[GA4] Istruktura ng Google Analytics account

Tingnan ang mga halimbawa ng mga pag-set up ng Google Analytics account at property at alamin ang mga prinsipyo para sa pag-aayos ng iyong account at mga property

Sa Universal Analytics, ginagamit mo ang mga view para gumawa ng magkakahiwalay na koleksyon ng data, gaya ng mga paghihiwalay ayon sa geography, paghihiwalay ayon sa hanay ng negosyo, atbp. Sa Google Analytics 4, walang view at magagawa mo ang ganitong uri ng paghihiwalay ng data sa ibang paraan. Ang granularity ng paghihiwa-hiwalay mo ng iyong data at kung paano mo kokontrolin ang pag-access dito ay nakadepende sa (1) iyong mga pangangailangan at (2) kung gumagamit ka ng karaniwang Google Analytics o Google Analytics 360.

Ang artikulong ito ay para sa pag-istruktura ng malalaking account ng negosyo. Kung namamahala ka ng account para sa maliit o katamtamang laking negosyo, posibleng hindi mo na kailangang isaalang-alang ang istruktura ing iyong account.

Halimbawa ng mga pag-set up ng Google Analytics account

Negosyong may isang website

 

May isang website at isang Google Ads account ang negosyong ito. Hindi kailangang paghiwalayin ng negosyo ang data ayon sa rehiyon o linya ng negosyo. 

Istruktura ng Karaniwang Google Analytics account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa website
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data. Kung may app din ang negosyo, isang hiwalay na stream ng data para sa app.

Mga inilapat na prinsipyo

Istruktura Dahilan

Isang Analytics account.

Kung mayroon nang Analytics account, hindi na kailangang gumawa ng bago.

Ang data ay pagmamay-ari ng isang entity sa isang lokasyon.

Isang property sa Google Analytics 4 na may isang stream ng data (sa web).

Ginagawang available ng isang property ang data para sa bawat aspeto ng site sa isang lugar.

Puwedeng gumawa ang marketing team ng mga audience mula sa anumang cross section ng data ng site.

Mauunawaan ng mga analyst ang cross-device na paggamit, at kung kailangan ba ng pang-mobile na site o app.

Isang Google Ads account na naka-link sa property sa Google Analytics 4.

Puwedeng mag-export ang marketing team ng mga audience sa Google Ads para sa remarketing at paghahanap ng mga bagong customer.

 

Pang-edukasyong institusyon/negosyo

 

May isang website at isang Google Ads account ang organisasyong ito.

Mga kinakailangan sa negosyo

Kailangang matugunan ng istruktura ng account ang mga sumusunod na kinakailangan:

  • Sinusuri ng mga estudyante ang mga iniaalok na kurso, nagpaparehistro sila para sa mga kurso, at ginagawa at pinapamahalaan nila ang mga gawain sa kurso online.
  • Kailangang makagawa ang marketing team ng mga audience para sa remarketing at paghahanap ng mga bagong customer.
  • Gustong maunawaan ng mga analyst ang cross-device na paggamit at kung kailangan ng pang-mobile na site o app.

Istruktura ng Karaniwang Google Analytics account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa bawat lohikal na user base (pang-institusyong site).
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa pang-institusyong website.

Mga inilapat na prinsipyo

Istruktura Dahilan

Isang Analytics account.

Kung mayroon nang Analytics account, hindi na kailangang gumawa ng bago.

Ang data ay pagmamay-ari ng isang entity sa isang lokasyon.

Isang property sa Google Analytics 4 na may isang stream ng data (sa web).

Ginagawang available ng isang property ang data para sa bawat aspeto ng site sa isang lugar.

Puwedeng gumawa ang marketing team ng mga audience mula sa anumang cross section ng data ng site.

Mauunawaan ng mga analyst ang cross-device na paggamit, at kung kailangan ba ng pang-mobile na site o app.

Isang Google Ads account na naka-link sa property sa Google Analytics 4.

Puwedeng mag-export ang marketing team ng mga audience sa Google Ads para sa remarketing at paghahanap ng mga bagong customer.

 

Ecommerce retailer na nasa iba't ibang heograpikong lokasyon na nagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng web at app

 

Ang umbrella corporation na ito ay maraming heograpikong lokasyon at may sariling entity ng negosyo ang bawat rehiyon. Ang bawat rehiyon ay may sariling website, marketing team, at Google Ads account. May app din ang umbrella corporation (na available para sa iOS at Android).

Mga kinakailangan sa negosyo

Kailangang matugunan ng istruktura ng account ang mga sumusunod na kinakailangan:

  • Ang umbrella corporation ay kailangang magkaroon ng pangkalahatang view ng data mula sa lahat ng entity ng negosyo.
  • Hindi kailangan ng bawat entity ng negosyo na maging legal na may-ari ng data nito.
  • Gustong maunawaan ng bawat entity ng negosyo kung paano nagpapalipat-lipat ang user sa website at app.
  • Kailangang paghiwa-hiwalayin ng bawat entity ng negosyo ang data nito.
  • Ginagamit ng marketing team para sa bawat entity ng negosyo ang pag-link ng Google Ads at Analytics para gumawa at magbahagi ng mga audience, at ginagamit nito ang mga audience para sa pag-bid sa Google Ads.

Istruktura ng Karaniwang Google Analytics account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa isang lohikal na user base
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa website. Isang stream ng data para sa bawat bersyon ng app.

Istruktura ng Google Analytics 360 account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa isang lohikal na user base
  • Mga Subproperty: Isang subproperty para sa bawat entity ng negosyo na may pangangailangang maghiwa-hiwalay ng data
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa website. Isang stream ng data para sa bawat bersyon ng app.

Mga inilapat na prinsipyo

Istruktura Dahilan

Isang Analytics account.

Kung mayroon nang Analytics account, hindi na kailangang gumawa ng bago.

Legal na pagmamay-ari ng umbrella corporation ang data para sa lahat ng entity ng negosyo.

Isang property sa Google Analytics 4.

Sa pamamagitan ng isang property na may mga stream ng data para sa web at app, puwedeng maisama sa mga parehong ulat ang lahat ng data.

Puwede mong pagsama-samahin ang data para sa mga site at app gaya ng kinakailangan para makita kung paano nagpapalipat-lipat ang mga user sa dalawa. Ang umbrella corporation ay may pinag-isang view ng lahat ng data, at puwede nitong paghambingin ang data sa iba't ibang entity ng negosyo.

Isang subproperty para sa bawat panrehiyong team (360)

Ang bawat panrehiyong entity ay may sarili nitong subproperty na may pinaghiwa-hiwalay na data. Ang umbrella corporation ay may pinag-isang view ng lahat ng data sa source property at puwede nitong paghambingin ang data sa iba't ibang entity ng negosyo.

Isang stream ng data na pinagsasama-sama ang lahat ng website ng panrehiyong entity ng negosyo.

Gumamit ng isang stream ng data sa web para sa maraming domain.

Isang proyekto sa Firebase para sa mga pagpapatupad ng app sa Android at iOS. Naka-link sa property sa Google Analytics 4 ang proyekto sa Firebase.

Isang stream ng data bawat isa para sa bersyon ng app sa iOS at Android (ibig sabihin, dalawang stream ng data).

Dahil sa hiwalay na stream ng data para sa bawat pagpapatupad ng app, posibleng paghiwalayin ang data sa iOS at Android.

 

Naka-link sa property (karaniwan) ang bawat Google Ads account.

Sa bawat Google Ads account na naka-link sa isang property, available ang mga audience mula sa property sa bawat Google Ads account para sa pag-bid.

Opsyonal: Naka-link ang bawat Google Ads account sa naaangkop na subproperty (360)

Sa bawat Google Ads account na naka-link sa naaangkop na subproperty nito, available ang mga audience mula sa property sa bawat Google Ads account para sa pag-bid.

 

Pandaigdigang game developer na maraming laro sa Play Store at App Store

 

Ang negosyong ito ay may isang pandaigdigang website ng brand at hiwalay na site ng marketing para sa bawat pamagat ng laro. Nagbebenta ito ng maraming pamagat ng laro sa Play Store at App Store.

Mga kinakailangan sa negosyo

Kailangang matugunan ng istruktura ng account ang mga sumusunod na kinakailangan:

  • Mangolekta ng data mula sa first party mula sa mga website at app para gumawa ng mga audience at pagbatayan ng pagbili ng media.
  • Hiwalay na environment para sa pag-develop, pag-stage, at produksyon ng bawat laro.

Istruktura ng Karaniwang Google Analytics account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa bawat lohikal na user base (pandaigdigang site ng brand; site ng marketing at app ng bawat pamagat ng laro).
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa website ng pandaigdigang brand. Isang stream ng data para sa bawat site ng marketing, at isa para sa bawat katumbas na bersyon ng app.

Istruktura ng Google Analytics 360 account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa bawat lohikal na user base (pandaigdigang site ng brand; site ng marketing at app ng bawat pamagat ng laro).
  • Roll-up property: Isang roll-up property na nagsasama-sama ng data mula sa lahat ng magkakahiwalay na source property para sa pangkalahatang pananaw
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa website ng pandaigdigang brand. Isang stream ng data para sa bawat site ng marketing, at isa para sa bawat katumbas na bersyon ng app.

Mga inilapat na prinsipyo

Istruktura Dahilan

Isang Analytics account.

Kung mayroon nang Analytics account, hindi na kailangang gumawa ng bago.

Pinagsasama-sama ang mga property sa isang account na pagmamay-ari ng isang legal na entity.

Isang property sa Google Analytics 4 para sa site ng pandaigdigang brand, na may isang stream ng data (sa web).

Hiwalay na pagsukat sa site ng pandaigdigang brand.

Isang property sa Google Analytics 4 para sa site ng marketing at app ng bawat pamagat ng laro. Bawat property ay may isang stream ng data (sa web), isang stream ng data (ng app) sa iOS, at isang stream ng data (ng app) sa Android.

Kinokolekta sa parehong property ang data mula sa bawat site ng marketing at kaugnay na app.

Ginagamit ang kaugnay na data ng site at app para gumawa ng mga audience at pagbatayan ng pagbili ng media.

Isang proyekto sa Firebase para sa bawat laro. Naka-link ang bawat proyekto sa kaugnay na property. Kasama sa bawat proyekto sa Firebase ang bersyon ng laro sa pag-develop, pag-stage, at produksyon.

Gumagawa ng hiwalay na environment para sa pag-develop, pag-stage, at produksyon ng bawat laro ang hiwalay na proyekto sa Firebase para sa bawat laro.

Opsyonal: Hiwalay na proyekto sa Firebase para sa bawat bersyon ng laro o para sa isang kumbinasyon ng mga bersyon, halimbawa, isang proyekto para sa bersyon sa pag-develop, at isa pang proyekto para sa mga bersyon sa pag-stage at produksyon.

Puwede mo pang i-subdivide ang mga indibidwal na environment ng laro ayon sa proyekto, pero nangangailangan ito ng mas maraming property kung gusto mong sukatin ang bersyon ng laro na nauugnay sa proyektong iyon.

Opsyonal: Roll-up property. Nagfi-feed ang bawat source property sa isang roll-up property na nagbibigay ng pangkalahatang pananaw sa web at app.

Puwede mo pang i-subdivide ang mga indibidwal na environment ng laro ayon sa proyekto, pero nangangailangan ito ng mas maraming property kung gusto mong sukatin ang bersyon ng laro na nauugnay sa proyektong iyon.

 

Pambansang kumpanya ng insurance na maraming independent na subsidiary (buhay, kalusugan, mga may-ari ng bahay, sasakyan)

 

Ang negosyong ito ay may isang pangkorporasyong website para magbigay ng impormasyon sa mga kliyente at para bumuo ng mga lead na nangangailangan ng offline na pakikipag-ugnayan para maisapinal ang mga kontrata (hal., telepono, mail, point-of-sale). May sariling website, hiwalay na marketing team, at sariling Google Ads account ang bawat subsidiary.

May app din ang isang subsidiary (sasakyan).

Mga kinakailangan sa negosyo

Kailangang matugunan ng istruktura ng account ang mga sumusunod na kinakailangan:

  • Ang data ay pagmamay-ari ng isang entity ng negosyo sa isang lokasyon.
  • Kailangang maging available para sa pagsusuri ang data mula sa pangkorporasyong site para mapahusay ang pagbuo ng lead at pag-optimize ng content.
  • Kailangang paghiwa-hiwalayin ng bawat subsidiary ang data nito para makagawa ang kaugnay na marketing team ng mga audience, at masubaybayan nito ang mga conversion na nauugnay sa isang Google Ads account.

Istruktura ng Karaniwang Google Analytics account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa bawat lohikal na user base (pangkorporasyong site; site at app ng bawat subsidiary).
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa pangkorporasyong website. Isang stream ng data para sa site ng bawat subsidiary, at isa para sa bawat katumbas na bersyon ng app.

Istruktura ng Google Analytics 360 account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa lahat ng site at app (pangkorporasyong site; site at app ng bawat subsidiary).
  • Mga Subproperty: Isang subproperty para sa bawat lohikal na user base (pangkorporasyong site; site at app ng bawat subsidiary).
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa pangkorporasyong website. Isang stream ng data para sa site ng bawat subsidiary, at isa para sa bawat katumbas na bersyon ng app.

Mga inilapat na prinsipyo

Istruktura Dahilan

Isang Analytics account.

Kung mayroon nang Analytics account, hindi na kailangang gumawa ng bago.

Ang data ay pagmamay-ari ng isang entity ng negosyo sa isang lokasyon.

Isang property sa Google Analytics 4 na may isang stream ng data (ng web) para sa pangkorporasyong website (karaniwang account)

Ginagawang available ng isang property at stream ng data para sa pangkorporasyong website ang data na iyon para sa pagsusuri para mapahusay ang pagbuo ng lead at pag-optimize ng content.

Para sa bawat website ng subsidiary: (karaniwang account)

Isang property sa Google Analytics 4 na may isang stream ng data (ng web).

Nangangailangan din ng stream ng data (ng Android app) ang property ng subsidiary ng insurance ng sasakyan.

Pinaghihiwalay ng isang property at stream ng data para sa site ng bawat subsidiary ang data ng bawat site sa isa't isa.

Magiging available sa parehong property ang data ng app at web ng subsidiary na insurance ng sasakyan.

Isang property sa Google Analytics 4 na may isang stream ng data (ng web) para sa lahat ng website (pangkorporasyon at subsidiary). (360)

Ginagawa ng available ng isang source property at stream ng data para sa lahat ng website ang data na iyon para sa pagsusuri para pahusayin ang pagbuo ng lead at pag-optimize ng content. Nagbibigay-daan din ito para makabuo ng mga subproperty mula sa source property.

Mga subproperty para sa bawat subsidiary at pangkorporasyong website

Puwedeng gumawa ng subproperty para i-filter ang bawat lohikal na kumbinasyon ng data (pangkorporasyong website o site ng subsidiary) sa sarili nitong view ng data.

Isang proyekto sa Firebase para sa Android app ng subsidiary ng insurance ng sasakyan.

Ang proyekto sa Firebase ay naka-link sa property ng subsidiary ng insurance ng sasakyan (karaniwang account) o source property (360 account).

Gumagawa ng hiwalay na environment para sa pag-develop ng app ang proyekto sa Firebase para sa app ng insurance ng sasakyan.

Kapag ni-link ang proyekto sa Firebase sa property ng insurance ng sasakyan, magiging available sa parehong property ang data sa app at web (gayundin para sa source property para sa mga 360 account).

Naka-link ang mga katumbas na Google Ads account at property ng subsidiary (mga karaniwang account) o subproperty (360 account).

Dahil naka-link ang Google Ads account para sa bawat subsidiary sa katumbas na property, available ang mga audience mula sa mga property sa mga kaugnay na Google Ads account, at available ang data ng conversion mula sa mga Google Ads account sa mga kaugnay na property sa Google Analytics 4.

 

Kumpanya ng pagbiyahe na maraming brand na tumatakbo sa maraming bansa

 

Ang kumpanyang ito ay maraming brand, na bawat isa ay may pang-desktop na website, pang-mobile na site, at app. May sariling marketing team at mga account sa pag-advertise ang bawat brand.

Mga kinakailangan sa negosyo

Kailangang matugunan ng istruktura ng account ang mga sumusunod na kinakailangan:

  • Kailangang suriin ang data ayon sa bansa.
  • Kailangan ng bawat marketing team na bumuo ng mga sarili nitong audience at mag-attribute ng mga conversion sa mga naka-link na account sa pag-advertise nito.

Istruktura ng Karaniwang Google Analytics account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa bawat lohikal na user base (pangkorporasyong site; site at app ng bawat brand).
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa pangkorporasyong website. Isang stream ng data para sa bawat site ng brand, at isa para sa bawat katumbas na bersyon ng app.

Istruktura ng Google Analytics 360 account

  • Account: Isang account. Ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity.
  • Property: Isang property para sa bawat lohikal na user base (pangkorporasyong site; site at app ng bawat brand).
  • Roll-up property: Isang roll-up property para tingnan ang lahat ng entity at heograpikong data set nang sama-sama.
  • Mga stream ng data: Isang stream ng data para sa pangkorporasyong website. Isang stream ng data para sa bawat site ng brand, at isa para sa bawat katumbas na bersyon ng app.

Mga inilapat na prinsipyo

Istruktura Dahilan

Isang Analytics account.

Kung mayroon nang Analytics account, hindi na kailangang gumawa ng bago.

Ang data ay pagmamay-ari ng isang entity ng negosyo.

Isang property sa Google Analytics 4 sa bawat brand, na bawat isa ay may:

  • Isang stream ng data (sa web) para sa website ng brand
  • Isang stream ng data (ng app) para sa bawat bersyon ng app ng brand (Android, iOS)

Nagbibigay-daan ang isang property sa bawat brand sa:

  • Pagsusuri ayon sa brand at bansa
  • Pagbuo ng mga audience mula sa user base na partikular sa brand at partikular sa bansa
  • Pag-attribute ng mga conversion sa mga naka-link na account sa pag-advertise

Nagbibigay-daan ang mga indibidwal na stream ng data para sa bawat platform sa pagsusuri ng data na kasama ang lahat, naghahambing, o indibidwal, at para sa pagbuo ng mga audience na nakatuon sa platform.

Isang roll-up property na nagsasama-sama ng lahat ng property ng brand sa iisang lugar (mga 360 account)

Ang isang roll-up property na kinabibilangan ng lahat ng kasamang source property ay nagbibigay-daan sa pangkalahatang pagtingin sa data sa antas ng institusyon.

Naka-link sa mga kaugnay na property ang mga Google Ads, Display & Video 360, at Search Ads 360 account na partikular sa brand.

Kailangan ng bawat marketing team na bumuo ng mga sarili nitong audience at mag-attribute ng mga conversion sa mga naka-link na ads account.

 

Pinalawak na gabay at reference

Ang iba pang bahagi ng gabay na ito ay nagbibigay ng detalyadong impormasyon para sa mga negosyong higit pa sa mga halimbawa sa seksyon sa itaas ang mga pangangailangan. Partikular na nauugnay ang pinalawak na gabay na ito kung isa kang customer ng Google Analytics 360.

Talaan ng nilalaman:

Mga konsepto at kahulugan

Kung inaaral mo ang mga property sa Google Analytics 4, baka makatulong sa iyo ang mga artikulo at video na ito:

  • Account: Isang koleksyon ng mga property na ang data ay pagmamay-ari ng isang legal na entity at nasasaklawan ng mga tuntunin ng serbisyo (terms of service o TOS) na partikular sa rehiyon.
    Mahalaga ba na ang data mula sa bawat rehiyon ay pagmamay-ari ng isang natatanging legal na entity sa rehiyong iyon?
    • Oo: Gumawa ng maraming account, isa sa bawat rehiyon.
    • Hindi: Gumawa ng isang account sa rehiyon kung nasaan ang headquarters ng iyong kumpanya.
  • Property: Nasa isang account, at kumakatawan sa data para sa isang user base. Kung dapat sama-samang suriin sa pangkalahatan ang data (hanay ng produkto, brand, application), ang data ay dapat nasa isang property (na puwedeng magsilbing source property kung may Google Analytics 360 ka.)
    Nauugnay ba sa isang lohikal na user base ang kokolektahin mong data? Kapag na-link mo ang Analytics sa ibang produkto, gusto mo bang ibahagi ang lahat ng data sa bawat produkto?
    • Oo: Gumawa ng isang property.
    • Hindi: Gumawa ng hiwalay na property o subproperty para sa bawat lohikal na user base.
  • Stream ng data: Nasa isang property, at ang source ng data mula sa isang app o website. Ang pinakamahusay na kagawian ay gumamit ng maximum na 3 stream ng data sa bawat property: 1 isang stream ng data ng web para masukat ang karanasan ng user sa web at 1 stream ng data ng app bawat isa para sa iOS at Android.
    • Stream ng data ng app: Puwede kang magkaroon ng isang stream ng data para sa bawat kumbinasyon ng pangalan ng app-package at platform.
    • Stream ng data ng web: Sa maraming kaso, dapat kang gumamit ng iisang stream ng data sa web para sukatin ang mga hakbang ng user sa web. Para matiyak na hindi maiiba ang pag-uulat sa user at session para sa mga hakbang sa web na umaabot sa maraming domain, gumamit ng iisang stream ng data ng web kasama ng cross-domain na pagsukat.

Pinakamahuhusay na kagawian

Nakalaan ang sumusunod na pinakamahuhusay na kagawian at rekomendasyon para talakayin ang maraming iba't ibang user at sitwasyon ng paggamit. Posibleng may mga edge case kung saan hindi nalalapat ang gabay na ito o kailangan itong iangkop sa mga partikular na sitwasyon.

Sa pangkalahatan, dapat kang mag-set up ng isang account bawat kumpanya at isang property bawat brand o unit ng negosyo (kung ipagpapalagay na ang iyong mga brand at unit ng negosyo ay mga natatangi/naiibang tumatakbong entity na may magkakahiwalay na stakeholder/grupo ng analyst).

Halimbawa A

  • Parent na Kumpanya A: 1 account 
    • Brand X (automotive): 1 property
    • Brand Y (mga produktong pambahay): 1 property
    • Brand Z (consumer electronics): 1 property

Sa ganitong sitwasyon, ang parent na kumpanya ay may isang account at tatlong natatanging property, kung saan ang bawat property ay naglalaman ng data na sa brand/negosyo lang na iyon nauugnay. 

Halimbawa B

  • Kumpanyang enterprise B: 1 account
    • Hanay ng produkto D (insurance ng bahay): 1 property
    • Hanay ng produkto E (insurance ng kotse): kapareho ng property ng D
    • Hanay ng produkto F (life insurance): kapareho ng property ng D at E

Sa ganitong sitwasyon, pinili ng enterprise na ipadala ng lahat ng hanay ng negosyo ang data ng mga ito sa iisang property. Posibleng may mga customer ang mga ito na regular na gumagamit ng maraming produkto, o madalas na gumagamit ng mga upsell o cross-sell campaign sa pagitan ng mga produkto, kaya makabuluhang makita ang lahat ng data na iyon nang sama-sama. Puwedeng magsilbing source property ang property na ito sa mga subproperty para sa indibidwal na pagsusuri ng hanay ng produkto (tingnan sa ibaba).  

Halimbawa C

  • Maliit na negosyo C (hal. Deli ni Joe): 1 account
    • Lahat ng produkto (mga karneng pang-deli, sandwich, inumin, atbp.): 1 property

Sa halimbawang ito, ang Deli ni Joe ay isang maliit na negosyo at hindi ito nangangailangan ng maraming property. Sama-sama nitong sinusuri ang lahat ng data nito para sa online na negosyo nito ng delivery ng deli, dahil kadalasan, hindi lang isang produkto ang binibili ng mga customer at walang iba't ibang hanay ng negosyo ang Deli ni Joe. Makabuluhang magkaroon ng iisang property para sa lahat ng data nito.

Mga stream ng data

Bawat source property ay may mga stream ng data mula sa isang app at/o website na nagbibigay ng papasok na data. Samakatuwid, ang isang stream ng data ay isa lang website o app na nagpapadala ng data sa isang partikular na property sa GA4.

Inirerekomenda naming:

  • 1 stream ng data ng web sa bawat property
  • 1 stream ng data ng iOS sa bawat property
  • 1 stream ng data ng Android sa bawat property
Sa isang property sa GA4 lang puwedeng i-link ang bawat stream ng data ng app, kaya isaalang-alang ito habang nagpapasya ka kung aling mga stream ang ili-link sa isang property.
Ang mga stream ng data ay hindi katumbas ng mga view sa Universal Analytics at hindi dapat gamitin para maghiwalay ng data. Kapag ginawa mo iyon, malilimitahan ang kakayahan mong mag-ugnay ng mga user sa iba't ibang stream ng data, dahil ang bawat stream ng ay isang hiwalay na koleksyong source ng data. Puwede itong humantong sa inflation ng data dahil hindi puwedeng i-dedupe ang mga user, depende sa paggamit mo ng Google Signals o sa iyong sariling naka-log in na status/user-ID.

Pag-integrate sa Search Console

Puwede kang mag-link ng property sa GA4 sa Search Console. Magdadala ito ng maraming bagong data sa Google Analytics, gaya ng Mga Query sa Paghahanap mula sa Organic na Google Search, at mga dimensyon para sa pag-uulat, gaya ng Landing Page.

Kailangan mong magpasya kung aling property ang dapat ma-link sa kung aling property sa Search Console. Kung gumagamit ka ng mga subproperty at roll-up property, kakailanganin mong pumili kung magli-link sa source property, subproperty, o roll-up property.

Ang pag-set up ng pag-link sa pagitan ng iyong property sa GA4 at property mo sa Search Console ay isang madali at diretsahang proseso na magagawa sa page ng Admin ng GA4. Tandaan na kakailanganin mong maging na-verify na administrator ng site sa property sa Search Console at magkaroon ng tungkuling Administrator sa property sa Google Analytics 4 para ma-set up mo ang pag-link.

I-customize kung anong mga ulat ang nakikita

Binibigyan ka ng mga property sa Google Analytics 4 ng ganap na kontrol sa kung anong mga ulat ang ipapakita, sa mga sukatan at dimensyong kasama sa mga ulat na iyon, at sa mga graph sa iyong mga ulat. Puwede kang mag-set up ng isang buong koleksyon ng ulat na may kaugnayan lang sa isang partikular na grupo, halimbawa, ang Marketing team (pero tandaan, hindi mo puwedeng paghigpitan ang access sa mga koleksyong ito; makikita ang mga ito ng lahat ng user ng property). Magbibigay-daan ito sa iyong i-customize ang GA4 nang sa gayon ay ang mga pinakanauugnay na ulat ang una mong makikita o ang pinakamadaling i-access, nang hindi kinakailangang isa-isahin ang mga ulat na baka hindi mo kailangan.

Halimbawa ng koleksyon ng ulat ng Marketing Team:

Halimbawang koleksyon ng ulat ng marketing team

Puwede mong i-customize ang mga partikular na ulat sa bawat koleksyon. Halimbawa, karamihan ng mga ulat sa talahanayan ay may sukatang “Kabuuang Kita” na lumalabas sa karaniwang configuration ng ulat. Mainam ito kung isa kang negosyong ecommerce na nagpapadala ng data ng kita at gusto mo itong masuri ng iyong mga team. Gayunpaman, kung wala kang data ng kita na iuulat sa Google Analytics, magpapakita ang column na ito ng $0.00 na halaga para sa bawat row. Kung hindi ito nauugnay na sukatan para sa iyong negosyo, puwede mo itong alisin para linisin ang iyong mga ulat.

Ulat sa mga event na may sukatang Kabuuang Kita:

Ulat sa mga event na may sukatang Kabuuang Kita

Interface para sa pag-edit (i-click ang “X” sa tabi ng sukatan para alisin ito):

Interface para sa pag-edit ng event - i-click ang X sa tabi ng sukatan para alisin ito

Ilapat at i-save nang walang sukatang “Kabuuang Kita”:

Na-save ang event nang walang sukatang "Kabuuang Kita"

Mas malinis na ngayon ang ulat na ito para sa isang negosyong walang data ng kita (o ayaw magpakita nito) sa Google Analytics.

Pinakamahuhusay na kagawian sa data-hygiene

Bukod pa sa pag-filter ng iyong mga ulat para magsama o huwag magsama ng partikular na data, tingnan nang mabuti ang data hygiene, kung saan kabilang ang hindi pagsasama sa trapiko ng internal na IP, hindi pagsasama ng mga hindi gustong referral, at pagtiyak na naka-set up nang maayos ang cross-domain na pagsukat.

Huwag isama ang trapiko ng internal na IP

Ang pag-aalis ng trapiko ng internal na IP sa iyong mga set ng data ay puwedeng maging mahalagang hakbang sa pag-set up para sa maraming negosyong nakakakita ng maraming trapiko ng empleyado sa kanilang website, halimbawa, isang support technician na madalas magbigay ng mga artikulo sa help center mula sa website ng kanilang kumpanya habang nakikipagtulungan sa isang customer. Tinitiyak nito na hindi ginugulo ng mga empleyado ng iyong kumpanya (mga internal na user) ang data ng analytics mo na dapat mag-ulat tungkol sa mga sitwasyon ng paggamit ng mga external na customer. Isa na ito ngayong naka-preset na filter sa GA4:

Interface ng paggawa ng panuntunan sa external na trapiko

Alisin ang mga hindi gustong referral

Isa pang aspeto ng pinakamahuhusay na kagawian ng data-hygiene na dapat isasaalang-alang ay ang pagbubukod ng hindi gustong trapiko ng referral. Nagbibigay-daan ito sa iyo para hindi maisama sa iyong data ng produksyon ang data mula sa ilang partikular na source ng referral sa pamamagitan ng pagpapanatili ng event, pero pagbalewala sa referrer para hindi maapektuhan ang attribution ng trapiko. Muli, isa na itong naka-predefine na configuration sa GA4:

Interface para sa paglilista ng mga hindi gustong referral

Mag-set up ng pagsubaybay na cross-domain

Bilang panghuli, noon pa man, isa nang pangkaraniwang isyu para sa mga user ng Google Analytics ang pangangasiwa sa cross-domain na trapiko. Dati, kailangan mong mag-set up ng cross-domain na pagsubaybay sa pamamagitan ng Google Tag Manager o ng iyong TMS, o sa pamamagitan ng pag-hard code nito sa site mo. Nangailangan ito ng dagdag na trabaho na hindi palaging posible para sa mga user ng Google Analytics, kaya naman madalas itong humantong sa mga isyu sa kalinisan ng data na nagpapakita ng bago o lumaking bilang ng session at mga referral mula sa sarili mong mga pagmamay-aring domain. Pinapadali ng Google Analytics 4 ang pag-set up nito sa user interface para makatulong na pahusayin ang kalinisan ng iyong data:

I-configure ang interface ng iyong mga domain

Mga pagbabagong anyo ng data

Sa Universal Analytics, pinapangasiwaan ang mga pagbabagong-anyo ng data bilang bahagi ng configuration ng filter. Halimbawa, pagpuwersa sa lahat ng value para sa isang partikular na dimensyon, gaya ng utm_campaign, na maging lower case. Puwede na ngayon itong pangasiwaan sa pamamagitan ng paggawa at pagbabago ng event sa mga property sa Google Analytics 4.

Halimbawa, ipagpalagay nating natuklasan mo na dalawang beses ipinadala sa iyong property sa GA4 ang isang partikular na event, pero sa dalawang magkaibang paraan. Baka ipinapadala sa GA4 ang event na “start_now” na humahantong sa isang pangunahing pagkilos sa iyong website, sa maraming paraan (“start_now” at “startNow”), dahil lumalabas ito sa ilang iba't ibang lugar sa website mo na binuo ng magkakaibang team na nag-code ng mga bagay-bagay sa magkakaibang paraan nang hindi sinasadya. Sa kasamaang palad, ito ay isang karaniwang sitwasyon na puwedeng makaapekto sa kalidad ng iyong data, pero puwede mo na ito ngayong itama sa pamamagitan ng paggawa at pagbabago ng mga event sa user interface.

Interface ng event

Para ayusin ang isyung ito, i-click ang Baguhin ang event sa seksyong I-configure ng iyong property sa GA4.

Button sa pagbabago ng event sa seksyong I-configure

Makakarating ka sa screen na ito kung saan mo puwedeng tukuyin ang mga pagbabagong gusto mong gawin. Sa ganitong sitwasyon, pipiliin mo kung aling event na Magsimula Na ang gusto mong panatilihin, at pipiliin mong baguhin ang isa pa para tumugma rito. Ipinapakita ng halimbawa sa ibaba na mababago ang anumang event na may pangalang “startNow” para maging “start_now” ang pangalan ng event. Pagsasamahin nito ang dalawang pangalan ng event na ito sa iisang pangalan sa hinaharap; magiging mas malinis tingnan ang iyong mga ulat dahil sa iisang row para sa event na ito.

Interface para sa pagbabago ng event

Mga pahintulot ng user at mga tungkulin ng user

Nagpapakilala ang mga property sa Google Analytics 4 ng naka-streamline at mas mahusay na functionality ng mga tungkulin at paghihigpit. Kasama na ngayon sa mga karaniwang tungkulin ang mga sumusunod:

  • Administrator: isang taong may kumpletong kontrol sa account
  • Editor: isang taong may kumpletong access sa pag-edit sa data at mga setting pero hindi puwedeng mamahala ng mga user
  • Analyst: isang taong puwedeng gumawa at mag-edit ng mga nakabahaging asset bukod pa sa pagtingin ng data at mga configuration
  • Viewer: isang taong nakakakita ng data ng ulat at mga setting ng configuration

Bukod pa rito, idinaragdag ng mga property sa GA4 ang kakayahang itago ang data ng gastos at kita sa interface ng pag-uulat batay sa isang nakatalagang tungkulin ng paghihigpit ng data na “Walang Sukatan ng Gastos” o “Walang Sukatan ng Kita.” Isa itong kapaki-pakinabang na dagdag sa mga pahintulot ng user para makatulong na protektahan ang sensitibong data ng negosyo habang nagbibigay ng access sa data ng site at gawi sa ilang partikular na audience.

Paalala tungkol sa mga paghihigpit sa gastos at kita: Hindi gagana ang mga filter ng sukatan sa isang audience na nagpapakita ng data ng kita. Dagdag pa rito, makikita pa rin ng mga user na may mga ganitong paghihigpit ang mga bilang ng event ng pagbili. Kaya kung nag-aalala ka na baka makakita ka ng mga bilang ng event para sa data ng pagbili, kakailanganin mong pag-isipang gumamit ng subproperty para sa ganitong sitwasyon ng paggamit.

Interface ng mga direktang tungkulin at paghihigpit sa data

Mga feature na partikular sa 360: mga subproperty at roll-up property

Mga Subproperty

Ang mga subproperty ay isang bagong uri ng property sa Google Analytics 4 na available sa mga Google Analytics 360 account. Nagbibigay-daan ang mga ito sa iyo na gumawa ng subset ng data na nasa isang source property. Pinapalitan ng mga subproperty ang pangangailangan para sa mga view. Halimbawa, puwede kang gumawa ng subproperty na may subset ng data na nasa iyong source property, at magbigay sa ilang partikular na user ng access sa subproperty lang na iyon. Dagdag pa rito, nagbibigay ang mga subproperty ng mga kakayahan kaugnay ng kalinisan ng data, pamamahala ng data, pamamahala ng user, at pamamahala ng feature na lubos na nagpapalaki ng benepisyo ng paggamit ng GA4 para sa mas malalaking negosyo at enterprise.

Puwede kang gumawa ng subproperty mula sa anumang source property, pero hindi ka puwedeng gumawa ng subproperty mula sa isang roll-up property. Ang mga subproperty ay may isa-sa-isang kaugnayan sa isang source property.

May karagdagang gastos ang mga subproperty para sa mga customer ng 360. Tingnan sa ibaba ang Mga pagsasaalang-alang sa gastos para sa higit pang impormasyon.

Pamamahala ng data

Isa sa pinakamalalaking sitwasyon ng paggamit para sa mga subproperty ay pamamahala ng data - ang pagkontrol kung anong data ang kasama o hindi kasama sa isang property. Sa mga subproperty, makakapag-filter ka ng data para maisama o hindi maisama para magawa ang set ng data na kailangan para sa isang partikular na audience o sitwasyon ng paggamit. Nagbibigay-daan ito sa mas mahusay na pag-aayos ng iyong data para mas madali itong ma-access ng ilang partikular na audience.

Isa itong karaniwang paggamit ng mga view sa Universal Analytics, halimbawa, paggawa ng view para lang sa iyong trapiko mula sa North America, o paggawa ng view para sa data ng Marketing website. Kung paghihiwalayin ang mga set ng data na ito, mas mabilis at mas madaling maa-access ng bawat grupo ang impormasyon ng mga ito, kahit na nagawa rin sana nila iyon sa pamamagitan ng kaunti pang pag-filter sa source property. Sa mga subproperty, magagawa mo ito gamit ang mga filter sa pag-import at pag-export mula sa isang source property papunta sa isang subproperty para sa mga ganitong uri ng sitwasyon ng paggamit.

Puwedeng i-filter ang data sa isang subproperty gamit ang anumang event o custom na dimensyon na nakolekta sa source property.

Pamamahala ng user

Isa pang sitwasyon ng paggamit para sa mga subproperty ang mga pangangailangan sa pamamahala ng user. Isang halimbawa nito ang kung mayroon kang mahihigpit na patakaran sa kumpanya na nagsasaad na makikita ng isang rehiyon (halimbawa, ang North America) ang isang partikular na subset ng data na nauugnay sa rehiyon nito, pero hindi dapat magkaroon ng anumang access sa data ang isa pang rehiyon (halimbawa, South America). Gamit ang mga subproperty, puwede mong paghigpitan ang data para sa bawat rehiyon sa sarili nitong property para hindi magkaroon ng access sa labas ng naaangkop na rehiyon.

Naaangkop din ang ganitong pag-iisip sa mga hanay ng negosyo na kailangang panatilihing hiwalay ang data nila para sa sarili nilang mga pangangailangan sa pagpapatakbo, o kahit sa paghihiwalay ng data sa pagitan ng site ng marketing at ng karanasan sa produkto kung may mga dahilan ang iyong kumpanya kung bakit hindi dapat makita ng isang team ang data ng isa pang team.

Kung hindi mo kailangang paghigpitan ang access sa data, pero kailangan mo lang maituro ang isang partikular na subset ng mga user sa ilang partikular na set ng data, baka mas magandang solusyon ang pag-customize ng ulat at mga koleksyon ng ulat. Halimbawa, puwede kang gumawa ng koleksyon ng mga ulat na partikular na iniakma sa marketing team para mas madali silang makapag-navigate sa data na nauugnay sa kanila. Nakakatulong ang mga feature na ito na isaayos ang data sa isang madaling i-access na format para sa mga partikular na audience at walang karagdagang gastos ang mga ito.

Mga roll-up property

Ang isang roll-up property ay naglalaman ng data mula sa dalawa o higit pang property. Puwedeng kasama sa roll-up property ang data mula sa mga ordinaryong property at subproperty, pero hindi puwede rito ang data mula sa iba pang roll-up property. Nagbibigay ang mga ito ng mas malawak na view ng isang negosyo sa iba't ibang produkto, brand, o rehiyon sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng data mula sa maraming property na nasa iisang account. Sinusuportahan ng mga roll-up property sa GA4 at UA ang mga katulad na sitwasyon ng paggamit.

Gumagana ang mga roll-up property nang halos katulad ng anupamang property. May sariling quota ang bawat roll-up property para sa mga custom na dimensyon, custom na sukatan, property ng user, at higit pa. Kinokontrol ang lahat ng setting mula sa roll-up property (hindi nakukuha ng mga roll-up property ang mga setting mula sa mga source property ng mga ito), at partikular ang mga ito sa mga pangangailangan ng roll-up property at roll-up user base.

May karagdagang gastos ang mga roll-up property para sa mga customer ng 360. Tingnan sa ibaba ang Mga pagsasaalang-alang sa gastos para sa higit pang impormasyon.

Mga pagsasaalang-alang sa gastos

Ipinoproseso ulit ang bawat event na ipinapadala sa isang subproperty o roll-up property, na nagkakaroon ng karagdagang gastos sa 360 account. Sinisingil ang bawat karagdagang hit ng event sa kalahati ng rate ng unang hit ng event. Sa madaling salita, 0.5 ng isang hit ng event ang halaga ng bawat subproperty o roll-up property.

Para matulungan kang mas maunawaan kung paano posibleng makaapekto ang setup mo sa iyong pagsingil, puwede kang gumamit ng bagong feature na tinatawag na “Preview ng Bill,” na available sa Mga Certified Partner ng Google Analytics para matulungan ang mga customer nila na mas maunawaan ang mga potensyal na gastos sa GA4 360.

Mga halimbawang may mga subproperty at roll-up property

Kung babalikan natin ang ilan sa ating mga halimbawa mula sa umpisa ng gabay na ito, makikita natin kung ano ang hitsura ng mga sitwasyong ito mula sa pananaw ng pag-set up.

Kumpanyang enterprise na may ilang katugmang hanay ng negosyo

  • Kumpanyang enterprise B: 1 account
    • Hanay ng produkto D (insurance ng bahay): 1 property
    • Hanay ng produkto E (insurance ng kotse): kapareho ng property ng D
    • Hanay ng produkto F (life insurance): kapareho ng property ng D at E

Sa ganitong sitwasyon, ang kumpanyang enterprise ay may 1 account na may 1 source property. Bagama't may iba't ibang hanay ng negosyo na posibleng kailangang hiwalay na magsuri ng data, magkakatugma ang mga produkto at kadalasang kailangang magsuri ng maraming produkto nang sama-sama, kaya nagpasya itong ipadala ang lahat ng data ng produkto sa iisang source property. Gayunpaman, kailangang hiwalay na masuri ng mga partikular na team ng produkto ang kanilang data. Dahil sa mataas na trapiko sa pangkalahatang property, nagpasya silang gumawa ng mga subproperty para sa bawat hanay ng negosyo.

Diagram ng source property na may 3 sub-property

 

Parent na kumpanya na may ilang brand

  • Parent na kumpanya: 1 account
    • Brand X (automotive): 1 property
    • Brand Y (mga produktong pambahay): 1 property
    • Brand Z (consumer electronics): 1 property

Sa ganitong sitwasyon, ang parent na kumpanya ay may 1 account na may 3 source property, isa para sa bawat brand. Hiwalay na tumatakbo ang bawat indibidwal na brand at kailangan nitong hiwalay na suriin ang data nito, kaya may sariling source property ang bawat isa sa mga ito. Gayunpaman, gustong makita ng parent na kumpanya na naka-roll up sa iisang property ang lahat ng brand nito para maunawaan nito nang mabuti ang kabuuang mga user, kabuuang kita, at higit pa. Sa ganitong sitwasyon, gagawa ang parent na kumpanya ng roll-up property kung saan ang lahat ng 3 brand property ay mga source para sa roll-up. Magbibigay ito rito ng pangkalahatang view na kailangan nito, habang nagbibigay-daan para manatiling hiwalay sa isa't isa ang mga brand.

Diagram ng parent na kumpanya na may 3 brand

 

Idetalye natin ang halimbawang ito. Ang parent na kumpanyang ito ay may loyalty rewards program na sumasaklaw sa lahat ng indibidwal na brand nito. Kapag may user na lumahok sa loyalty program nito, mayroon siyang natatanging rewards ID na puwede nating iugnay sa user bilang property ng user at/o bilang parameter sa bawat event.

Gumagawa ang rewards team sa antas ng parent na kumpanya, at kailangan nilang makita ang data para sa mga kalahok sa loyalty program sa lahat ng brand nang sama-sama sa iisang property. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang kumbinasyon ng mga subproperty at roll-up property para magkaroon ang rewards team ng sarili nilang set ng data na magagamit. Gagawa ang bawat source property ng subproperty na may data para lang sa mga kalahok sa rewards, at pagkatapos ay ipu-push lahat ang tatlong subproperty sa isang roll-up property para sa data ng rewards.

Diagram na nagpapakita ng dalawang roll-up property

 

Pandaigdigang enterprise na may mga rehiyon at subregion

Sa ganitong sitwasyon, ang pandaigdigang enterprise account ay may 3 panrehiyong roll-up subproperty na bawat isa ay may 2 source subproperty. 

Diagram na nagpapakita ng pandaigdigang roll-up property na may 3 panrehiyong roll-up property

Pag-link: Google Ads, SA360, at DV360

Sa mga property sa Google Analytics 4, may ilang pagpapahusay sa pag-link ng Ads, gayunpaman, ganoon pa rin ang katuwiran. Puwede mong i-link ang iyong Google Ads account sa property mo sa Google Analytics 4 para makapagbahagi ng mga audience at istatistika ng site sa Google Ads at makinabang sa data ng pag-uulat sa Google Ads na nasa iyong property sa GA4. Nasa antas ng property sa Google Analytics ang pag-link sa isang Ads account. Puwede kang mag-link ng source property, subproperty, o roll-up property.

Isang mahalagang pagbabago mula sa Universal Analytics papunta sa Google Analytics 4 na dapat tandaan: Sa Universal Analytics, kailangan mong piliin ang bawat Ads account kung saan mag-e-export ng audience, na may maximum na 10. Sa mga property sa GA4, magbabahagi ka ng indibidwal na audience sa lahat ng naka-link na account. Sa pagbabagong ito, nagiging di-hamak na mas madali ang pagbabahagi, pero dapat ibahagi mo ang lahat ng audience o huwag kang magbahagi ng kahit ano, kaya tandaan iyon habang binubuo mo ang iyong mga audience sa Google Analytics 4.

Kapag na-link mo ang iyong property sa GA4 at Google Ads account sa isa't isa, makakakita ka ng mga istatistika ng site sa Google Ads. Nag-e-export ang feature na ito ng data ng pakikipag-ugnayan ayon sa gawi mula sa Google Analytics papunta mismo sa user interface ng Google Ads. Bagama't makakapag-set up ka ng pag-link sa anumang uri ng property, inirerekomenda naming mag-link ka lang sa source property o sa subproperty (pero hindi sa dalawa): iniiwasan nito ang dobleng pagbibilang na mangyayari kung nag-link ka sa isang source property at sa isang subproperty.

Puwedeng magbahagi ng mga audience mula sa anumang uri ng property sa GA4 (ibig sabihin, ordinaryong property, subproperty, or roll-up property) sa Google Ads, pero tandaan na ang audience mula sa isang subproperty o isang roll-up ay magkakaroon ng ibang data kaysa sa source (ordinaryong) property, dahil sa pag-filter o maraming set ng data. Mahalaga itong tandaan kapag gumagamit ng pag-target ng audience sa Google Ads.

Gayundin, nakasalalay ang mga conversion sa uri ng naka-link na property. Hindi mo gugustuhing i-import ang parehong uri ng conversion mula sa isang source property, subproperty, at roll-up property, kaya ang rekomendasyon ng pinakamahusay na kagawian ay i-link sa Google Ads ang source property sa GA at i-export lang ang iyong mga conversion mula sa source. Posibleng isang pagbubukod dito kung mayroon kang mga Ads account na partikular sa rehiyon, na posibleng sa antas ng subproperty mo kailangang i-link.

Dinadala ang data mula sa Google Ads papunta sa isang property sa Google Analytics 4 sa oras ng pag-query. Tinitiyak nito na palaging ang pinaka-up-to-date na data ang tinitingnan mo at iniiwasan nito ang pag-duplicate o pagsasama-sama sa iba't ibang subproperty at roll-up.

Search Ads 360

Sa inisyal na paglulunsad nito, susuportahan ng pag-integrate sa SA360 ang pag-inherit ng data mula sa source property papunta sa isang subproperty o roll-up property. Ibig sabihin nito, kung itatakda ang pag-link sa source property, makakatanggap ng data ang subproperty o roll-up property mula sa SA360, pero hindi puwedeng kontrolin ng subproperty o roll-up ang pag-link mismo.

Isang mahalagang pagbabago mula sa mga property sa Universal Analytics papunta sa mga property sa Google Analytics 4 na dapat tandaan: Sa Universal Analytics, kailangan mong piliin ang bawat account kung saan mag-e-export ng audience, na may maximum na 10. Sa mga property sa Google Analytics 4, magbabahagi ka ng indibidwal na audience sa lahat ng naka-link na account. Sa pagbabagong ito, nagiging di-hamak na mas madali ang pagbabahagi, pero dapat ibahagi mo ang lahat ng audience o huwag kang magbahagi ng kahit ano. Tandaan ito habang binubuo mo ang iyong mga audience sa Google Analytics 4.

Display and Video 360

Sa inisyal na paglulunsad nito, susuportahan ng pag-integrate sa DV360 ang pag-inherit ng data mula sa source property papunta sa isang subproperty o roll-up property. Ibig sabihin nito, kung itatakda ang pag-link sa source property, makakatanggap ng data ang subproperty o roll-up property mula sa DV360, pero hindi puwedeng kontrolin ng subproperty o roll-up ang pag-link mismo.

Isang mahalagang pagbabago mula sa mga property sa Universal Analytics papunta sa mga property sa Google Analytics 4 na dapat tandaan: Sa Universal Analytics, kailangan mong piliin ang bawat account kung saan mag-e-export ng audience, na may maximum na 10. Sa mga property sa Google Analytics 4, magbabahagi ka ng indibidwal na audience sa lahat ng naka-link na account. Sa pagbabagong ito, nagiging di-hamak na mas madali ang pagbabahagi, pero dapat ibahagi mo ang lahat ng audience o huwag kang magbahagi ng kahit ano. Tandaan ito habang binubuo mo ang iyong mga audience sa Google Analytics 4.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13250712597347028390
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false