[UA] Mangolekta ng data ng campaign gamit ang mga custom na URL

Magdagdag ng mga parameter sa mga URL para matukoy ang mga campaign na nagre-refer ng trapiko.

Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga parameter ng campaign sa mga destination URL na ginagamit mo sa iyong mga campaign ng ad, puwede kang mangolekta ng impormasyon tungkol sa pangkalahatang husay ng mga campaign na iyon, at puwede mo ring maunawaan kung saan mas epektibo ang mga campaign. Halimbawa, maaaring kumikita nang malaki ang iyong campaign na Sale sa Tag-init, ngunit kung pinapagana mo ang campaign sa iba't ibang social app, gusto mong malaman kung alin sa mga iyon ang nagdadala sa iyo ng mga customer na naghahatid ng pinakamalaking kita. O kung nagpapagana ka ng iba't ibang bersyon ng campaign sa pamamagitan ng email, mga video ad, at mga in-app ad, maaari mong paghambingin ang mga resulta upang makita kung saan pinakaepektibo ang iyong marketing.

Kapag nag-click ang isang user sa isang referral link, ipapadala sa Analytics ang mga parameter na idaragdag mo, at available sa mga ulat sa Mga Campaign ang kaugnay na data.

Sa artikulong ito:

Mga Parameter

May 5 parameter na maaari mong idagdag sa iyong mga URL:

  • utm_source: Tukuyin ang advertiser, site, publication, atbp. na nagpapadala ng trapiko sa iyong property, halimbawa: google, newsletter4, billboard.
  • utm_medium: Ang medium ng pag-advertise o marketing, halimbawa: cpc, banner, newsletter sa email.
  • utm_campaign: Ang indibidwal na pangalan ng campaign, slogan, promo code, atbp. para sa isang produkto.
  • utm_term: Tukuyin ang mga keyword ng bayad na paghahanap. Kung manu-mano kang nagta-tag ng mga bayad na campaign ng keyword, dapat mo ring gamitin ang utm_term upang tukuyin ang keyword.
  • utm_content: Ginagamit upang tukuyin ang pagkakaiba ng magkakatulad na content, o mga link na nasa parehong ad. Halimbawa, kung mayroon kang dalawang link ng call-to-action na nasa iisang mensahe sa email, maaari mong gamitin ang utm_content at maaari kang magtakda ng magkakaibang value para sa bawat isa upang iyong matukoy kung aling bersyon ang mas epektibo.

Ang bawat parameter ay dapat ipares sa isang value na iyong itatalaga. Naglalaman ang bawat pares ng parameter-value ng impormasyong nauugnay sa campaign.

Halimbawa, maaaring gamitin mo ang mga sumusunod na pares ng parameter at value para sa iyong campaign na Sale sa Tag-init:

  • utm_source = summer-mailer para tukuyin ang trapikong nagmumula sa iyong campaign na Sale sa Tag-init
  • utm_medium = email para tukuyin ang trapikong mula sa iyong campaign sa email vs. in-app na campaign
  • utm_campaign = summer-sale para tukuyin ang pangkalahatang campaign

Kung ginamit mo ang mga parameter na ito, ang custom na URL ng iyong campaign ay magiging:

https://www.example.com/?utm_source=summer-mailer&utm_medium=email&utm_campaign=summer-sale

Kapag nagdagdag ka ng mga parameter sa isang URL, dapat mong gamitin palagi ang utm_source, utm_medium, at utm_campaign.

Opsyonal ang utm_term at utm_content.

Ang utm_ naman ay ang kinakailangang prefix para sa mga parameter na ito.

Paano mag-set up ng mga custom na campaign

Puwede kang manual na magdagdag ng mga parameter at value sa iyong mga URL, o puwede mong gamitin ang isa sa mga tool ng tagabuo ng URL na partikular sa platform para gawin ang iyong mga URL at idagdag ang mga parameter.

Mahalaga: Kung nag-a-advertise ka ng Android app, gamitin ang Tagabuo ng URL ng Google Play. Kung nag-a-advertise ka ng iOS app, gamitin ang Tagabuo ng Tracking URL ng Campaign sa iOS. Kung hindi, dapat mong gamitin ang Tagabuo ng URL ng Campaign sa Google Analytics.

Manual na pag-set up

Kung gusto mong manual na i-set up ang iyong mga custom na campaign, tiyaking ihihiwalay mo ang mga parameter mula sa URL gamit ang isang tandang pananong. Ilista ang mga parameter at value bilang mga pares na pinaghihiwalay ng isang equal na simbolo. Paghiwalayin ang bawat pares ng parameter-value gamit ang isang ampersand. Halimbawa:

https://www.example.com/?utm_source=email_campaign&utm_medium=email&utm_campaign=summer-sale

Maaari kang magdagdag ng mga parameter sa isang URL sa anumang pagkakasunud-sunod. Tandaan na case sensitive ang Analytics, kaya iba ang utm_source=google sa utm_source=Google. Nalalapat ang case sensitivity para sa bawat value na tutukuyin mo.

Sumangguni sa Mga campaign at source ng trapiko para sa teknikal na pangkalahatang-ideya.

Mga Halimbawang URL

  • http://www.example.com/?utm_source=exampleblog&utm_medium=referral&utm_campaign=summer-sale
  • http://www.example.com/?utm_source=newsletter1&utm_medium=email&utm_campaign=summer-sale
  • http://www.example.com/?utm_source=newsletter1&utm_medium=email&utm_campaign=summer-sale&utm_content=toplink

Tumingin ng data ng custom na campaign

Para makita ang mga ulat sa Mga Campaign:

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. Mag-navigate sa iyong view.
  3. Buksan ang Mga Ulat.
  4. Piliin ang Pagkuha > Mga Campaign.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11761863615915679061
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false