Para maiwasan ang abala habang nanonood ng video sa YouTube mobile app, puwede mong i-lock ang iyong screen. Pinipigilan ng pag-lock sa iyong screen ang mga hindi sinasadyang pag-tap o pag-swipe mula sa pagkaantala ng pag-playback.
Para i-lock ang iyong screen:
- Pumunta sa isang video na gusto mong panoorin.
- I-tap ang mga setting .
- I-tap ang Lock ng screen .
Kapag na-lock na, mananatiling naka-lock ang video player hanggang sa i-unlock mo ito.
Tandaan: Posibleng pansamantala kang bigyang-daan ng ilang in-app na notification at ad na makipag-interact sa screen kapag naka-lock ito. Kapag na-dismiss na ang notification o tapos nang mag-play ang ad, patuloy na mala-lock ang screen.
Para i-unlock ang iyong screen:
- Mag-tap kahit saan sa video player para lumabas ang button na i-lock.
- Piliin ang I-tap para ma-unlock.