng YouTube ang iyong password sa isang email, mensahe, o tawag sa telepono.
  • Hindi kailanman magpapadala ang YouTube ng form na humihingi ng personal na impormasyon gaya ng numero ng pagkakakilanlan, data ng pananalapi, o mga password.

Suriin at i-update ang access sa channel

Kung isa kang creator, puwede kang mag-imbita ng ibang tao para pamahalaan ang iyong channel sa YouTube nang hindi ibinibigay ang access sa Google Account mo. Nagbibigay-daan ang mga pahintulot ng channel para sa mga malinaw na tungkulin at responsibilidad. Mag-imbita ng ibang tao para i-access ang iyong channel bilang isang:
  • Manager: Magagawa niyang magdagdag o mag-alis ng ibang tao at mag-edit ng mga detalye ng channel.
  • Editor: Mae-edit niya ang lahat ng detalye ng channel.
  • Editor (limitado): May mga pahintulot na katulad sa editor, pero hindi niya matitingnan ang impormasyon ng kita.
  • Tumitingin: Matitingnan niya (pero hindi niya mae-edit) ang lahat ng detalye ng channel.
  • Tumitingin (limitado): Matitingnan niya (pero hindi niya mae-edit) ang lahat ng detalye ng channel maliban sa impormasyon ng kita.

Alisin ang mga hindi kilalang user

Kung hindi mo kilala ang mga taong namamahala ng iyong account, posibleng na-hack ang account mo. Dapat mong baguhin o alisin ang mga user na ito sa lalong madaling panahon, depende sa uri ng iyong account.
Kung may taong aalis sa iyong team, dapat mong alisin kaagad ang access niya.
Tandaan: Kung mayroon kang Brand Account, puwede kang mag-imbita ng ibang tao para pamahalaan ang iyong Google Account at ang channel mo sa YouTube. Tingnan kung mayroon kang Brand Account at alamin kung paano pamahalaan ang mga pahintulot ng Brand Account.

Mag-alis ng mga site at app na hindi mo kailangan

Para protektahan ang iyong Google Account at channel sa YouTube, iwasan ang pag-install ng mga hindi kilalang app o app mula sa mga hindi kilalang source. Mamahala at mag-alis ng anumang app na hindi mo kailangan mula sa iyong mga konektadong account.

Bisitahin ang Safety Center para sa Creator

Bisitahin ang Safety Center para sa Creator para patuloy na mapalago ang iyong channel nang ligtas. Gumawa ng plano para manatiling ligtas online.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3285234899244145346
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false