I-personalize ang experience mo sa Google Play Store

Unawain ang iyong personal na experience sa Google Play Store

Para makapagbigay ng content na pinakanauugnay sa iyo, ginagamit ng Google Play ang impormasyon ng aktibidad mo. Kasama sa content na ito ang mga rekomendasyon sa app at libro, alok, at resulta ng paghahanap. Puwede mong kontrolin ang paggamit ng Play sa impormasyong ito.

Gamitin ang Google Play nang walang personal na experience sa Google Play Store

Para gamitin ang Google Play nang walang personal na experience sa Google Play Store:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Pumunta sa Mga kontrol ng aktibidad.
  3. I-off ang Aktibidad sa Web at App.

Matuto pa tungkol sa Aktibidad sa Web at App

Kapag walang personal na experience sa Google Play Store, posibleng hindi masyadong kapaki-pakinabang ang mga rekomendasyon sa app at libro at resulta ng paghahanap mo. Bukod pa rito, posibleng hindi mo makita ang ilang partikular na alok. Puwede pa ring mabago ang iyong experience batay sa pangkalahatang impormasyon, tulad ng kagustuhan mo sa wika o availability ng content sa iyong rehiyon.

Tip: Para matuto pa tungkol sa Aktibidad sa Web at App, bisitahin ang artikulong Hanapin at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18328058185148983325
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false