Mga Quest sa Google Play

Ang quest ay isang serye ng mga hakbang na nagbibigay sa iyo ng reward kapag nakumpleto mo ang lahat ng iyon. Nakalista sa page ng detalye ng quest ang mga kinakailangang hakbang pati ang mga reward na makukuha mo kapag tapos ka na.

Kapag kwalipikado ka para sa isang quest, lalabas ito sa iyong page ng Google Play Points. Sinusubaybayan ng Google Play ang iyong mga aktibidad para maibigay ang tamang reward kapag nakumpleto mo ang isang quest. Pumunta sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Play Points at sa Patakaran sa Privacy ng Google para sa higit pang impormasyon.

Mga Tip:

  • Nakadepende ang mga quest na natatanggap mo sa mga bagay gaya ng iyong status bilang bagong miyembro, level mo sa Play Points, o iba pang gawi.
  • Puwedeng mag-iba ang mga hakbang depende sa mga user.
  • Maliban kung iba ang nakasaad sa page ng quest, puwede mong tapusin ang mga hakbang sa anumang pagkakasunod-sunod na pipiliin mo.
  • Sa ilang quest, kailangang na-on mo ang Aktibidad sa Web at App para masubaybayan ang in-game na aktibidad. Kung io-off mo ang Aktibidad sa Web at App, posibleng maapektuhan ang kakayahan mong makakuha ng mga reward. Matuto pa tungkol sa Aktibidad sa Web at App.
  • Sa ilang quest, kailangan mong mag-sign in gamit ang Google Play para tapusin ang mga hakbang. Kung maglalaro ka nang hindi nagsa-sign in sa iyong profile sa Play Games, puwede nitong maapektuhan ang iyong kakayahang kumpletuhin ang mga quest at makakuha ng mga reward. Matuto pa tungkol sa Play Games.
  • Nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Play Points sa anumang alok o promosyon sa quest.

Mga karaniwang tanong

Ano ang ibig sabihin ng "pagbili"?

Ang anumang transaksyon kung saan nakakakuha ka ng Play Points ay itinuturing na "pagbili" sa mga quest. Kapag bumibili ka ng app o laro, nagbabayad ka para sa subscription, bumibili ka sa isang app, o nagrerenta ka ng aklat o pelikula, itinuturing ang mga transaksyong ito bilang “mga pagbili” na nabibilang sa mga quest. 

Tip: Hindi ka makakakuha ng mga puntos para sa mga pinahabang trial kung hindi ka magbabayad.

Mga Halimbawa

Kapag gumamit ka ng mga puntos para ipagpalit ang isang item, wala kang makukuhang anumang puntos. Kapag gumamit ka ng mga puntos para kumpletuhin ang isang pagbili, hindi ito itinuturing na pagbiling nabibilang sa mga quest.

Kapag bumili ka ng item sa iyong laro o app, makakakuha ka ng mga puntos. Kwalipikado ang in-app na pagbili bilang pagbiling nabibilang sa mga quest.

Kapag nag-renew ka ng iyong subscription sa Play Pass, makakakuha ka ng mga puntos. Itinuturing ang pag-renew ng subscription na ito bilang pagbili na nabibilang sa mga quest.

Paano kung nakansela o na-refund ang ginawa kong pagbili bago ko makumpleto ang quest?
  • Kung nakansela ang iyong pagbili: Hangga't hindi pa kumpleto ang iyong quest, puwede kang gumawa ng isa pang kwalipikadong pagbili at puwede mong tapusin ang campaign.
  • Kung na-refund ang iyong pagbili pagkatapos makumpleto ang quest: Babalik sa hindi kumpletong status ang quest. Puwede mo pa ring kumpletuhin ang quest.
  • Kung nag-claim ka ng reward pero binawi ang isang pagbiling nakakaapekto sa status ng iyong quest: Posibleng bawiin din ang reward ng quest mo.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14269480525170115929
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false