Pamahalaan ang mga setting ng pagbabahagi ng data sa Google Maps na built in sa iyong sasakyan

Mahalaga: Ang artikulong ito ay para lang sa Google Maps na built-in sa iyong sasakyan. Nagdedepende ang availability o functionality ng feature sa iyong manufacturer ng sasakyan o rehiyon at data plan.

Ibahagi ang data ng iyong sasakyan, piliin kung paano ida-download ang mga offline na mapa, at maunawaan kung ano ang ibinabahagi ng Maps sa Google sa privacy center.

Tip: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng wika at bansa/rehiyon. Matutunan kung paano gamitin ang Assistant sa iba pang platform.

Hanapin ang privacy center

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings
  3. I-tap ang Privacy center.

Magbahagi ng data ng sasakyan sa Google

Ibahagi ang data ng biyahe at sensor

Habang nagmamaneho ka, nangongolekta ng data ang Google, tulad ng:

  • Lokasyon sa GPS
  • Mga detalye ng pag-navigate, kasama ang rutang dinaanan
  • Mga paglalarawan ng kalsada, tulad ng impormasyon ng karatula sa kalsada o mga tanda sa lane
  • Status ng sensor ng sasakyan, tulad ng kapag naka-on ang iyong mga windshield wiper
  • Data ng sensor mula sa lahat ng iyong device, tulad ng mga tala ng barometer mula sa telepono mo at bilis ng gulong kung nakakonekta ang iyong telepono sa isang compatible na sasakyan

Ginagamit ng Google ang data mo nang walang kasama o may kasama para pahusayin ang Maps. Kapag ibinahagi mo ang data, ginagamit ito ng Google para i-update ang mapa at gawing nakikita ng iba ang impormasyon, kasama ang real-time na trapiko.

Paano pinoprotektahan ng Google ang data ng biyahe at sensor

  • Hindi nauugnay sa iyong Google Account o sasakyan ang mga update sa mapa batay sa data ng biyahe at sensor.
  • Hindi rin nauugnay sa iyong Google Account ang data ng biyahe at sensor, pero nauugnay ito sa secure na binuong pagkakakilanlan na nagre-reset nang regular. Ibig sabihin nito, hindi mahahanap ng Google ang data na ito batay sa iyong Google Account.
  • Posibleng maugnay sa iyong Google Account ang iba pang data na nakokolekta habang ine-explore mo ang mundo, gaya ng kapag ginagamit mo ang Google Assistant. Puwede mong kontrolin ang Aktibidad sa Web at App sa pamamagitan ng pagbisita sa myactivity.google.com.
  • Para baguhin ang pahintulot sa lokasyon para sa Google Maps sa sasakyan, pumunta sa Mga Setting at pagkatapos ay Mga app at notification at pagkatapos ay Mga pahintulot sa app at pagkatapos ay Lokasyon at pagkatapos ay Maps.
  • Kinokolekta lang ng Google ang data ng biyahe at sensor na kinakailangan para ibigay ang pinakamahusay na karanasan sa Maps para sa lahat—pagkatapos nitong maproseso, ide-delete ito.
Magbahagi ng data ng EV
Ang iyong electric vehicle ay puwedeng magbahagi ng data sa Google, gaya ng:
  • Antas, kapasidad, at bilis ng pag-charge ng baterya sa iba't ibang kundisyon 
  • Status ng air conditioner 
  • Efficiency ng makina at pagpreno 
  • Mga detalye, gaya ng timbang ng iyong sasakyan

Kung ibabahagi mo ang data na ito, mase-save ito sa mga server ng Google. Ginagamit ang data para bigyan ka ng:

  • Range ng sasakyan 
  • Mga pagtatantya sa baterya batay sa iyong patutunguhan 
  • Mga inirerekomendang min na tagal ng pag-charge
  • Mga alerto, halimbawa, kapag hindi mararating ang susunod mong istasyon o kapag darating ka sa iyong susunod na istasyon nang paubos na ang baterya
  • Pinahusay na pamamahala ng baterya at efficiency ng sasakyan
Piliin ang iyong mga opsyon sa mga offline na mapa
Sinusuportahan ng mga offline na mapa ang mga feature ng tulong sa nagmamaneho na may kinalaman sa kaligtasan ng sasakyan mo at nakakatulong ang mga ito sa iyong gamitin ang Maps nang walang koneksyon sa internet.
Kung pipiliin mong awtomatikong mag-download ng mga offline na mapa:
  • Awtomatikong ida-download ng Maps ang mga offline na mapa para sa iyo at papanatilihin nitong up to date ang mga iyon
  • Puwedeng pana-panahong makipag-ugnayan ang sasakyan mo sa Google para magbigay ng impormasyon, gaya ng lokasyon ng iyong sasakyan, History ng Lokasyon, at mga offline na mapang na-download mo na
  • Puwede ka pa ring pumili ngsarili mong mga offline na mapang ida-download 
  • Kung io-off ito, hindi made-delete ang mga na-download nang offline na mapa
  • Para mag-delete ng mga offline na mapa, pumunta sa Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga offline na mapa

Kung pipiliin mong manual na mag-download ng mga offline na mapa:

  • Pipiliin mo ang mga offline na mapang gusto mong i-download at ikaw mismo ang manual na mag-a-update ng mga iyon. Para magsimula, pumunta sa Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga offline na mapa
  • Kung hindi mo ida-download o ia-update ang offline na mapa ng lugar kung saan ka nagmamaneho, puwedeng hindi gumana ang ilang pangkaligtasang feature ng iyong sasakyan 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6508827543617125935
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false