Pangkalahatang-ideya ng aming mga help center at patakaran

Nagsisikap kaming suportahan ang isang masiglang ecosystem ng pag-aambag ng user na mapagkakatiwalaan at transparent, at na napapakinabangan ng mga user. Ang layunin ng help center na ito ay tulungan kang maunawaan ang mga patakaran ng Google para sa paggamit mo ng Google Maps.

Idinisenyo ang mga patakarang ito para gumawa ng ligtas at positibong experience para sa aming mga user at sumunod sa mga naaangkop na batas. I-expand ang isang patakaran o help center sa ibaba para matuto pa tungkol sa kung ano ang sinasaklaw nito.

Help center ng Google Maps

  • Paano gamitin ang Google Maps: Ang mga page na ito ay nagbibigay ng impormasyon sa kung paano mo ka makakapunta sa kailangan mong puntahan, gamitin ang mapa at iba pang serbisyo ng mapa, at i-customize o i-edit ang iyong experience sa Maps.
  • Pagbabago ng mga setting at kagustuhan: Ang mga page na ito ay nagbibigay ng impormasyon sa kung paano mo maa-access ang mga mapa sa iba't ibang wika, pahusayin ang katumpakan ng iyong lokasyon, at pamahalaan ang iyong data.
  • Mga resulta at rekomendasyon ng Map at Search: Ang mga page na ito ay nagbibigay ng impormasyong nauugnay sa kung paano ipinapakita ang mga resulta batay sa iyong mga setting at ang mga kontrol na available para i-personalize ang experience mo.

Help center ng patakaran sa UGC ng Maps

  • Paano puwedeng lumabas ang iyong content sa Maps: Tinutulungan ka ng mga page na ito na maunawaan kung paano at saan puwedeng i-publish sa Maps ang mga kontribusyon mo tulad ng mga review, larawan, at video. Dagdag pa rito, nagbibigay kami ng mga alituntunin para sa mga pagdaragdag ng content sa Maps.
  • Ipinagbabawal at pinaghihigpitang content: Ang mga page na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kontribusyong hindi pinapayagan sa Maps o kung may mga paghihigpit ang ilang partikular na lugar. Dagdag pa rito, nagbibigay kami ng gabay sa kung paano mag-flag ng potensyal na ipinagbabawal o pinaghihigpitang content sa Maps para alisin.
  • Privacy at Mga Setting: Paano pinoprotektahan ng Maps ang privacy ng mga user nito at kung paano mo maa-adjust ang iyong mga personal na kagustuhan sa Maps.

Help center ng Profile ng Negosyo sa Google

  • Mga alituntunin para sa pagkatawan sa iyong negosyo sa Google: Binibigyan ka ng mga page na ito ng impormasyon kaugnay ng pamamahala sa iyong profile ng negosyo, mga sinusuportahang rehiyon, pati na rin sa aming mga patakaran at alituntunin.
  • Paggamit ng Google Maps para sa iyong account ng negosyo: Ang mga page na ito ay nagbibigay ng insight sa kung paano mo magagamit ang Google Maps para sa mga pangangailangan ng iyong negosyo. Ang mga paksang maaasahan mong makita rito ay ang mga kinakailangan namin sa pag-apruba ng produkto, paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili laban sa mga mapanlokong tawag, pakikipagtulungan sa mga third party, at impormasyon sa mga kinakailangan namin sa larawan at video kaugnay ng iyong negosyo.
  • Lahat ng patakaran at tuntunin ng serbisyo ng Profile ng Negosyo: Binibigyan ka ng page na ito ng impormasyon tungkol sa mga karagdagang tuntunin ng serbisyo, na sumasaklaw sa mga bahaging tulad ng pag-aareglo ng mga di-pagkakasundo at access sa iyong content. Nagbibigay rin kami ng impormasyon sa kung paano ka makakapag-ambag sa positibong experience sa Maps sa pamamagitan ng iyong profile ng negosyo.

Help center ng Google My Maps

  • Paggawa ng personal na mapa at ipinagbabawal na content: Sinasaklaw ng mga page na ito ang paggawa ng iyong personal na experience sa mapa gamit ang Google My Maps at ang 11 uri ng content na ipinagbabawal kapag ginagamit ang feature na ito sa Maps.

Help center ng Google Local Listings

  • Tungkol sa Local Listings at pag-update ng impormasyon: Nagbibigay ng impormasyon kaugnay ng kung paano sino-source ang up-to-date na impormasyon tungkol sa mga lugar (kabilang ang mga negosyo), tulad ng pangalan, numero ng telepono, at address, at kung paano makakagawa ng mga pagbabago at pag-aalis sa mga lokal na listing.

Help center ng Google Local Guides

  • Pagiging gabay at impormasyon sa komunidad: Nagbibigay ng impormasyon kaugnay ng kung paano ka magiging local guide para sa Google Maps at paano ka makakapag-ambag sa at paano mo mapapahusay ang experience sa Maps para sa mga user.

Patakaran sa koleksyon ng larawan sa Street View na Mula sa Google

  • Tinatanggap na content: Paano namin pinapangasiwaan ang hindi naaangkop na content at ang mga pamantayang ginagamit namin para sa pag-publish sa Google Maps ng koleksyon ng larawan sa Street View.

Patakaran sa katanggap-tanggap na paggamit ng Google Maps platform

  • Katanggap-tanggap na paggamit: Sinasaklaw ng page na ito ang mga uri ng mga paglabag na puwedeng magresulta sa pagbabago sa paggamit ng mga serbisyo ng Google Maps para sa mga third party.

Mga karagdagang tuntunin ng serbisyo ng Google Maps at Google Earth

  • Paglilisensya at paggamit: Paano mo puwedeng gamitin ang Google Maps at Google Earth at mga partikular na bagay na pinapahintulutan kang gawin. Bukod dito, tinutugunan namin kung paano puwedeng mag-iba ang mga aktwal na kundisyon sa mga resulta at content ng mapa.
  • Pinagbabawal na asal: Anong mga pagkilos ang hindi pinapayagan kapag ginagamit ang Google Maps at Google Earth.
  • Na-upload na content: Paano namin puwedeng gamitin ang content na ibinigay at na-upload mo sa Google Maps at Google Earth.

Unawain ang pagpapatupad ng patakaran

Gumagamit kami ng kumbinasyon ng naka-automate na pagsusuri at pagsusuri ng tao para i-moderate ang content na lumalabag sa mga patakarang ito. Gumagamit ang aming mga teknolohiya sa pagpapatupad ng mga algorithm at machine learning, na nakamodelo sa mga desisyon ng mga taong tagasuri, para protektahan ang mga user namin at panatilihing ligtas ang aming mga Map platform. Ang mga mas kumplikado, nuanced, o matinding kaso ay madalas na sinusuri at tinatasa ng mga aming mga ekspertong may espesyal na pagsasanay.

Inaaksyunan namin ang content na lumalabag sa aming mga patakaran at sineseryoso namin ang mga paulit-ulit na paglabag sa mga patakaran. Puwedeng kasama rito ang pagtanggi sa content o pagsuspinde ng mga account nang dahil sa mga paulit-ulit o matinding paglabag. Sineseryoso namin ang mga paulit-ulit na paglabag sa aming mga patakaran at mayroon kaming strike system para sa mga paulit-ulit na lumalabag.

Bibigyan ka namin ng impormasyon sa aming desisyon para sa anumang pagkilos sa pagpapatupad sa paglabag sa patakaran na gagawin namin. Kung tinanggihan ang iyong post, puwede mong ayusin ang post na iyon o iapela ang desisyon. Puwede ka ring mag-apela ng desisyon sa pagsuspinde ng account. Gayunpaman, para makapag-apela, kailangan mong mag-sign in sa iyong Google Account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3471867632103538806
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false