Mga sinusuportahang mobile device
Available ang mga notification ng control sa media ng Cast sa mga Android device na gumagamit ng Android 6.0 o mas bago. Hindi available ang mga ito sa mga iOS device.
Mga sinusuportahang Cast device
Makakatanggap ka ng mga notification ng control sa media ng Cast kapag nag-play ka ng media gamit ang mga Chromecast, Chromecast Ultra, Chromecast Audio, Google Nest, o Home device, at mga TV at speaker na may Chromecast built-in.
Ang ipinapakita sa mga notification ng control sa media ng Cast
- Pangalan ng device kung saan nagka-cast ka o ang isang taong nakakonekta sa parehong Wi-Fi network.
- Provider ng content.
- Mga control sa media (I-pause , I-mute , Ihinto , at Mga Setting ).
Puwede mong i-off ang mga notification ng control sa media ng Cast sa Mga Setting .
Pansamantalang i-dismiss ang mga notification ng control sa media ng Cast
Para pansamantalang i-dismiss ang paglabas ng notification ng control sa media ng Cast sa kasalukuyang session ng pag-cast, i-swipe lang ito sa iyong telepono.
Tandaan: Lalabas ulit ang notification kung magsisimula kang mag-cast ng content mula sa ibang app na may naka-enable na Chromecast.
I-off ang mga notification ng control sa media ng Cast para sa iyong device
Para pigilang makontrol ng ibang nasa Wi-Fi network mo ang iyong pag-cast ng media, puwede mong i-off ang mga notification ng control sa media ng Cast sa iyong Chromecast o sa speaker o display mo.
- Buksan ang Google Home app .
- Pindutin nang matagal ang tile ng iyong device i-tap ang Mga Setting Pagkilala at pagbabahagi.
- I-off ang Payagan ang iba na kontrolin ang iyong media ng cast.
I-off ang mga notification ng control sa media ng Cast sa iyong telepono
Para permanenteng i-off ang mga notification ng control sa media ng Cast para hindi na ito lumabas sa iyong telepono, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
Opsyon 1:
- Sa notification, i-tap ang, i-tap ang Mga Setting .
- I-off ang Ipakita ang mga notification ng remote control .
Opsyon 2:
-
Sa iyong telepono, i-tap ang Mga Setting .
-
I-tap ang Google Mga device at pagbabahagi Mga opsyon ng Cast I-off Mga control sa media para sa mga Cast device.
Para i-on ulit ang mga notification, i-on ang Mga control sa media para sa mga Cast device.