Notification

Kasalukuyang maraming sinusuportahan ang aming mga team. Pakiasahan ang mas matagal na oras ng paghihintay kaysa karaniwan para sa mga sagot sa mga tanong mula sa email, chat, at @TeamYouTube sa Twitter.

Gumawa at mamahala ng Mga Clip

Magagawa mong mag-clip ng maliit na bahagi ng video o live stream at ibahagi ito sa iba pang tao sa mga social channel o sa pamamagitan ng mga direktang pakikipag-ugnayan, tulad ng email o text. Pampubliko ang mga clip at mapapanood ang mga ito ng sinumang may access sa clip na makakanood din ng orihinal na video. Makikita mo ang clip na ginawa mo at mga clip na ginawa sa iyong mga video sa page ng library ng Iyong Mga Clip. Mapapamahalaan ng mga video creator ang mga clip na ginawa sa kanilang mga video sa YouTube Studio.

Tandaan: Naka-on bilang default ang pag-clip ng mga video. Alamin kung paano ito i-off.

Mga Clip sa YouTube

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Gumawa at mag-share ng clip

  1. Buksan ang YouTube app .
  2. Pumunta sa video na gusto mong i-clip.
  3. Sa ibaba ng button na Mag-subscribe, i-slide ang mga opsyon pakanan, i-tap ang I-clip .
  4. Piliin ang seksyon ng video na gusto mong i-clip sa pamamagitan ng pag-drag sa slider. Puwede mong pahabain o paikliin ang pinili mo sa maximum na 60 segundo o minimum na 5 segundo.
  5. I-tap ang I-share ang clip.
  6. Pumili ng opsyon sa pag-share ng clip:
    • I-embed: Kinokopya nito ang code na nagbibigay-daan sa iyong ma-embed ang video sa website.
    • Mga social network: Puwede mong i-share ang iyong Clip sa social network tulad ng Facebook o Twitter.
    • Kopyahin ang link: Puwede kang kumopya ng link sa iyong Clip para i-paste sa ibang lugar.
    • Email: Puwede mong i-share ang iyong Clip gamit ang default na email software sa mobile device mo.
Tandaan: Makikita mo sa library ng Mga Clip ang mga clip na ginawa mo at clip na ginawa ng mga manonood mula sa iyong content. Makikita mo ito sa tab na Page Ko sa Main app at pagkatapos ay Iyong Mga Clip .

Pamahalaan ang mga clip ng iyong mga video

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. Sa ibaba, i-tap ang tab na Content .
  3. Sa itaas, i-tap ang I-filter .
  4. Piliin ang May mga clip ang video at pagkatapos ay I-apply.
  5. Mag-tap ng video para makita ang Mga Clip nito.
  6. Piliin ang Tumingin Pa sa ilalim ng Mga pinakabagong clip.
  7. Sa clip na gusto mong pamahalaan, i-tap ang .
  8. Depende sa pagkilos na gusto mong gawin, i-tap ang I-share ang clip , I-play ang clip , I-hide ang user sa channel , o Iulat ang clip .

Mag-delete ng clip na ginawa mo

Sa YouTube app

  1. Buksan ang YouTube app .
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  3. Mag-scroll pababa at i-tap ang Iyong mga clip .
  4. Sa clip na gusto mong i-delete, i-tap ang Menu .
  5. I-tap ang I-delete ang clip .

Sa YouTube Studio app

  1. Buksan ang YouTube Studio .
  2. I-tap ang tab na Content .
  3. I-tap ang I-filter .
  4. Mag-scroll pababa at piliin ang May mga clip ang video at pagkatapos ay I-apply.
  5. Pumili ng video na may Mga Clip na gusto mong panoorin.
  6. I-tap ang Tumingin Pa sa ilalim ng card na Mga pinakabagong clip.
  7. Sa tabi ng clip na gusto mong pamahalaan, i-tap ang .
  8. I-tap ang I-delete ang Clip .

Mga Madalas Itanong (Mga FAQ)

Hindi ko makita kung paano gumawa ng Mga Clip sa YouTube.

Para gumawa ng mga clip mula sa isang video o live stream sa YouTube, dapat kang:

  • Mag-sign in.
  • Gumawa ng Clip mula sa isang kwalipikado at naka-opt in na channel. Puwede ring i-off ng channel ang paggawa ng Clip sa content nito.

Hindi makakagawa ng mga Clip mula sa:

  • Mga video na wala pang 2 minuto
  • Mga video na para sa bata
  • Mga live stream na walang DVR
  • Mga live stream na mahigit 8 oras ang haba
  • Mga Premiere habang live pa ang mga ito
  • Mga video na gawa mula sa mga channel ng balita

Sino ang makakakita ng mga clip na ginawa ko?

Nakapubliko ang Mga Clip at mapapanood at mashe-share ang mga ito ng sinumang may access sa Clip na makakapanood din ng orihinal na video. Ang mga creator na may-ari ng orihinal na video ay may access sa lahat ng Clip na ginawa sa video na iyon sa kanilang page ng Library at sa YouTube Studio, at mapapanood at maibabahagi nila ang Mga Clip ng video na iyon. Makikita rin ang Mga Clip sa mga piling paghahanap, pagtuklas, at surface ng analytics na available sa mga manonood at creator sa YouTube.

Bakit hindi na available ang mga clip na ginawa ko?

Kung na-delete o itinakda sa pribado ang orihinal na video, hindi na magiging available ang Mga Clip ng video na iyon. Kung nakatakda ang video bilang hindi nakalista, magiging available pa rin ang Mga Clip ng video na iyon.

Kung lumalabag ang orihinal na video sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, maaalis ang Mga Clip na ginawa mula sa video na iyon.

Gumawa ako ng clip mula sa live stream na hindi gumagana.

Lalabas ang mga clip kapag natapos na ang live stream at na-upload na ito bilang video. Hindi ka makakagawa ng Mga Clip mula sa mga live stream nang walang DVR o mula sa mga live stream na lampas sa haba ng DVR. Alamin kung paano I-on ang DVR sa mga live stream.

Kung mas matagal sa timeframe ng DVR ang isang live stream, hindi mape-play ang anumang clip na hindi kasama sa timeframe ng DVR hanggang sa matapos ang live stream, at mapo-post ang orihinal na video.

Puwede ba akong gumawa ng Mga Short mula sa Mga Clip?

Oo, puwede kang mag-remix ng clip kung kwalipikado rin para sa pag-remix ang source na video ng clip. Available din sa iyo ang lahat ng tool sa pag-remix na available sa iyo sa anumang clip ng video na iyon, matuto pa rito.

Puwedeng i-convert ng mga creator na nagmamay-ari ng source na video ng clip ang buong clip sa Short, matuto pa rito.

Paano ko makikita ang performance ng aking mga clip?

Makikita mo ang bilang ng mga clip na ginawa mula sa iyong video, bilang ng mga panonood para sa bawat clip, kung sino ang gumawa nito, at iba pang impormasyon sa seksyong Mga Clip sa YouTube Studio.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16545094666910259072
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false