I-encrypt ang iyong stream gamit ang RTMPS

Puwede kang mag-stream sa YouTube Live gamit ang RTMPS, isang secure na extension sa sikat na protocol ng streaming video ng RTMP. Ito ay RTMP sa pamamagitan ng koneksyon sa Transport Layer Security (TLS/SSL) at nagbibigay ng pag-encrypt.

Bago ka magsimula

Tiyaking sinusuportahan ng iyong encoder ang RTMPS at alam mo ang mga pangunahing kaalaman sa live streaming sa YouTube.

1 Tingnan kung may preset para sa RTMPS sa YouTube

I-update ang iyong encoder sa pinakabagong bersyon at tingnan kung may built-in na setting para sa RTMPS sa YouTube. 

Kung may makita kang preset para sa RTMPS sa YouTube, piliin ito. Posibleng kailanganin mo ring ilagay ang iyong stream key mula sa Live Control Room. Handa ka nang mag-stream.

Kung walang preset para sa RTMPS sa YouTube ang iyong encoder, pumunta sa “Itakda ang URL ng server.”

2 Itakda ang URL ng server

Makukuha mo ang URL ng RTMPS sa Live Control Room. Tandaang ipapakita pa rin nito sa iyo ang ordinaryong URL ng RTMP bilang default, kaya tiyaking URL ng RTMPS ang makukuha mo.

  1. Buksan ang Live Control Room ng YouTube.
  2. I-click ang tab na Mag-stream o mag-iskedyul ng bagong stream.
  3. Sa ilalim ng “Mga setting ng stream,” sa field na URL ng Stream, i-click ang icon na lock para makita ang URL ng RTMPS.
  4. Kopyahin ang “URL ng Stream.”
  5. I-paste ang URL sa iyong encoder.
  6. Kopyahin ang iyong stream key sa YouTube mula sa Live Control Room at i-paste ito sa encoder mo.

Pag-troubleshoot

Mga error sa SSL

Kung nakakakita ka ng error tulad ng "nagpadala ang server ng RTMP ng invalid na SSL certificate," subukan ang mga sumusunod:

 

1 Tiyaking tama ang URL ng server

Sundin ang mga hakbang sa “Itakda ang URL ng server” para tiyaking tama ang URL ng server. Kailangang rtmps ang protocol at server, hindi lang rtmp.

 

2 Tukuyin ang numero ng port

Kung mukhang tama ang URL pero nakakatanggap ka pa rin ng error sa SSL, subukang tukuyin ang port 443 sa URL. Narito ang isang halimbawa, pero kakailanganin mong i-update ang URL ng server na makukuha mo sa Live Control Room:

rtmps://exampleYouTubeServer.com:443/stream

 

O, kung pinapayagan ka ng iyong encoder na tukuyin ang numero ng port sa mga opsyon sa pag-configure, gamitin ang 443 doon.

Nag-time out ang koneksyon

Kung nakakakita ka ng error tulad ng "hindi nakakonekta sa server — nag-time out ang koneksyon," subukan ang mga sumusunod:

 

1 Tiyaking tama ang URL ng server

Sundin ang mga hakbang sa “Itakda ang URL ng server” para tiyaking tama ang URL ng server.

 

Kailangang rtmps ang protocol at server, hindi lang rtmp.

 

2 Tingnan kung sinusuportahan ng iyong encoder ang RTMPS

Kung nagkakaproblema ka pa rin, posibleng hindi sinusuportahan ng iyong encoder ang RTMPS. I-double check ang dokumentasyon para sa iyong encoder.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16794441584422541898
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false