Mga panel ng resource para sa krisis

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga panel ng resource para sa krisis ng YouTube na kumonekta sa live support mula sa mga kinikilalang partner sa serbisyong pangkrisis. Posibleng lumabas ang mga panel:
  • Kapag nanood ka ng mga video tungkol sa ilang partikular na paksa tulad ng pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o mga eating disorder.
  • Sa iyong mga resulta ng paghahanap, kapag naghanap ka ng mga paksang nauugnay sa ilang partikular na krisis sa kalusugan o emosyonal na pagkabalisa.

Kung gusto mong matuto pa, nili-link ka rin ng panel ng resource para sa krisis papunta sa website ng partner. Gusto naming mabigyan ka ng impormasyong kapaki-pakinabang at napapanahon, kaya hindi mo puwedeng i-dismiss ngayon ang panel ng resource para sa krisis.

Posibleng hindi available sa lahat ng bansa/rehiyon at wika ang mga panel ng resource para sa krisis. Nagsisikap kaming gawing available sa mas marami pang bansa/rehiyon ang mga panel ng resource para sa krisis.

Kapag naghanap ka ng ilang partikular na paksa tulad ng pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o mga eating disorder, mapupunta ka rin sa isang pause page bago mo makita ang iyong mga resulta ng paghahanap. Nag-aalok ang pause page ng mga opsyon sa kung paano magpapatuloy, kasama ang pagkonekta sa iyo sa isa sa aming mga partner sa resource para sa krisis.

Humingi ng tulong para sa iyong sarili o para sa ibang tao

Kung nakakaranas ka ng krisis sa pagpapatiwakal o emosyonal na pagkabalisa, puwede mong gamitin ang impormasyon sa ibaba para humingi ng tulong:

  • United States:
    • Makipag-ugnayan sa 988 Suicide and Crisis Lifeline sa pamamagitan ng pagtawag sa 988 o paggamit sa kanilang serbisyo ng web chat. Available ang mga crisis worker nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo. Libre at kumpidensyal ang mga tawag at chat.
  • Iba pang bansa/rehiyon: Para makahanap ng crisis center sa iyong lugar, pumunta sa website ng International Association for Suicide Prevention.

Kung sa tingin mo ay may isang taong nanganganib na magpakamatay, magagawa mong:

  • Makipag-ugnayan sa iyong lokal na tagapagpatupad ng batas para sa agarang tulong. Tiyaking alam mo ang kanyang mga detalye sa pakikipag-ugnayan para maibahagi ito sa lokal na tagapagpatupad ng batas.
  • Gamitin ang impormasyon sa itaas para makipag-usap sa isang tao tungkol sa nangyayari at kung paano mo siya matutulungan.
  • Hikayatin siyang makipag-ugnayan sa hotline para sa pag-iwas sa pagpapatiwakal gamit ang impormasyon sa itaas.

Saan nagmumula ang impormasyon

Nagmumula sa mga kinikilalang partner sa serbisyong pangkrisis ang impormasyon sa Mga Panel ng Resource para sa Krisis. Nag-iiba-iba ang mga partnership ayon sa bansa/rehiyon.

Kailan dapat kumonsulta sa isang propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan

Ang impormasyong may kaugnayan sa kalusugan sa YouTube ay hindi naaangkop sa lahat at hindi maituturing na medikal na payo. Kung mayroon kang medikal na alalahanin, tiyaking makipag-ugnayan sa provider ng pangangalagang pangkalusugan. Kung sa tingin mo ay posibleng may medikal na emergency ka, tumawag sa iyong lokal na pang-emergency na numero.

Impormasyong sino-store ng YouTube tungkol sa iyong history ng paghahanap at panonood

Lalabas lang ang mga panel ng resource para sa krisis kung:

  • Nauugnay sa pagpapakamatay o pananakit sa sarili ang kasalukuyang video, o
  • Nauugnay ang iyong termino para sa paghahanap sa ilang partikular na krisis sa kalusugan o emosyonal na pagkabalisa.

Hindi nati-trigger ang mga panel na ito batay sa iyong history ng panonood at paghahanap. Pero puwede mong hanapin at alisin ang iyong history sa pamamagitan ng pagsusuri ng iyong data sa YouTube. Matuto kung paano tingnan at i-delete ang iyong history ng paghahanap o tingnan, i-pause, at i-clear ang history ng panonood mo. Puwede mo ring i-browse ang YouTube habang nasa incognito.

Mag-ulat ng maling impormasyon

Kung may mga isyu sa impormasyon ng resource para sa krisis sa YouTube, o kung may suhestyon ka, puwede kang:

  • Magsumite ng feedback sa pamamagitan ng Higit pa Higit pa sa panel ng resource para sa krisis, o
  • Magpadala ng feedback sa amin gamit ang Menu mula sa iyong larawan sa profile.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12783815667471450744
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false