Mahalaga: Available ang feature na ito sa mga piling modelo ng mga Android phone.
Magbilog, mag-highlight, mag-scribble, o mag-tap ng text o mga larawan sa kahit saan sa iyong screen para piliin at hanapin ang mga ito sa Google.
Paano gamitin ang Circle to Search
Para maghanap ng text, mga larawan, o mga video sa iyong screen:
- Simulan ang Circle to Search:
- Sa 3-button navigation mode, pindutin nang matagal ang button ng Home.
- Sa Gesture navigation mode, pindutin nang matagal ang handle ng navigation.
- Magbilog, mag-highlight, o mag-tap sa kahit saan sa screen para piliin ang text, larawan, o video na gusto mong hanapin.
- Kung gugustuhin, puwede mong pinuhin ang iyong paghahanap sa pamamagitan ng pagdaragdag ng text sa search bar.
- Lalabas ang iyong mga resulta ng paghahanap sa ibaba ng screen.
- Para makakita ng higit pang resulta, mag-swipe pataas sa mga resulta.
Mga Tip:
- Para i-adjust ang iyong pinili, i-drag ang mga border ng pinili o ang buong pinili.
- Para makipag-interact sa content na natatakpan ng Search Bar, mag-pan gamit ang dalawang daliri para ilipat ang window o i-drag ang Search Bar papunta sa itaas o ibaba ng screen.
Makakuha ng mga AI-powered na pangkalahatang-ideya sa Circle to Search
Puwede kang makakuha ng mga AI-powered na pangkalahatang-ideya sa Circle to Search batay sa iyong mga query na text o multisearch. Matuto pa tungkol sa multisearch.
- Kung nasa United States ka:
- Available bilang default ang mga AI-powered na pangkalahatang-ideya sa mga query na multisearch.
- Para i-enable ang mga AI-powered na pangkalahatang-ideya para sa mga query na text, kailangan mong mag-opt in sa Search Generative Experience (SGE) sa Search Labs. Alamin ang tungkol sa mga Generative AI-powered na pangkalahatang-ideya.
- Kung wala ka sa United States:
- Para i-enable ang mga AI-powered na pangkalahatang-ideya para sa mga query na text at multisearch, kailangan mong mag-opt in sa Search Generative Experience (SGE) sa Search Labs. Alamin ang tungkol sa mga Generative AI-powered na pangkalahatang-ideya.
I-off ang Circle to Search
Sa 3-button navigation mode
- Sa iyong Android phone, pumunta sa Mga Setting .
- Hanapin ang Circle to Search.
- I-tap ang Circle to Search.
- I-off ang Circle to Search.
Sa Gesture navigation mode
- Sa iyong Android phone, pumunta sa Mga Setting .
- Hanapin ang Circle to Search.
- I-tap ang Circle to Search.
- I-off ang Circle to Search.
I-troubleshoot ang error na "Hindi available ang paghahanap sa screen."
Para magamit ang Circle to Search sa sinusuportahang Android device, tiyaking tama ang mga setting ng mga pahintulot mo:
- Sa iyong Android phone, pumunta sa Mga Setting .
- Hanapin ang App ng digital na assistant.
- I-tap ang App ng digital na assistant.
- Tiyaking:
- Nakatakda sa Google ang default na digital na assistant.
- Naka-on ang “Gamitin ang screenshot.”