Alamin ang pasikot-sikot sa YouTube

Naka-sign in? Ang karanasan mo sa YouTube ay nakadepende nang husto sa kung naka-sign in ka sa iyong Google Account. Matuto pa tungkol sa paggamit ng iyong Google Account para sa YouTube.

 Home

Kapag binuksan mo ang YouTube Android app at nag-sign in ka, mapupunta ka sa tab na Home. Kapag nagsimula kang manood ng mga video, makikita mo sa tab na Home ang mga inirerekomendang video batay sa iyong mga kagustuhan at aktibidad sa YouTube. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga rekomendasyon sa iyo.

Habang nag-e-explore ka sa YouTube, puwede mong i-tap anumang oras ang Home para bumalik sa iyong tab na Home.

Menu na Mag-explore

Ipinapakita ng menu na Mag-explore ang mga Trending at destinasyong page.Puwede kang pumili mula sa mga sumusunod na kategorya: Trending, Shopping, Gaming, Musika, Sports, Balita, Mga Pelikula at Palabas, Live, Fashion at Kagandahan, Mga Podcast, YouTube Premium, YouTube Studio, YouTube Kids, YouTube TV, YouTube Music, at Mga Kurso o Pag-aaral (magkakaiba ang mga ipinapakitang kategorya batay sa lokasyon).

Mga Subscription

Makikita mo sa tab na Mga Subscription ang mga pinakabagong video mula sa mga channel kung saan ka naka-subscribe. May makikitang listahan ng mga channel kung saan ka naka-subscribe sa itaas ng page. Kapag nag-tap sa channel artwork, mapupunta ka sa channel na iyon. Matuto pa tungkol sa pag-subscribe sa mga channel.

 Mga Notification

Makikita mo ang iyong mga mensahe at notification sa tab na Mga Notification. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng iyong mga notification.

 Library

Sa tab na Library ka makakakita ng impormasyon tulad ng History, Iyong Mga Video, Mga Binili, Panoorin sa Ibang Pagkakataon, at Mga Playlist. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng iyong Library.

 Cast

Kung mayroon kang Chromecast, Smart TV, o sinusuportahang streaming device, puwede mong ikonekta ang iyong YouTube app gamit ang button na I-cast . Alamin kung paano magkonekta ng mga device para makapanood ng YouTube sa TV.

 Gumawa

I-tap ang Gumawa  para mag-record ng video, magsimula ng live stream, o mag-upload ng mga video mula sa iyong mobile device. Matuto pa tungkol sa pag-upload ng mga video at pagsisimula ng mga live stream.

 Mga Short

Makakakita ka sa tab na Mga Short  ng maikling video na content sa YouTube. Matuto pa tungkol sa Mga Short.

Paghahanap

Nakakatulong sa iyo ang feature na Paghahanap na makita ang mga video na gusto mong panoorin sa YouTube. Para makapagsimula, i-tap ang Maghanap , ilagay kung ano ang hinahanap mo, at pagkatapos ay i-filter ang mga resulta ayon sa mga video, channel, o playlist. Maaapektuhan ng iyong mga kagustuhan at aktibidad sa YouTube ang mga resulta ng Paghahanap. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga resulta ng paghahanap mo.

Larawan sa Profile

I-tap ang larawan sa profile mo sa kanang sulok sa ibaba para bisitahin ang iyong tab na Page Ko. Mula roon, matitingnan mo ang lahat ng napanood, na-download, o nabili mo sa YouTube. Puwede mo ring makita sa page na ito ang mga setting na nauugnay sa account at impormasyon ng channel.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14100044332736052932
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false