Gamitin ang madilim na tema ng Google Maps

Puwede mong baguhin ang tema ng Google Maps sa iyong mobile device. Sa madidilim na tema, mas madaling basahin ang iyong screen, at nakakatulong ito para mabawasan ang paggamit ng baterya.

Tip: May ilang hiwalay na setting para sa madilim na tema kapag nag-explore at nag-navigate ka sa Google Maps.

I-on ang madilim na tema habang nag-e-explore ka

Mahalaga: Ang lahat ng hakbang na ito ay available lang sa Android 10 o Q at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android

  1. Sa iyong Android phone 10+, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Tema.
  3. Piliin ang isa sa mga sumusunod na opsyon:
    • Laging nasa maliwanag tema: Laging naka-disable ang madilim na tema sa Maps, anuman ang mga setting ng system.
    • Laging nasa madilim na tema: Laging naka-enable ang madilim na tema sa Maps, anuman ang mga setting ng system.
    • Kapareho ng tema ng device: Sundin ang setting ng Madilim na tema ng Android system. Sa Android 10+, nasa ilalim ito ng Mga Setting Settings at pagkatapos ay Display.
  4. I-tap ang I-save.

I-on ang madilim na tema habang nagna-navigate ka

Mahalaga: Sa Android 10 at mas bago lang gumagana ang mga hakbang na ito. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga Setting ng Navigation.
  3. Mag-scroll papunta sa “Display ng mapa.”
  4. Sa ilalim ng Scheme ng kulay, i-tap ang:
    • Araw: Para i-disable ang madilim na tema sa Maps, anuman ang mga setting ng system.
    • Gabi: Para i-enable ang madilim na tema sa Maps, anuman ang mga setting ng system.
    • Awtomatiko: Para sundin ang temang napili para sa system ng Android sa ilalim ng Mga Setting Settings at pagkatapos ay Display.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
546112041666510967
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false