Gumamit ng mga feature ng Google Maps na built in sa iyong electric vehicle

Mahalaga: Ang artikulong ito ay para lang sa Google Maps na built-in sa iyong sasakyan. Nagdedepende ang availability o functionality ng feature sa iyong manufacturer ng sasakyan o rehiyon at data plan.

Makakakuha ka ng kapaki-pakinabang na impormasyon para sa iyong electric vehicle sa Google Maps. Makikita mo ang magiging antas ng baterya ng iyong sasakyan pagkarating, makakatanggap ka ng mahahalagang alerto sa baterya, at makakapaghanap ka ng mga tugmang charging station.

Tip: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng wika at bansa/rehiyon.

Baterya pagkarating

Kapag may hinanap kang lugar sa Maps, makikita mo ang tinatantyang magiging baterya ng iyong sasakyan pagkarating Baterya pagkarating. Kapag nagsimula na ang pag-navigate, patuloy na mag-a-update ang iyong magiging baterya pagkarating habang nagda-drive ka.

Tulong sa Pag-charge

Kapag nag-navigate ka papunta sa isang destinasyon:

  • Kung hindi ka makakarating sa iyong destinasyon nang hindi nagcha-charge, at kailangan mo lang ng isang charging stop, mapa-prompt kang pumili ng charging station sa iyong ruta. 
  • Kung hindi ka makakarating sa iyong destinasyon nang hindi nagcha-charge at kailangan nito ng maraming charging station, awtomatikong maidagragdag ang lahat ng ito sa iyong ruta. Isasama ang oras ng pag-charge sa tagal ng biyahe.

Para magdagdag ng charging station sa iyong ruta:

  1. I-tap ang Magdagdag ng charging stop.
  2. Pumili ng charging station.

Para mag-ulat ng kulang o maling impormasyon tungkol sa charging station, padalhan kami ng feedback sa iyong mobile device.

Maghanap ng mga charging station

Sa Maps, puwede kang maghanap ng mga compatible na plug para sa iyong sasakyan at piliin kung ano ang lumalabas sa mga resulta mo ayon sa:

  • Mga uri ng charger
  • Mga network sa pagbabayad
  • Mga bilis ng pag-charge

Alamin kung paano magdagdag ng charging station sa iyong ruta bago magsimulang mag-navigate o kung paano magdagdag ng charging station na nasa ruta habang nagna-navigate.

Kung magdaragdag ka ng charging station na nasa ruta, makakakita ka ng inirerekomendang tagal ng pag-charge. Mag-iiba-iba ang mga tagal ng pag-charge depende sa baterya ng sasakyan pagkarating, mga kakayahan sa pag-charge ng sasakyan, at bilis ng pag-charge ng station.

Tip: Mag-tap ng charging station para sa higit pang impormasyon, gaya ng power output.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1033717643911405439
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false