Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mag-play ng media sa maraming Google device

Gamit ang kontrol sa multi-room, makakapag-play ka ng musika o iba pang media sa anumang kumbinasyon ng mga Google Nest o Home speaker at display, Google Pixel Tablet, o Chromecast device. Binibigyang-daan ka ng feature na ito na mag-play ng musika sa maraming device o maglipat ng media sa grupo ng speaker na ginawa mo.

Kasama sa mga compatible na device ang mga sumusunod:

  • Mga Speaker: Nest Audio, Google Home, Google Nest Mini (2nd gen), Google Home Mini (1st gen), Google Home Max
  • Mga Display: Nest Hub, Nest Hub (2nd gen), Nest Hub Max
  • Nest Wifi point
  • Chromecast na may Google TV, Chromecast, Chromecast Ultra, Chromecast Audio
  • Google Pixel Tablet (Hub mode lang)

Magdagdag ng device sa pag-playback

Mula sa iyong Nest display

  1. Sa iyong Nest display, kapag nagpe-play ang media, i-tap ang Mag-cast sa aktibong media card.
  2. I-tap ang bawat device na gusto mong idagdag. Magkakaroon ng check ang lahat ng napiling device Check.

Mula sa Google Home app

Kapag may nagpe-play na musika o iba pang media:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa mini-player, i-tap ang I-cast .
  4. I-tap ang bawat device na gusto mong idagdag. May check ang lahat ng napiling device Check.
    • Ipapakita ang anumang compatible na device na naka-link sa iyong account o sa Wi-Fi network mo.

Mag-alis ng device sa pag-playback

Mula sa iyong Nest display

Tandaan: Kailangan mo munang mag-play ng media sa maraming device para magawa mong mag-alis ng device sa pag-playback.

  1. Sa iyong Nest display, i-tap ang I-cast sa aktibong media card.
  2. I-tap ang device na gusto mong alisin. Hihinto kaagad ang pag-play ng media sa device na iyon.

Mula sa Google Home app

Tandaan: Kailangan mo munang mag-play ng media sa maraming device para magawa mong mag-alis ng device sa pag-playback.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa mini-player, i-tap ang I-cast.
    • Ipapakita ang anumang compatible na device na naka-link sa iyong account o sa Wi-Fi network mo.
  4. I-tap ang device na gusto mong alisin. Hihinto kaagad ang pag-play ng audio sa device na iyon.

Maglipat ng media sa mga grupo ng speaker

Puwede kang gumawa ng mga pre-set na grupo ng speaker para mabilis na mag-play ng media sa isang grupo ng mga device. Puwede ka ring pumili ng anumang kumbinasyon ng mga device gamit ang mini-player sa Google Home app.

Mula sa iyong Nest display

Puwede mong ilipat ang iyong session anumang oras sa isang grupo ng speaker na nagawa mo na. Matuto pa tungkol sa kung paano gumawa ng grupo ng speaker.

  1. Sa iyong Nest display, i-tap ang I-cast sa aktibong media card.
  2. I-tap ang grupo ng speaker kung saan mo gustong maglipat. Magsisimulang mag-play ang media sa grupong iyon ng mga device.

Mula sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa mini-player, i-tap ang I-cast .
    • Ipapakita ang anumang compatible na device na naka-link sa iyong account o sa Wi-Fi network mo.
  4. I-tap ang pangalan ng grupo ng speaker o ang pangalan ng bawat device na gusto mong idagdag. May check ang lahat ng napiling device Check.

Kontrolin ang volume ng mga aktibong device

Tandaan: Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagkontrol ng mga speaker at display na sabay-sabay nagpe-play, pumunta sa Gumawa at mamahala ng mga grupo ng speaker.

Mula sa iyong Nest display

  1. Sa iyong Nest display, i-tap ang I-cast sa aktibong media card.
  2. I-adjust ang volume ng iyong mga device. Tandaan: Magkakaroon ng slider para sa pagkontrol ng volume ang mga aktibong device.

Mula sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa mini-player, i-tap ang I-cast .
    • Ipapakita ang anumang compatible na device na naka-link sa iyong account o sa Wi-Fi network mo.
  4. I-tap ang mini-player. I-adjust ang volume ng anumang aktibong device. Tandaan: Magkakaroon ng slider para sa pagkontrol ng volume ang mga aktibong device.

Paggamit ng mga command gamit ang boses

Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay "Set volume to 5 (Itakda ang volume sa 5)" o "Set volume to 40% (Itakda ang volume sa 40%)."

Mga kaugnay na artikulo

Gumawa at mamahala ng mga pangkat ng speaker
Maglipat ng media mula sa isang cast device papunta sa isa pa

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13994365393789695697
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false