Mag-set up ng stream ng HLS

Mag-stream ng HDR o gumamit ng mga codec na hindi sinusuportahan ng RTMP sa pamamagitan ng paggamit ng protocol sa pag-ingest ng HLS (HTTP Live Streaming) sa YouTube Live.

Bago ka magsimula

Tiyaking sinusuportahan ng iyong encoder ang HLS at alam mo ang mga pangunahing kaalaman sa live streaming sa YouTube.

1. Tingnan kung may preset para sa HLS sa YouTube

Kung may preset ang iyong encoder para sa pag-ingest ng HLS sa YouTube, piliin ang preset na iyon. Posibleng kailanganin mong kopyahin at i-paste ang iyong stream key gaya ng sa mga stream ng RTMP. Handa ka nang mag-stream.

Kung walang preset para sa pag-ingest ng HLS sa YouTube ang iyong encoder, lumaktaw sa hakbang 2 na “Itakda ang URL ng pag-ingest.”

2. Itakda ang URL ng server

  1. Pumunta sa Live Control Room ng YouTube at pagkatapos ay Mag-stream. Sa ilalim ng “Pumili ng stream key,” i-click ang Gumawa ng bagong stream key, at piliin ang HLS bilang protocol sa pag-stream.

Tandaan: Kung gusto mong mag-stream sa HDR, dapat mong iwang naka-uncheck ang “I-on ang manual na resolution.”

  1. Maa-update ang “URL ng Stream” para sa pag-ingest ng HLS. Dapat magsimula ang URL sa “https” sa halip na “rtmp.” Kopyahin ang URL sa iyong encoder.
  2. Kung kailangan mo ng backup na pag-ingest, kopyahin ang “URL ng backup na server.” Bahagi na ng URL ang stream key, kaya hindi mo na kailangang hiwalay na kopyahin ang “Stream key."

Tandaan: Mao-off ang opsyong “Napakababang latency” kapag pinili ang HLS. May mas mataas na latency ang HLS dahil nagpapadala ito ng mga segment ng video, sa halip na tuloy-tuloy na stream tulad ng RTMP.

3. Tapusin ang mga setting ng HLS

Tiyaking ia-update din ang mga setting na ito ng HLS na nire-require ng YouTube Live:

  • Tagal ng Segment: mula 1-4 na segundo, nagreresulta ang mas maikling segment sa mas mababang latency.
  • Format ng Segment: dapat ay TS (Transport Stream).
  • Hindi sinusuportahan ang Byte Range.
  • Dapat ay gumagamit ng rolling playlist na may hindi lalampas sa 5 outstanding na segment.
  • Dapat ay gumagamit ng HTTPS POST/PUT.
  • Hindi sinusuportahan ang pag-encrypt bukod sa paggamit ng HTTPS.

Mga setting ng encoder

Para sa mga setting ng encoder, basahin ang aming mga pangkalahatang alituntunin sa mga setting, bitrate, at resolution. Kabilang sa mga karagdagang setting para sa HLS na naiiba sa RTMP ang:

  • Video codec: sinusuportahan din ang HEVC bukod pa sa H.264
  • Audio codec: AAC, AC3, at EAC3

Mga inirerekomendang advanced na setting

  • Sample rate ng audio: 44.1KHz para sa audio ng stereo, 48KHz para sa 5.1 surround sound
  • Bitrate ng audio: 128 Kbps para sa stereo o 384Kbps para sa 5.1 surround sound

Mga encoder na sumusuporta sa HLS output

  • Mga Cobalt encoder
  • Harmonic
  • Mirillis Action: Kung ang HEVC video codec ang pinili, awtomatikong gagamitin ang pag-ingest ng HLS.
  • OBS
  • Telestream

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16384572593572857595
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false