Gabay para sa Magulang sa Google Play

I-explore ang mga paksa sa ibaba para matuto tungkol sa mga feature para sa mga magulang sa Google Play.

Maghanap ng content para sa mga bata

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store Google Play.
  2. I-tap ang Mga Laro, o Mga App.
  3. Para sa Mga Pelikula at TV, i-tap ang Pampamilya.
  4. Para sa Mga Aklat, i-tap ang Mga Pambatang Aklat.
Matuto pa tungkol sa paghahanap ng pampamilyang content.

Matuto tungkol sa mga feature at kontrol ng Google Play

Maghanap ng pampamilyang content
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store Google Play.
  2. I-tap ang Mga Laro, o Mga App.
  3. Para sa Mga Pelikula at TV, i-tap ang Pampamilya.
  4. Para sa Mga Aklat, i-tap ang Mga Pambatang Aklat.
Matuto pa tungkol sa paghahanap ng pampamilyang content.
Subaybayan ang account ng iyong anak
Puwede mong gamitin ang parental controls para:
  • Awtomatikong i-lock ang screen ng iyong anak para sa oras ng pagtulog.
  • Mag-block ng mga app na ayaw mong ipagamit sa iyong anak.
  • Magtakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit.
  • Aprubahan ang pagbili ng mga bagong app o ang mga in-app na pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.

Mahalaga: Inilalapat lang ang mga setting ng pag-apruba sa pagbili sa mga pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.

Kunin ang Family Link

  • I-download ang Family Link.
  • Magdagdag ng pagsubaybay sa Google Account ng iyong anak o gumawa ng Google Account para sa anak mo.
  • Piliin ang iyong mga setting.
Matuto pa tungkol sa paggawa o pamamahala ng Google Account para sa iyong anak.
Mga ad sa mga Pambatang app

Inaasahang naaayon ang mga ad sa maturity rating ng app o laro. Puwedeng magbago ang paghahatid ng ad sa katagalan, kaya dapat mong tingnan paminsan-minsan kung anong mga uri ng mga ad ang ipinapakita.

Kung makakakita ka ng mga ad na hindi naaangkop sa pangkat ng edad kung para kanino idinisenyo ang app, iulat ang ad sa Google.

Gamitin ang parental controls para paghigpitan ang pang-mature na content

Kung ipinapagamit mo ang iyong Android phone o tablet sa iba, pati na sa mga bata, puwede mong i-on ang parental controls para i-block ang mga pag-download o pagbili ng content ayon sa antas ng maturity ng content. Puwede kang pumili ng iba't ibang setting ng parental controls para sa bawat uri ng content, at para sa bawat device. Inilalapat lang ang mga setting ng pag-apruba sa pagbili sa mga pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.

Matuto pa tungkol sa pag-set up ng parental controls.

Iwasan ang mga hindi sinasadyang pagbili gamit ang proteksyon ng password 

Para maiwasan ang mga hindi sinasadya o hindi kanais-nais na pagbili sa iyong device, kinakailangan ng pag-authenticate bago ang anumang pagbili sa anumang app na available sa seksyong Pambata, kahit madalas ay hindi ka humihingi nito. Inilalapat lang ang mga setting ng pag-apruba sa pagbili sa mga pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.

Matuto pa tungkol sa mga password at pag-authenticate.
Gamitin ang Google Play Family Library

Maibabahagi mo ang mga biniling app, laro, pelikula, palabas sa TV, at aklat mula sa Google Play sa hanggang 5 pang miyembro ng pamilya kapag nag-set up ka ng Google Play Family Library.

Matuto pa tungkol sa family library.
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15438486890581134895
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false