Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-play ang YouTube TV gamit ang iyong speaker o display at Chromecast

Handa ka na bang manood ng content gamit ang iyong Google Nest o Google Home speaker o display at YouTube TV? Alamin kung paano i-set up at gamitin ang YouTube TV sa iyong device. Sa U.S. lang available ang feature na ito.

Tandaan: Kung hindi mo pa nagagawa, tiyaking nag-sign up ka na para sa YouTube TV.

Paano Manood sa YouTube TV Gamit ang Iyong Smart TV o Streaming Device - US Lang

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Hakbang 1. I-set up ang Chromecast at ang iyong speaker o display

  1. I-set up ang Chromecast.
  2. I-set up ang Google Home, Google Nest Mini (2nd gen), Google Home Mini (1st gen), Google Home Max, Google Nest Audio, Google Nest Hub, o Google Nest Hub Max. 

Hakbang 2. I-link ang Chromecast gamit ang Google Home app

Tandaan: Opsyonal ang mga sumusunod na hakbang kung gusto mo lang kontrolin ang iyong TV gamit ang mobile device o tablet mo. Gayunpaman, kung gusto mong kontrolin ang iyong TV gamit ang mga command gamit ang boses sa pamamagitan ng speaker o display mo, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Tiyaking ang telepono o tablet mo ay nakakonekta sa Wi-Fi o naka-link sa account kung saan nakakonekta o naka-link ang iyong speaker, display, Chromecast, o Pixel Tablet.
  2. Buksan ang Google Home app .
  3. I-tap ang iyong account.
  4. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

  5. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  6. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong device.
  7. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Pagkilala at pag-share.
  8. Sa ilalim ng seksyong nagsasaad ng Mga Setting ng Google Assistant, piliin ang iyong preference para sa Mga personal na resulta at Voice Match.

Tandaan: Kung makakatanggap ka ng mensaheng "Nagka-error sa pag-link ng device," dapat mong i-factory reset ang iyong Chromecast device.

Gamitin ang iyong Google Home para makontrol ang YouTube TV | US lang

Hakbang 3. Kontrolin ang YouTube TV gamit ang mga command gamit ang boses

Kapag na-link mo na ang iyong mga device, puwede mo nang simulang gumamit ng mga command gamit ang boses para makontrol ang YouTube TV.

Para magamit ang YouTube TV at ang iyong speaker o display nang sabay, mag-sign in sa iisang Google Account sa YouTube TV at sa device mo.

 

Kung bahagi ka ng isang plan ng pamilya sa YouTube TV o kung may ibang miyembro ng YouTube TV na gumagamit sa iyong speaker o display, tiyaking magsa-sign in ka sa personal mong Google Account sa iyong device para magamit mo ang sarili mong library at mga kagustuhan sa panonood sa YouTube TV. Matuto pa tungkol sa pag-link ng iyong Google Account at ng boses mo sa iyong device.

 

Mga karaniwang command gamit ang boses

Narito ang ilang bagay na puwede mong sabihin sa iyong Google Assistant sa device mo:

Para magawa ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Mag-play ng channel sa live TV "Play MSNBC on YouTube TV (I-play ang MSNBC sa YouTube TV)"

Mag-play ng palabas sa TV
I-play ang pinakabagong episode ng isang palabas sa TV

"Play This Is Us on YouTube TV (I-play ang This is Us sa YouTube TV)"
"Play the latest episode of Grey's Anatomy on YouTube TV (I-play ang pinakabagong episode ng Grey's Anatomy sa YouTube TV)"
Mag-play ng pelikula "I-play ang <movie> sa YouTube TV"
Mag-play ng laro sa sports "Play the <MLB game> on YouTube TV (I-play ang <MLB game> sa YouTube TV)"
"Play the <sports team> game on YouTube TV (I-play ang laro ng <sports team> sa YouTube TV)"
Mag-record ng palabas "Record Empire (I-record ang Empire)"
Mag-pause, magpatuloy, o huminto “Pause (I-pause)"
“Resume (Ituloy)"
“Stop (Ihinto)"
I-off ang mga closed caption "I-off ang mga closed caption"
Mag-rewind o mag-fast forward "Rewind [xx mins yy seconds] (I-rewind nang [xx mins yy seconds])"
"Fast forward [xx mins yy seconds] (I-fast forward nang [xx mins yy seconds])"

Mga tip at trick sa pag-play ng content sa iyong TV

Mag-troubleshoot ng mga command gamit ang boses

Kung nagkakaproblema sa katumpakan ang iyong device, subukang maging mas partikular.

Halimbawa, subukang sabihin ang buong pangalan ng programa, serbisyo ("…on YouTube TV (…sa YouTube TV)"), o ang pangalan ng iyong device, ("…on Chromecast (…sa Chromecast)").

Mga simpleng paraan ng pagkontrol ng media gamit ang iyong boses
Kapag nagsimula kang mag-play ng palabas sa TV o pelikula gamit ang iyong boses, gaya ng "Ok Google, watch This Is Us (Ok Google, panoorin ang This Is Us)," ang TV na iyon ang kokontrolin ng lahat ng susunod mong command sa pagkontrol (i-pause, susunod, atbp.). Hindi mo na kailangang tukuyin ang nasabing TV kapag nagsimula na ang session ng panonood.
Gamitin ang iyong boses para kontrolin ang media na kina-cast mo mula sa iyong telepono o tablet
Kung nagka-cast ka sa isang TV mula sa iyong telepono o tablet, kailangan mong sabihin ang "on [device name] (sa [device name])" (Halimbawa: "Pause the Warriors game on the living room TV (I-pause ang laro ng Warriors sa TV sa sala)"). Kapag natukoy mo na ang device sa unang pagkakataon, hindi mo na kailangang sabihin ulit ang "on the living room TV (sa TV sa sala)."

Kontrolin ang iyong TV kapag may nagpe-play na media sa speaker o display mo

Kapag may nagpe-play na media sa iyong speaker o display kasabay ng remote device mo, ang iyong speaker o display, hindi ang mga remote na device mo, ang kokontrolin ng lahat ng command sa pagkontrol. Para makontrol ang iyong remote device, kailangan mong palaging sabihin ang, "Ok Google, [do X] on [device] (Ok Google, [do X] sa [device])."

Kung gusto mong ihinto ang pag-play ng content sa iyong speaker o display, sabihin ang "Ok Google, stop (Ok Google, ihinto)."
Kung gusto mong simulang kontrolin ang nagpe-play na remote device, dapat mo munang sabihin ang "on [device] (sa [device])" sa susunod na command na gagawin mo sa remote device na ito. Halimbawa: "Ok Google, next video on TV (Ok Google, ang susunod na video sa TV)."
Magpadala ng feedback sa experience na ito
Palagi kaming nagsisikap na pahusayin ang aming mga produkto, at mahalaga sa amin ang iyong feedback. Alamin kung paano magbahagi ng feedback tungkol sa Google Nest o tungkol sa YouTube TV. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17115159482745580408
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false