Mag-apply para maging source sa mga feature ng YouTube Health

Tandaan: Nalalapat lang ang mga pamantayan at prosesong nakabalangkas sa artikulong ito sa mga mapagkakatiwalaang provider para sa kalusugan na nasa US, UK, DE, BR, ID, JP, FR, KR, CA, at MX.

Magagawa ng mga organisasyon sa mga bansang hindi nakalista sa itaas, na may dati nang naka-standardize na mekanismo sa pagsusuri gaya ng mga accredited na ospital, pang-akademikong medikal na institusyon, departamento para sa pampublikong kalusugan, o organisasyon ng pamahalaan, at gustong maituring na kwalipikado sa aming mga pangkalusugang feature na magsumite ng request sa pamamagitan ng tool para sa feedback na available sa menu mula sa iyong larawan sa profile.

Sa feedback, isama ang mga detalye ng iyong channel, URL ng channel, bansa, at website, at ilagay ang “#healthinfo.” Pana-panahong sinusuri ang feedback na ito. Posibleng abutin nang ilang buwan bago makita sa aming mga feature ang mga kwalipikadong channel.

Sa YouTube, nakatuon kami sa pag-uugnay ng mga manonood sa pangkalusugang content mula sa mga mapagkakatiwalaang source. Dahil dumarami na ang aming mga pangkalusugang feature, nilalayon naming mapalawak ang mga uri ng source sa kalusugan na ginagamit sa ilan sa aming mga pangkalusugang feature. Para mapalawak ang pagiging kwalipikado para sa mga mapagkakatiwalaang source, may ipinapakilala kaming proseso ng aplikasyon para sa mga channel sa YouTube na nakatuon sa kalusugan.

Para maipaalam ang prosesong ito, nakipagtulungan kami sa mga third-party na awtoridad sa kalusugan para matukoy ang mga prinsipyo sa paraan ng pag-share ng mga creator ng impormasyon sa kalusugan online. Kabilang sa mga awtoridad sa kalusugan ang:

  • Council of Medical Specialty Societies (CMSS)
  • National Academy of Medicine (NAM)
  • World Health Organization (WHO)

Puwedeng mag-apply para sa mga feature na ito ang mga indibidwal, kumpanya, at nonprofit na may mga channel sa YouTube na nakatuon sa kalusugan na nasa US, Germany, Mexico, Brazil, Indonesia, Japan, France, South Korea, Canada, at UK. Susuriin ang mga aplikante batay sa mga pamantayan sa pagiging kwalipikado na nakabalangkas sa ibaba. Sa ngayon, hindi kwalipikado para sa pagsasaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Ang ilang partikular na uri ng mga brand ng pangangalagang pangkalusugan na may layuning kumita
  • Mga channel na pinapatakbo ng mga kumpanyang pharmaceutical, insurer ng kalusugan, o kumpanya ng medical device
Tandaan: Hindi kailangang mag-apply ng mga channel sa USA, UK, Germany, Japan, India, Indonesia, Canada, South Korea, France, Brazil, at Mexico na may mga dati nang standardized na mekanismo sa pagsusuri gaya ng mga accredited na ospital, pang-akademikong medikal na institusyon, departamento ng kalusugan ng publiko, at organisasyon ng pamahalaan dahil kwalipikado na ang mga ito batay sa mga prinsipyong ibinalangkas ng mga ekspertong tinipon ng NAM at na-verify ng WHO, o sa pamamagitan ng pagsunod sa Pamantayan sa Paggawa ng Pangkalusugang Content ng NHS.

Ang mga aplikanteng makakatugon sa aming mga pamantayan ay magiging kwalipikado para sa:

Para sa UK

Para ipaalam ang prosesong ito sa UK, nakipagtulungan kami sa isang third-party na awtoridad sa kalusugan, ang Academy of Medical Royal Colleges (AoMRC), para matukoy ang mga prinsipyo sa pag-share ng impormasyon sa kalusugan para sa paraan ng pag-share ng impormasyon sa kalusugan online ng mga indibidwal, kumpanya, at nonprofit na may mga channel sa YouTube na nakatuon sa kalusugan.

Binuo ng mga ekspertong tinipon ng AoMRC ang mga prinsipyong ito, na nagbabalangkas ng mahahalagang aspeto ng pag-share ng impormasyon sa kalusugan. Nagbibigay-daan sa amin ang mga prinsipyong ito na matukoy ang mga mapagkakatiwalaang online na source ng impormasyon sa kalusugan sa UK.

Mga minimum na requirement sa pagiging kwalipikado

  • Pagpapatunay sa Mga Prinsipyo ng Pag-share ng Impormasyon sa Kalusugan. Binuo ng mga ekspertong tinipon ng CMSS, NAM, at WHO ang mga prinsipyong ito na nagbabalangkas ng mahahalagang aspeto ng pag-share ng impormasyon. Nakakatulong ang mga aspetong ito na matukoy kung ano ang ibig sabihin ng pagiging mapagkakatiwalaang source ng impormasyon sa kalusugan sa social media. Sa UK, dapat magpatunay na lang ang mga aplikante sa mga prinsipyo ng AoMRC.
  • Maging lisensyado sa isa sa mga propesyon sa kalusugang ito sa bansa/rehiyon kung saan ka nag-a-apply para maging isang mapagkakatiwalaang source. Halimbawa, dapat ay isa kang lisensyadong nurse sa United States para maging kwalipikado sa mga pangkalusugang feature sa United States. Kung nag-a-apply ka sa ngalan ng isang organisasyon, dapat ay isa kang lisensyadong propesyonal sa isa sa mga propesyong ito. Dapat ay nagsasagawa ka rin ng pangangasiwa at pagsusuri sa content na pino-post ng iyong organisasyon sa YouTube.
    • Lisensyadong Doktor (kwalipikadong manggamot sa nauugnay na bansa)
    • Lisensyadong Nurse / Nakarehistrong Nurse
    • Lisensyadong Psychologist o katumbas nito
    • Lisensyadong Marriage and Family Therapist o katumbas nito
    • Lisensyadong Clinical Social Worker o katumbas nito

Posibleng hindi kwalipikado o naaangkop sa ilang partikular na bansa ang ilang propesyon. Sumangguni sa form ng aplikasyon ng iyong bansa para sa higit pang detalye.

Tandaan: Ang LegitScript, na isang third-party na partner, ang mag-aayos ng pag-verify ng lisensya kapag nag-apply ka. Puwedeng makipagtulungan ang LegitScript sa iba pang ahensya sa paglilisensya at nauugnay na organisasyon para ma-verify ang paglilisensya sa bawat bansa/rehiyon. Halimbawa, sa US, posibleng makipagtulungan ang LegitScript sa Federation of State Medical Boards (FSMB), PsychHub, at iba pang nauugnay na organisasyon.

Ikaw o ang nauugnay na channel sa YouTube ng iyong organisasyon ay dapat ding:

  • Sumunod sa mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube, nagmo-monetize man ang channel o hindi.
  • May mahigit 1,500 valid na tagal ng panonood ng pampublikong video sa nakalipas na 12 buwan, o 1.5 milyong valid na panonood sa pampublikong Mga Short sa nakalipas na 90 araw.Puwede mong basahin pa ang tungkol sa tagal ng panonood ng pampublikong video at mga panonood sa pampublikong Mga Short sa artikulong ito.
  • Pangunahing nakatuon sa pagtalakay ng impormasyon sa kalusugan.
  • Walang aktibong strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad.

Mga organisasyong may dati nang naka-standardize na mekanismo sa pagsusuri na wala sa US, UK, IN, ID, CA, DE, FR, BR, JP, KR, at MX.

Kung wala ka sa alinman sa mga bansang binanggit sa itaas, puwede ka pa ring magpahayag ng interes na maisama bilang source sa kalusugan sa aming mga mapagkakatiwalaang pangkalusugang feature.
Sa kasalukuyan, ang mga organisasyon lang na may dati nang standardized na mekanismo sa pagsusuri gaya ng mga accredited na ospital, pang-akademikong medikal na institusyon, departamento para sa pampublikong kalusugan, o organisasyon ng pamahalaan ang puwedeng mag-apply para maituring bilang source sa kalusugan.
Para magpahayag ng interes:
  • I-click ang Magpadala ng feedback gamit ang menu mula sa iyong larawan sa profile  sa YouTube.
  • Isama ang mga detalye ng iyong channel, URL ng channel, bansa, at website, at ilagay ang “#healthinfo.”

Pana-panahong sinusuri ang feedback na ito para tukuyin kung affiliated ang channel sa mga accredited na organisasyong pangkalusugan, pang-akademikong medical journal, o entity ng pamahalaan.

Posibleng abutin nang ilang buwan bago makita sa aming mga feature ang mga kwalipikadong channel.

Paano mag-apply

Kung matutugunan mo, o ng kinatawan mula sa iyong organisasyon ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado sa itaas, puwede kang mag-apply dito. Makikipag-ugnayan ulit kami sa iyo tungkol sa magiging pasya kapag nasuri na ang channel mo (karaniwang sa loob ng humigit-kumulang 1-2 buwan). Ang mga matatanggap na aplikante ay puwedeng maging kwalipikado na magsimulang makita sa mga piling feature sa loob ng 2-3 buwan.

Pana-panahong ina-assess ulit ang mga tinanggap na aplikante. Kung ikaw, o ang channel, ay hindi na nakakatugon sa mga pamantayan sa pagiging kwalipikado, posibleng hindi ka na maging kwalipikado para sa ilang partikular na feature ng YouTube Health.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10425214702170638418
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false