Anong uri ng content ang puwede kong i-monetize?

Para maging kwalipikado para sa pag-monetize ang mga video o Shorts mo, dapat ay orihinal at hindi paulit-ulit ang content, bukod sa iba pang requirement ng aming mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube. Tiyakin ding nasa iyo ang lahat ng kinakailangang karapatan para komersyal na magamit ang lahat ng visual at audio na element sa content mo.

Mga alituntunin para sa ginawa mong content:

  • Sundin ang Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube
  • Ikaw mismo ang gumawa ng lahat ng element ng video. Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Mga pang-araw-araw na vlog
    • Mga home video
    • Mga do-it-yourself na video
    • Mga tutorial
    • Mga orihinal na music video
    • Mga orihinal na maikling pelikula
    • Shorts na mayroon o walang ni-remix na content
  • Tiyaking nasa iyo ang lahat ng kinakailangang karapatan para komersyal na magamit ang lahat ng visual na ginawa mo.
  • Tandaang mas malaki ang posibilidad na maglagay ang mga advertiser ng mga ad sa content na angkop sa advertiser.

Mga alituntunin para sa content na hindi ikaw ang gumawa:

Puwede kang maglagay ng mga track mula sa Creator Music sa mga video nang hindi nawawalan ng pag-monetize. Puwedeng malisensyahan kaagad ang ilang kanta, na nagbibigay-daan sa mga creator na ma-retain ang ganap na pag-monetize. Posibleng maging kwalipikado ang iba pang kanta na mag-share ng kita sa mga may-ari ng mga karapatan sa track.
Patas na Paggamit - Copyright sa YouTube
Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Puwede ko bang i-monetize ang video ko kung...?

Mag-click sa ibaba para malaman kung namo-monetize ang uri ng iyong content at kung kailangan mong patunayan ang mga karapatan para komersyal na magamit ito.

Ginawa ko ang lahat ng audio at visual na content


Puwede mong i-monetize ang content na iyong ginawa hangga't ikaw pa rin ang nagmamay-ari sa mga karapatan sa video.

Kung nakalagda ka sa isang music label, posibleng ma-monetize mo ang iyong video depende sa mga tuntunin o limitasyon ng kasunduang iyon. Posibleng kailanganin mong sumangguni sa isang abogado.

Gumagamit ako ng software sa pag-edit ng audio o visual para gumawa ng sarili kong content

Puwedeng gumamit ng software sa pag-edit ng audio at visual para makagawa ng namo-monetize na content. Dedepende ang pag-monetize sa saklaw, mga limitasyon, at mga komersyal na pahintulot ng lisensya. Kung gumagamit ka ng mga sample o loop, tiyaking partikular na pinapahintulutan ng lisensya ang komersyal na paggamit sa mga ito.Para sa pag-remix ng content sa Shorts, sundin ang mga alituntuning ito.

Gumagamit ako ng content na royalty-free o mula sa Creative Commons


Puwede mong i-monetize ang content na royalty-free o mula sa Creative Commons kapag binibigyan ka ng kasunduan sa lisensya ng mga karapatan na gamitin ito sa komersyal na paraan. Kung minsan, hinihingi sa iyo ng mga may-ari ng mga karapatan na bigyan ng credit ang creator ng content o magbigay ng patunay ng pagbili para magamit ito sa video mo para sa mga komersyal na layunin.

Matuto pa tungkol sa kung paano unawain ang mga lisensya para maintindihan ang iyong mga karapatan.

Mayroon akong pahintulot na gumamit ng audio o mga visual na ginawa ng ibang tao

Puwede mong i-monetize ang naturang content, pero dapat ay mayroon kang malinaw na nakasulat na pahintulot mula sa may-ari ng mga karapatan na nagbibigay sa iyo ng mga karapatan sa komersyal na paggamit nito anumang oras.
Naglalaro ako o gumagawa ako ng walkthrough ng isang video game

Kung gusto mong mag-monetize ng video game content, kakailanganin mong makuha ang mga karapatan sa komersyal na paggamit sa pamamagitan ng lisensya mula sa publisher ng video game. Puwede kang payagan ng ilang publisher ng video game na gamitin ang lahat ng video game content para sa komersyal na paggamit. Makukumpirma ang impormasyong ito sa kanilang mga kasunduan sa paglilisensya.

Sa ibang kasunduan sa paglilisensya, puwedeng hindi magbigay ang mga publisher ng mga komersyal na karapatan para sa mga video na nagpapakita lang ng game play sa loob ng napakatagal na panahon. Para sa mga tuntunin ng paglilisensya, limitado dapat ang paggamit sa video game maliban na lang kung ang komentaryo ay:

  • Nagtuturo/nagbibigay ng kaalaman
  • Talagang nakatuon lang sa ipinapakitang pagkilos
Matuto pa tungkol sa content na video game at software, at tingnan ang aming mga alituntuning angkop sa ad para sa gaming at pag-monetize.
Gumagawa ako ng tutorial na nagpapakita ng paggamit ng software

Puwedeng i-monetize ang software user interface content na gagawin mo, pero nakadepende rin iyon sa mga karapatan sa komersyal na paggamit na ibinigay ng lisensya ng software.

Kung minsan, posibleng kailanganin mo ng kontrata sa publisher o patunay na nagbayad ka ng bayarin sa paglilisensya. Limitado dapat ang paggamit sa mga user interface ng software maliban na lang kung ang komentaryo ay:

  • Nagtuturo/nagbibigay ng kaalaman
  • Talagang nakatuon lang ang content sa ipinapakitang pagkilos

Matuto pa tungkol sa content ng video game at software.

Gumagamit ako ng content na nasa pampublikong domain
 

Para mapunta sa pampublikong domain ang content, dapat ay nag-expire, napawalang-bisa o hindi na naaangkop ang copyright ng gawa. Kung mapapatunayan mong bahagi ng pampublikong domain ang content sa iyong video, puwede kang mag-monetize.

Tandaan: Nakadepende ito sa saklaw, mga limitasyon, at mga komersyal na pahintulot ng lisensya.

Posibleng mag-iba ang pamantayan para maging kwalipikado bilang isang pampublikong domain depende sa maraming dahilan.
Matuto pa tungkol sa pampublikong domain.
Nilalaman nito ang orihinal na recording ko ng cover ng isang kanta

Puwedeng maging kwalipikado ang ilang cover ng kanta para sa pag-monetize. Para maging kwalipikado, dapat i-claim ng publisher ng musika ang kanta sa pamamagitan ng Content ID system at piliin nitong i-monetize ito.

Kung hindi na-claim ang kanta, hindi mo mamo-monetize ang iyong video. Dapat munang magbigay ng malinaw na nakasulat na pahintulot ang may-ari ng mga karapatan sa kanta.

Hindi kwalipikado para sa pag-monetize ang paggamit ng anumang komersyal na sound recording, tulad ng instrumental, karaoke recording, o live na performance ng artist sa isang concert.

Matuto pa tungkol sa pag-monetize ng mga kwalipikadong cover video.

Ginagamit ko ang aking personal na recording ng mga pampublikong concert, event, palabas, at iba pa

Kahit na ikaw mismo ang nag-record ng isang bagay, karaniwang pagmamay-ari ng orihinal na creator o may-akda ng pinagbabatayang content ang mga karapatang kailangan para komersyal na magamit ang content na ito.

Kung gusto mong i-monetize ang iyong recording ng performance sa isang concert o palabas, kailangan mo ng malinaw na nakasulat na pahintulot mula sa orihinal na may-ari ng mga karapatan.

Gumawa ako ng recording mula sa TV, DVD o CD

Kahit na ikaw mismo ang nag-record ng isang bagay, posibleng pagmamay-ari ng creator o may-akda ng content na ini-record ang mga karapatang kailangan para komersyal na magamit ang content na ito.

Para ma-monetize ang iyong recording ng palabas sa TV, DVD, o CD, kailangan mo ng nakasulat na pahintulot mula sa may-ari ng mga karapatan sa mga na-record na audio o visual na element.

Nag-upload ako ng content na binili ko

Kahit na ikaw mismo ang bumili ng isang bagay, karaniwang pagmamay-ari ng aktwal na creator o may-akda ang marami sa mga karapatang kinakailangan para komersyal na magamit ang content na ito.

Hindi ka puwedeng mag-monetize ng third-party content na binili mo maliban na lang kung bibigyan ka ng may-ari ng mga karapatan ng mga karapatan sa komersyal na paggamit.

Nag-upload ako ng content na nahanap ko online

Kahit nahanap mo ang content online nang libre, karaniwang pagmamay-ari ng aktwal na creator ang marami sa mga karapatang kailangan para komersyal na magamit ang content.

Kung gusto mong i-monetize ang naturang content, tiyaking nasa iyo ang lahat ng kinakailangang karapatan sa komersyal na paggamit para dito.

Naglalaman ito ng musika mula sa Audio Library ng YouTube

Puwede mong i-monetize ang musikang mula sa Audio Library ng YouTube.

Gumamit ako ng third-party content alinsunod sa Patas na Paggamit

Mas malabong maituring na "patas na paggamit" ang mga komersyal na paggamit, bagama't posibleng i-monetize ang isang video at sabihing patas naman ang naging paggamit. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong Patas na paggamit sa YouTube.

Kailangan pa rin ng tulong?

Kung hindi ka pa rin nakakatiyak kung anong uri ng content ang puwede o hindi mo puwedeng i-monetize, suriin ang aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiserMatuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga copyright sa YouTube.

Ibinigay para lang sa mga pang-edukasyong layunin at hindi legal na payo ang materyal sa page na ito. Sa isang abogado o legal na kinatawan ka lang dapat humingi ng legal na payo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
704090926689203280
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false