Paano ayusin ang mga problema sa Google Play Instant

Tandaan: Sa ngayon, sa ilang device lang available ang Android Instant Apps. 

Puwede kang makahanap ng mga solusyon para sa mga problema sa mga instant app sa pamamagitan ng mga tagubilin sa ibaba. Kung nagkakaroon ka ng isyu sa isang app na naka-install sa iyong device, ilarawan ang isyu mo sa kahon malapit sa itaas ng page kung saan may nakasulat na "maghanap sa Google Play Help Center" para maghanap ng tulong.

Piliin ang isyung mayroon ka

Gusto kong baguhin ang mga setting ng instant app

I-on o i-off ang Google Play Instant

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay General at pagkatapos ay Google Play Instant.
  4. I-on o i-off ang Google Play Instant.

I-clear ang data para sa isang partikular na instant app

Puwede mong i-clear ang data para sa isang instant na app na ginamit mo:

  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting Mga setting.
  2. I-tap ang Mga app at notification na ipapakita sa itaas ang mga kamakailang binuksang app.
  3. Mag-tap sa instant app na gusto mong baguhin ang setting.
  4. I-tap ang I-clear ang app

Tip: Puwede ka ring pumunta sa page ng iyong Account para pamahalaan ang mga app na nakonekta mo sa iyong Google Account. Tandaan na ang anumang impormasyong ibinahagi mo sa developer ay napapailalim sa patakaran sa privacy ng developer, kaya makipag-ugnayan sa developer kung gusto mong pamahalaan ang impormasyong ito.

Nagfi-freeze, nagka-crash, o hindi naglo-load ang isang instant app

Tingnan ang iyong koneksyon sa web

Tingnan kung mayroon kang koneksyon sa WiFi o mobile data na aktibo at gumagana. Ang isang simpleng paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng paghahanap sa web. Mag-click sa link na ito para maghanap sa Google ng mga pusa. Kung makakakita ka ng impormasyon tungkol sa mga pusa, malamang na hindi ang iyong koneksyon sa internet ang isyu. 

Kung hindi gagana ang paghahanap na iyon, posibleng may problema sa pagkakonekta. Subukang ayusin ang iyong mga isyu sa koneksyon.

Subukang i-reload ang app

Pagkatapos mong kumpirmahing gumagana ang iyong koneksyon sa internet, muling mag-click sa link at tingnan kung maglo-load nang maayos ang instant app. 

Gamitin na lang ang web

Kung tiningnan mo ang iyong koneksyon at sinubukan mong i-reload ang app at hindi pa rin ito gumagana, puwede kang pumunta sa iyong content gamit ang isang web browser (tulad ng Chrome o Firefox)

Nagkakaproblema ako sa pagbabayad para sa isang bagay sa isang instant app

Hindi maisagawa ang iyong pagbabayad

Kung nagkakaproblema ka sa pagbabayad para sa isang bagay sa isang instant app, subukan ang mga solusyong ito sa mga karaniwang isyu sa pagbabayad

Gusto kong gumamit ng ibang paraan / opsyon sa pagbabayad

Posibleng hindi available ang lahat ng opsyon sa pagbabayad sa mga instant app Kung gusto mong gumamit ng paraan ng pagbabayad na hindi nakalista kapag nag-check out ka, i-install ang app sa iyong device o gamitin na lang ang web. 

Gusto kong makita ang mga kamakailang ginamit na instant app

Makikita mo kung aling mga instant app ang ginamit mo kamakailan:
  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting Mga setting.
  2. I-tap ang "Mga app at notification" na ipapakita sa itaas ang mga kamakailang binuksang app.
  3. I-tap ang anumang app para makita ang higit pang detalye tungkol sa app. Lalabas din ang mga instant app na ginamit mo sa listahan ng mga kamakailang app sa menu ng pangkalahatang-ideya ng iyong telepono Overview.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16866162202478068906
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false