Paghahanap Mga Larawan Mga Mapa YouTube Gmail Drive Calendar Pagsasalin
Mag-sign in

Panimula

Gabay sa Pagsisimula sa Building Maker

Paglikha ng gusaling isang bloke

Ang isang gusali ay maaaring katawanin ng isa o higit pang bloke (depende sa pagkakumplikado ng gusali). Ikaw ay hinihikayat na gumamit ng mahigit sa isang bloke kapag may mga natatanging tampok ang gusali, gaya ng mga nakatabinging bubong o natatakpang mga pintuan o daanan. Gayunpaman, ang ilang mga gusali, tulad ng parihabang mataas na gusali, ay maaaring hindi maglaman ng maraming karagdagang detalye. Ang sumusunod ay isang larawan ng isang bloke ng gusali:

Tandaan: Ang gusaling ito ay maaaring maging dalawang-blokeng gusali sa pamamagitan ng paglikha ng bloke upang ipakita ang cooling system ng bubong. Ang pagdadagdag ng maliit na karagdagang detalye, tulad ng mga cooling unit, ay isang personal na pagpapasya. Gayunpaman, ang isang gusali na may bahagyang karagdagang detalye ay maaaring lubusang mapili upang permanenteng maisama sa Layer ng 3D Building ng Google Earth sa halip ng isang gusali na may kakaunting detalye.

Upang lumikha ng gusali na kinakatawan ng isahang bloke:

  1. Mag-click sa pindutan na Block Bar () na lumilikha ng bloke na ang hugis ay pinakamahusay na kumakatawan sa iyong gusali. Halimbawa, i-click ang pindutang Kahon ( ) upang lumikha ng bloke na kahon. Lilitaw ang bloke na malapit sa panghimpapawid na larawan ng gusali. Nagpapakita ang sumusunod na larawan ng blokeng kahon sa simulang panghimpapawid na larawan.
  2. Tandaan:Ang bloke ay orange kung ito ay hindi napili at walang mga punto na isinaayos (nalimitahan) sa isang posisyon nang hindi bababa sa dalawang larawan. Ang bloke ay asul kapag hindi ito napili at walang mga punto na isinaayos (nalimitahan) sa hindi bababa sa dalawang larawan. Ang bloke ay pula kapag ito ay pinili.

  3. Iposisyon ang bloke:
    1. Ilipat ang cursor sa anumang punto ng bloke, tulad ng pinakaibabang kaliwang sulok na punto.
    2. I-click at hawakan nang matagal ang kaliwang pindutan ng mouse. Nakakabit ang punto sa cursor.
    3. Igalaw ang cursor. Gagalaw ang bloke kasabay ng cursor.
    4. Iposisyon ang punto sa ibabaw ng isa sa mga sulok ng gusali, tulad ng pinakaibabang kaliwang sulok ng gusali.
    5. Tandaan: Mag-zoom in sa sulok, sa pamamagitan ng alinman sa pag-click sa pindutan ng Pag-zoom () o pasulong na pag-roll ng mouse wheel, upang matiyak na ang punto ng bloke ay nakaayon nang maigi sa sulok ng gusali. Maaari mong muling iayon ang mga punto anumang oras habang nasa proseso ng paglikha.

    6. Bitiwan ang pindutan ng mouse. Lilitaw na puting-puti ang punto ng bloke upang isaad na ang punto ay nalimitahan sa lokasyon ng larawan (ang paglipat ng isa pang punto ng bloke ay hindi magdudulot sa punto na ito upang lumipat). Ipinapakita ng larawan ang pinakaibabang kaliwa ng punto ng blokeng nalimitahan sa pinakaibabang kaliwang sulok ng gusali:
  4. Isaayos ang bloke sa larawan:
    1. Ilapat ang cursor sa isa pang punto ng bloke, tulad ng kaliwang itaas ng punto ng bloke.
    2. I-click at hawakan nang matagal ang kaliwang pindutan ng mouse. Nakakabit ang punto sa cursor.
    3. Igalaw ang cursor. Nababanat ang bloke habang inililipat mo ng cursor.
    4. Iposisyon ang punto sa ibabaw ng isa sa mga sulok ng gusali, tulad ng pinakaibabang kaliwang sulok ng bubong.
    5. Bitiwan ang pindutan ng mouse. Lilitaw na puting-puti ang punto ng bloke upang isaad na ito ay nalimitahan (ang paglipat ng isa pang punto ng bloke ay hindi magdudulot sa punto na ito upang lumipat). Ipinapakita ng sumusunod na larawan ang pangalawang nalimitahang punto ng bubong ng larawan.
    6. Tandaan: Maaari mong pindutin ang Ctrl+Z (Microsoft Windows) o Command+Z (Mac OS X) upang i-undo ang naunang pagbabago habang gumagawa sa Editor. Maaari ding pindutin ang Ctrl+Y (Microsoft Windows) o Shift+Command+Z (Mac OS X) upang i-redo ang naunang na-undo na pagbabago.

  5. Ulitin ang hakbang 4 gamit ang nalalabi (nakikita) na mga punto ng bloke. Maaaring nakatago ang ilang mga punto tulad ng blokeng naka-posisyon sa ibabaw ng panghimpapawid na larawan. Hindi ka dapat manghula tungkol sa lokasyon ng mga nakatagong punto (gagamit ka ng isa pang larawan upang isaayos ang mga punto na ito). Ipinapakita ng sumusunod na larawan ang bloke pagkatapos na malimitahan ang lahat ng nakikitang mga punto:
  6. Mag-click sa isa pang simulang panghimpapawid na larawan (tulad ng larawang 4) sa panel ng Mga View na Larawan sa kaliwa ng kasalukuyang larawan. Ang sumusunod ay isang larawan ng panel na Mga View na Larawan:

    Lilitaw ang panghimpapawid na larawan sa Editor na kasama ang iyong gusali sa gitna. Malapit sa gusali ang naunang nilikhang blokeng kahon. Nagiging kulay asul ang hangganan ng larawan sa panel na Mga View na Larawan upang isaad na pinili ang larawan. Nanatiling kulay asul ang label ng naunang larawan (tulad ng "1") upang isaad na nalimitahan ang mga bloke sa larawang iyon.
  7. Babala: Tanging ang mga larawang mayroong nalimitahang mga bloke at asul ang label, tulad ng "1", sa panel na Mga View na Larawan ang magagamit para sa pag-texture ng larawan. Kaya, kung maaari, dapat kang maglimita ng mga bloke sa isang larawan para sa bawat bahagi (kabilang ang bubong) ng gusali upang matiyak ang wastong pag-texture ng larawan.

    Tandaan: Maaari mong pindutin ang numerong pindutang umaayon sa isang panghipapawid na larawan upang lumipat sa panghipapawid na larawan na iyon.

  8. Ulitin ang hakbang 3 upang iposisyon ang bloke sa ibabaw ng larawan. Magpapakita ang sumusunod na larawan ng bloke pagkatapos na maiayon ito sa pangalawang larawan:
  9. Tandaan: Ang blokeng kulay orange ay nagiging kulay asul kung ito ay mayroong hindi bababa sa isang punto na nalimitahan sa istraktura nang hindi bababa sa dalawang larawan.

  10. (opsyonal) Ulitin ang hakbang 4 upang magsagawa ng anumang karagdagang pagsasaayos sa mga punto ng bloke nang sa gayon ay tumugma ito sa larawan ng gusali. Magpapakita ng bloke ang sumusunod na larawan pagkatapos na maisagawa ang ilang bahagyang mga pagsasaayos sa 4 na punto na nasa pinakataas.
  11. (opsyonal) Ulitin ang mga hakbang na 6 - 8 ng para sa hindi bababa sa isang larawan sa bawat bahagi ng gusali dagdag pa ang isang larawan para sa bubong (5 larawan).
  12. Tandaan: Hinikayat mong i-align ang iyong mga bloke sa minimum na isang panghimpapawid na larawan sa bawat bahagi ng gusali dagdag pa ang bubong (limang mga larawan para sa apat na kantong gusali). Subukang pumili ng mga larawang nasa 90 degree ng iyong naunang mga larawan (tulad ng iyong ginagawa sa lahat ng bahagi ng gusali). Makakatulong ang pag-aayon ng iyong mga bloke upang i-clear ang mga larawan ng bawat bahagi ng gusali upang matiyak ang wastong pag-texture ng larawan ng gusali.

na-update 10/16/2012

Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center