Unawain ang mga pagbabago sa mga pampaaralang account sa YouTube

Ang Google Workspace for Education account ay isang email address na ibinigay sa iyo ng paaralan mo. Sa ganitong uri ng account, pinapamahalaan ng administrator ng iyong paaralan ang access mo sa mga produkto ng Google tulad ng YouTube.

Simula noong Setyembre 1, 2021, kung mamarkahan ka ng administrator ng iyong paaralan bilang wala pang 18 taong gulang, ililipat sa isang limitadong bersyon ng YouTube ang pampaaralang YouTube account mo. Hindi na mauugnay sa iyong pampaaralang account ang channel mo sa YouTube, at hindi ka na makakapag-upload ng mga bagong video sa channel na iyon. Maaapektuhan lang ng mga pagbabagong ito ang iyong experience sa YouTube sa pampaaralang account mo sa pamamagitan ng Google Workspace for Education, hindi ang iyong personal na account.

Mga paghihigpit sa account para sa mga user na wala pang 18 taong gulang.

Kung nasa primarya o sekundaryang institusyon ka at namarkahan ka ng administrator ng iyong paaralan bilang wala pang 18 taong gulang, may mga paghihigpit sa iyo sa content at feature sa YouTube kapag naka-sign in ka sa Google Workspace for Education account mo.

Narito ang ilang feature na hindi available, kung namarkahan ka ng administrator ng iyong paaralan bilang wala pang 18 taong gulang:

Manood

  • Mga live stream na video

Makipag-ugnayan

  • Mga Notification (maliban sa mga naka-personalize na notification na may mga highlight ng aktibidad)
  • Mga Komento
  • Live Chat
  • Gumawa
  • Channel
  • Live stream
  • Mga post
  • Pampubliko at hindi nakalistang playlist
  • Stories
  • Shorts
  • Mga pag-upload ng video

Bumili

  • Mga channel membership
  • Merchandise ng creator
  • Mga Donasyon sa YouTube Giving
  • Mga Pelikula at Palabas sa TV
  • Super Chat at Super Stickers

Mga YouTube app

  • YouTube Music
  • YouTube Studio
  • YouTube TV
  • YouTube VR

Misc

  • Mag-cast sa TV
  • Mga nakakonektang gaming account
  • Incognito
  • Mga naka-personalize na ad
  • Restricted Mode

I-download at i-save ang iyong content

Kung lampas 18 taong gulang ka:

Makipag-ugnayan sa administrator ng iyong paaralan:

  • Hilingin sa administrator ng iyong paaralan na markahan ang account mo bilang lampas 18 taong gulang.

Pagkatapos i-update ng iyong administrator ang mga setting mo:

  • Mag-sign in sa YouTube.
  • Pumunta sa gumawa ng channel, at kumpletuhin ang workflow. Gagawing nakikita ang account mo at puwede kang magpatuloy sa paggawa ng mga video sa channel sa YouTube ng iyong pampaaralang account.

Kung wala ka pang 18 taong gulang:

  • Gamitin ang Google Takeout para i-download at i-save ang iyong mga video at iba pang data (tulad ng mga komento at history ng paghahanap) na ginawa mo sa YouTube. Kung ginawa ang iyong account pagkalipas ng Setyembre 2021, mayroon kang 60 araw para i-download ang data mo mula sa panahong tinukoy ka ng administrator ng iyong paaralan bilang wala pang 18 taong gulang.
Tandaan: Available ang Google Takeout kung ia-activate ito ng administrator ng iyong paaralan para sa account mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11158109018036277971
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false