Mga pagwawakas ng channel o account

Kung mawawakasan ang iyong channel, makakatanggap ka ng email na nagpapaliwanag sa dahilan ng pagwawakas. Kung mawawakasan ang iyong channel sa YouTube, pagbabawalan ka sa paglusot sa pagwawakas — o pagpayag sa iba na gamitin ang iyong channel para i-bypass ang kanyang pagwawakas — sa pamamagitan ng paggamit o paggawa ng anupamang channel sa YouTube.

Nalalapat ito sa lahat ng iyong kasalukuyang channel, anumang bagong channel na gagawin mo o magkakaroon ka, at anumang channel kung saan paulit-ulit o kitang-kita ang pagtatampok sa iyo.

Hindi na magkakaroon ng anumang kita ang mga kalahok sa Partner Program ng YouTube kapag winakasan ang kanilang channel. Posible rin kaming mag-withhold ng mga hindi pa nababayarang kita at mag-refund sa mga advertiser o manonood para sa mga pagbili kung naaangkop at posible.

Mga pagwawakas ayon sa Mga Alituntunin ng Komunidad

Mga dahilan kung bakit puwedeng wakasan ang mga channel o account:

  • Mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo sa alinmang anyo ng content (tulad ng paulit-ulit na pag-post ng mga mapang-abuso, mapoot, at/o mapanligalig na video o komento)
  • Isang kaso ng matinding pang-aabuso (tulad ng mapanamantalang gawi, spam, o pornograpiya)
  • Pagtuon sa paglabag sa patakaran (tulad ng mapoot na salita, panliligalig, o pagpapanggap)

Posibleng abisuhan ka sa pagwawakas ng channel sa pamamagitan ng email tungkol sa pagwawakas, o abisuhan ka kapag nag-sign in sa YouTube Studio. Kung mangyayari ang pagwawakas, mawawalan ka ng access sa iyong Dashboard ng Studio at iba pang feature. Makakapag-sign in ka pa rin sa YouTube Studio para masuri ang impormasyon tungkol sa pagwawakas.

Mag-apela ng pagwawakas ayon sa Mga Alituntunin ng Komunidad

Umapela gamit ang mobile device

Kung sa palagay mo ay hindi dapat winakasan ang iyong channel/account, puwede kang umapela rito.

Umapela gamit ang computer

  1. Buksan ang YouTube Studio.

    1. Paalala: Posibleng kailanganin mong mag-authenticate ulit kapag nag-log in.
  2. Sa ibaba ng impormasyon tungkol sa pagwawakas, i-click ang Simulan ang Pagsusuri.
  3. Suriin ang dahilan ng pagwawakas.
  4. I-click ang Susunod.
  5. Piliin ang Magsimula ng Apela.
  6. I-click ang Susunod.
  7. Ibigay ang iyong email address sa pakikipag-ugnayan at ipaliwanag ang dahilan mo sa pag-apela.
  8. I-click ang Isumite.

Tingnan ang status ng apela sa pagwawakas

  1. Buksan ang YouTube Studio.
  2. Tingnan ang kumpirmasyon ng pagsusumite ng iyong apela, at tingnan ang inaasahang tagal ng pagsusuri sa apela mo.

Aabisuhan ka sa pamamagitan ng email tungkol sa resulta ng iyong apela. Kung tinanggap ang iyong apela, ididirekta ka pabalik sa dashboard ng YouTube Studio mo. Kung tinanggihan ang iyong apela, masa-sign out ka kapag tinanggap mo ang desisyon.

Mga pagwawakas dahil sa copyright

Kung winakasan ang iyong channel dahil sa mga claim ng paglabag sa copyright at sa palagay mo ay hindi tama ang mga claim, puwede kang maghain ng counter notification. Available pa rin ang prosesong ito para sa mga creator na may mga winakasang channel, pero hindi maa-access ang webform ng counter notification. Puwede ka ring magsumite ng counter notification sa pamamagitan ng email, fax, o postal mail.

Puwede mo ring subukang direktang makipag-ugnayan sa naghahabol para mag-request ng pagbawi.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa proseso ng counter notification, pumunta sa Copyright Center.

Tandaan: Ang paghahain ng counter notification ay nagsisimula ng legal na proseso.

I-download ang data para sa mga pagwawakas ng channel

Kung winakasan ang iyong channel, hindi mo na puwedeng i-download ang iyong content sa YouTube. Gayunpaman, mapapanatili mo ang kakayahang i-download ang iyong data sa Google. Alamin kung paano i-download ang iyong data sa Google.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
64675454430104122
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false