Magbakante ng espasyo

Para mag-download ng higit pang app at media, o tulungan ang iyong teleponong gumana nang mas maayos, puwede kang mag-clear ng space sa telepono mo.

  • Sa storage mo itinatago ang data, tulad ng musika at mga larawan.
  • Sa memory mo pinapatakbo ang mga program, tulad ng mga app at Android system.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Magbakante ng storage

Mag-alis ng mga larawan
Kung nagba-back up ka gamit ang Google Photos, puwede mong i-delete ang mga kopya sa iyong telepono o tablet. Makikita mo ang mga naka-back up na kopya sa app kapag nakakonekta sa internet ang iyong device. Alamin kung paano mag-delete ng mga larawan at video sa iyong device.
Mag-alis ng mga na-download na pelikula, musika, at iba pang media

Para mag-delete ng content sa Google Play:

  1. Buksan ang Google Play app kung nasaan ang content, tulad ng Play Music o Play Movies & TV.
  2. I-tap ang Menu Menu At pagkatapos Mga Setting At pagkatapos Pamahalaan ang mga download.
  3. I-tap ang Na-download Na-download At pagkatapos Alisin.

Para mag-delete ng content mula sa iba pang source, mag-delete sa app na ginamit mo para i-download ito.

Mag-alis ng mga app at data ng app

Isara ang mga app na hindi tumutugon

Kadalasang hindi mo kailangang magsara ng mga app. Pero kung hindi tumutugon ang app, puwede mong subukang isara ito o sapilitang ihinto ang app. Alamin kung paano mag-troubleshoot ng mga app na hindi gumagana.

I-uninstall ang mga app na hindi mo ginagamit

Kung mag-a-uninstall ka ng app at kakailanganin mo ito sa ibang pagkakataon, puwede mo itong i-download ulit. Hindi mo kailangang bilhin ulit ang app kung nagbayad ka para rito. Alamin kung paano mag-uninstall ng mga app.

I-clear ang cache at data ng app

Karaniwan mong maki-clear ang cache at data ng app gamit ang app na Mga Setting ng iyong telepono. Puwedeng maging iba ang Mga Setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, humingi ng tulong sa manufacturer ng iyong device.

  • I-clear ang cache: Nagde-delete sa pansamantalang data. Posibleng maging mabagal ang ilang app sa susunod na buksan mo ang mga ito.
  • I-clear ang storage: Permanenteng nagde-delete sa lahat ng data ng app. Subukang i-delete muna ang data mula sa mismong app.
Awtomatikong mag-archive ng mga app para magbakante ng space

Magagawa ng iyong device na awtomatikong mag-archive ng mga app na hindi mo madalas gamitin para magbakante ng space para sa mga bagong app. Kapag naka-on ang setting na ito, aalisin ang mga app na hindi mo madalas gamitin, pero mase-save ang iyong personal na data sa app. Mananatili sa iyong device ang icon ng app. Mada-download mo ulit ang app, hangga't available ito sa Google Play.

Kung susubukan mong mag-install ng app pero wala kang sapat na space, aabisuhan kang awtomatikong mag-archive ng mga app. Para itakda kung paano awtomatikong mag-a-archive ng mga app ang iyong device:

  1. Buksan ang Play Store app .
  2. Pumunta sa Mga Setting at pagkatapos ay Pangkalahatan.
  3. I-on o i-off ang Awtomatikong mag-archive ng mga app.
Mag-delete o maglipat ng mga file

I-delete ang mga na-download na file

Para makatipid sa space, puwede mong i-delete ang mga na-download na file na hindi mo kailangan.

Kopyahin ang mga file sa isang computer

Magagawa mong maglipat ng mga file at folder sa computer gamit ang USB cable, at pagkatapos ay i-delete ang mga ito sa iyong telepono o tablet. Alamin kung paano maglipat ng mga file sa pagitan ng iyong telepono at computer.

Suriin ang memory at magbakante nito

Kadalasang hindi mo kailangang magsara ng mga app. Pero kung hindi tumutugon ang app, puwede mong subukang isara ito o sapilitang ihinto ang app. Alamin kung paano mag-troubleshoot ng mga app na hindi gumagana.

Tip: Kung sa palagay mo ay masyadong malaking memory ang ginagamit ng app, puwede mong i-delete ang app. Alamin kung paano mag-uninstall ng mga app..

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12627825338981865621
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false