Paano maghanap sa ibang wika sa pamamagitan ng on-screen na keyboard
Kung gumagamit ka ng wikang nangangailangan ng mga special character tulad ng Arabic, Greek, Thai, gamitin ang on-screen na keyboard para mailagay ang mga eksaktong termino sa paghahanap sa YouTube.
Available lang ang on-screen na keyboard para sa mga partikular na wika.
I-click ang keyboard sa search bar ng YouTube para makita ang keyboard. Galawin ito sa pamamagitan ng pag-click at pag-drag dito.
Para gamitin ang keyboard, i-click ang keyboard gamit ang iyong mouse, o ilagay ang nauugnay na key sa iyong aktwal na keyboard (hindi tumutugma ang lahat ng aktwal na keyboard).
Para makakita ng higit pang character, subukang i-click ang Alt+Ctrl at ang Pataas na arrow key sa keyboard.