Makuha at subaybayan ang iyong Mga Puntos sa Google Play

Pagkatapos mong sumali, makakakuha ka ng mga puntos para sa mga pagbili sa Google Play na isinagawa mula sa iyong naka-enroll na Google Account. Hindi ka makakakuha ng mga puntos para sa mga pagbiling isinagawa mo bago ka sumali sa Google Play Points. 

Magkakaiba ang availability ng Play Points, mga level ng award, at mga rate ng multiplier depende sa bansa. Hindi available sa lahat ng bansa ang Play Points.

Paano makakuha ng mga puntos

  • Bumili ng mga app o laro sa Play Store
  • Mag-subscribe sa Google One mula sa Android
  • Bumili at mag-subscribe in-app o in-game
  • Bumili ng mga aklat gamit ang Google Play
    • Mahalaga: Hindi puwedeng mag-redeem ng Credit ng Play para sa mga aklat sa Austria, Belgium, France, Germany, Greece, Israel, o Spain.
Nakadepende sa iyong bansa ang content na puwede mong bilhin para makakuha ng puntos.

Mga bagay na dapat malaman tungkol sa mga puntos

  • Puwede kang makakuha ng mga puntos sa mga pagbili sa Google Play na ginawa mo sa iyong Android device, computer, at Smart TV.
  • Hindi ka puwedeng bumili ng puntos o mag-convert ng puntos sa pera.
  • Hindi ka makakapaglipat ng mga puntos sa pagitan ng mga account o sa ibang tao, kahit na bahagi siya ng iyong grupo ng pamilya.
  • Kung mayroon kang Google Play Points at papalitan mo ang iyong bansa sa pagsingil, mawawala ang mga puntos mo at hindi maililipat ang iyong level sa bagong bansa sa pagsingil.
 

Paano kinakalkula ang mga puntos

Para kalkulahin ang mga nakuhang puntos, i-multiply ang presyo ng item sa base na rate ng kita para sa iyong level. Ira-round up o down sa pinakamalapit na whole number ang bilang ng mga puntos na makukuha mo. Kung makakakuha ka ng puntos na mas mababa sa partikular na halaga batay sa naaangkop na rehiyon, puwede kang makakuha ng 0  na puntos. 

Makakakuha ka lang ng mga puntos para sa presyo ng item, hindi kasama ang anumang binayarang buwis.

Halimbawa:

Sa Bronze level, makakakuha ka ng 1 puntos bawat‎$1 USD sa lahat ng pagbili. Kung gagastos ka ng $5 USD, makakakuha ka ng 5 puntos. 

  • Kapag nakalipat ka sa Silver level, makakakuha ka ng 1.10 puntos bawat‎$1 USD. Kung gagastos ka ng $5 USD, makakakuha ka ng 6 na puntos, na na-round up mula 5.50.
Tip: Sa simula ng bawat taon sa kalendaryo, posibleng magbago ang iyong level batay sa kung ilang puntos ang nakuha mo sa nakaraang taon. Kapag mas taas ang iyong level, mas marami kang makukuha bawat $1 USD sa lahat ng pagbili. Matuto pa tungkol sa mga pagbabago sa level.

Kung para saan nabibilang ang iyong mga puntos

Bibilangin ang mga puntos na makukuha sa pagtaas sa balanse at level sa Play Points.

  • Balanse sa Play Points: Gamitin ang mga puntos na ito para mag-unlock ng mga espesyal na item sa mga app at laro o ipagpalit ang mga ito para sa Credit sa Google Play. Kapag gumamit o nagpapalit ka ng mga puntos, ibabawas ang mga puntos sa balanseng ito. Mag-e-expire ang anumang puntos na nakuha mo isang taon pagkatapos ng huling pagkakataong nakakuha o gumamit ka ng mga puntos.
  • Pagtaas ng level: Bibilangin ang mga puntos na nakuha mo sa isang taon sa kalendaryo bilang progreso papunta sa susunod na level. Hindi ibabawas ang mga puntos sa pagtaas ng iyong level kapag ginamit mo ang mga ito. Kapag naabot mo ang isang level, mapapanatili mo ang level na iyon hanggang sa pagtatapos ng susunod na taon sa kalendaryo.

Kapag nagbalik o nagkansela ka ng pagbili kung saan nakakuha ka ng mga puntos, ibabawas ang mga puntos na iyon sa iyong balanse at pagtaas ng level sa Play Points.

Tingnan ang iyong mga puntos at kung kailan mag-e-expire ang mga ito

Makakuha ng mga karagdagang puntos sa pamamagitan ng mga promosyon

Papataasin ng ilang promosyon ang iyong rate ng kita sa ilang piling pagbili. Makakakuha ka ng mga puntos sa pinakamataas na rate ng kita na available sa mga itinakdang yugto ng panahon.

  • Hindi puwedeng pagsama-samahin ang maraming promosyon sa isang pagbili.
  • May nakatakdang rate ng kita ang mga promosyon na nilalapat ng mga ito.
  • Posibleng magkakaiba ang mga promosyon at petsa ng pag-expire ng mga ito.
  • Posibleng kailangang i-activate ang ilang promosyon.
  • Posibleng may petsa ng pag-expire ang ilang promosyon. Kung bibili ka pagkatapos ng petsa ng pag-expire, makakakuha ka ng mga puntos sa regular na rate para sa iyong level.
  • Bukas sa mga piling kalahok ang ilang promosyon batay sa kanilang history ng pagbili o mga interaction sa Google Play Store app.
  • Ang mga promosyon sa maraming pagbili ay partikular sa currency. Para maging kwalipikado, pareho dapat ang currency ng mga pagbili sa promosyon.
    • Halimbawa: "Gumawa ng 5 pagbili na may halagang $0.99 USD o higit pa para makakuha ng 100 puntos" ang nakasaad sa isang promosyon sa maraming pagbili. Mga pagbili lang sa USD ang kwalipikado para sa promosyong ito.
  • Para sa mga promosyon sa pag-install ng app o laro, dapat isa itong pag-install sa unang pagkakataon. Dapat mong i-download at panatilihin ang app o laro sa iyong telepono nang isang araw para mapanatili ang mga puntos. Kung hindi ito gagawin, aalisin ang mga puntos.

Mga Subscription:

  • Kung bibili ka ng subscription sa pamamagitan ng app, makakakuha ka ng mga puntos sa regular na rate para sa iyong level.
  • Sa mga piling app at laro, posibleng mag-alok ang ilang promosyon ng mga karagdagang puntos para sa mga nag-subscribe sa unang pagkakataon.
  • Makakatanggap ka lang ng maximum na pang-isahang beses na bonus sa puntos para sa pag-subscribe sa unang pagkakataon sa app o laro.
  • Sa mga piling subscription sa mga app at laro, posibleng mag-alok ng mga karagdagang puntos kapag siningil ka na.
  • Nakukuha lang ang mga puntos sa mga pagbiling ginawa sa Google Play.

Tingnan ang iyong mga promosyon

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Play Points at pagkatapos ay Makakuha.
    • Nasa itaas ang base na rate ng kita sa iyong level.
    • Nasa ibaba ang listahan ng mga promosyon at ang kanilang mga espesyal na alok.

Narito ang isang halimbawa kung paano kinakalkula ang mga puntos nang may espesyal na rate ng kita:

Si John ay nasa Silver level, at 1.10 puntos bawat $1 USD ang kanyang base na rate ng kita para sa lahat ng pagbili.
Nakatanggap siya ng espesyal na alok na makakuha ng 3 puntos bawat $1 USD mula sa isang partikular na laro. Dahil mas malaki ang rate ng kita ng espesyal na alok kaysa sa kanyang base na rate ng kita, matatanggap ni John ang rate ng espesyal na alok para sa mga pagbili sa larong iyon.
Kapag gumastos siya ng $1 USD sa larong iyon sa panahon ng espesyal na alok, makakakuha siya ng 3 puntos sa pagbiling iyon.

Mag-redeem ng mga lingguhan premyo

Kung nasa Silver o mas mataas na level ka sa Play Points, makakakuha ka ng mga reward sa pamamagitan ng pag-claim ng iyong lingguhang premyo.

Mahalaga: Nagre-reset ang mga lingguhang premyo tuwing Biyernes sa iyong bansa sa Play.

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Play Points at pagkatapos ay Mga Perk.
    • Para i-claim ang iyong premyo: I-tap ang Buksan at pagkatapos ay I-claim ang iyong Lingguhang Premyo
    • Para tingnan kung na-redeem mo na ang iyong lingguhang premyo: I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay History ng mga puntos.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5332871241852827631
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false