Shelf ng Mga Personal na Kuwento

Kapag naghanap ka ng ilang partikular na kundisyon ng kalusugan ng katawan o isip sa YouTube, posible kang makakita ng shelf ng mga personal na kuwento sa iyong mga resulta ng paghahanap. Nagbibigay-daan sa iyo ang shelf ng mga personal na kuwento na kumonekta sa content mula sa mga creator na nagbabahagi ng kanilang personal na experience sa ilang partikular na isyung medikal. Nilalayon ng shelf na mangolekta ng mga pansuportang kuwentong pangkalusugan at makatulong na mabawasan ang stigma sa mga paksa tungkol sa kalusugan ng katawan at isip.

Posibleng magsama ang shelf ng content mula sa iba pang bansa/rehiyong tumutugma sa iyong wika ng paghahanap. Posibleng mag-iba ang posisyon ng shelf sa mga resulta ng paghahanap depende sa kung gaano nauugnay sa iyong mga termino para sa paghahanap ang content sa shelf.

Sino ang kwalipikado

Para maging kwalipikado para sa shelf, dapat ay pangunahing nakatuon ang mga video sa personal na tunay na experience sa buhay na nauugnay sa isang partikular na kundisyon ng kalusugan ng katawan o isip. Hindi kwalipikado para sa feature na ito ang pampromosyong content, at ang lahat ng video na lumalabas sa feature na ito ay dapat na sumunod sa aming mga patakaran na pumipigil sa pagkalat ng maling impormasyon sa kalusugan.

Gumagamit ng maraming signal ang mga shelf ng mga personal na kuwento para matukoy kung aling mga video ang lalabas para sa isang partikular na isyu sa kalusugan. Dahil dito, puwedeng magbago ang mga video na lumalabas sa shelf sa paglipas ng panahon. Bukod pa rito, sa simula, posibleng limitado ang content sa shelf at kaunting hanay lang ng mga kundisyon ng kalusugan ng katawan o isip ang tatalakayin. 

Sa ngayon, available lang ang shelf sa US, United Kingdom, Canada, Australia at sa English. Sinisikap naming palawakin ang feature na ito sa mas maraming bansa/rehiyon para mabigyan ang mga user ng mas maraming content tungkol sa experience sa buhay. 

Kailan dapat kumonsulta sa isang propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan

Dahil natatangi ang sitwasyon ng bawat tao, hindi naaangkop sa lahat at hindi medikal na payo ang impormasyong nauugnay sa Kalusugan sa YouTube. Kung mayroon kang medikal na alalahanin, tiyaking makipag-ugnayan sa isang provider ng pangangalagang pangkalusugan. Kung sa palagay mo ay posibleng may medikal na emergency ka, makipag-ugnayan sa doktor mo o sa iyong lokal na pang-emergency na numero.

Impormasyong sino-store ng YouTube tungkol sa iyong mga paghahanap

Lalabas lang ang mga pangkalusugang feature kung nauugnay ang iyong kasalukuyang paghahanap o ang video na pinapanood mo sa isang paksa sa kalusugan. Hindi nati-trigger ng iyong history ng panonood at paghahanap ang mga feature na ito, pero kung gusto mong hanapin at alisin ang iyong mga paghahanap, pumunta sa Ang iyong data sa YouTube. Puwede mo ring alamin kung paano tingnan at i-delete ang history ng paghahanap.

Magbahagi ng feedback

Kung may mga isyu sa mga pangkalusugang feature sa YouTube o kung mayroon kang suhestyon, puwede kang magpadala sa amin ng feedback gamit ang Menu mula sa iyong larawan sa profile.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9779907813824824459
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false