[GA4] Mag-edit / mag-delete ng mga account, property, at stream ng data sa Google Analytics account.

Tuklasin kung paano magdagdag, mag-delete, gumawa, at mamahala ng mga property, account, at stream ng data sa iyong Google Analytics account.
Kailangan mo ang tungkuling Editor para mag-edit at mag-delete ng mga account, property, at stream ng data sa isang Google Analytics account.
Sa artikulong ito:

Mag-edit ng account

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Account, i-click ang Mga detalye ng account.
  2. Baguhin ang pangalan ng account, bansa ng negosyo, at mga opsyon sa pagbabahagi ng data at Pag-amyenda sa Pagproseso ng Data ayon sa kinakailangan.
  3. I-click ang I-save.

Mag-edit ng property

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Property, i-click ang Mga detalye ng property.
  2. Baguhin ang alinman sa mga setting na ito (Matuto pa tungkol sa mga setting ng property):
    • Pangalan ng property
    • Kategorya ng industriya
    • Time zone ng pag-uulat
    • Currency
  3. I-click ang I-save.

Mag-edit ng subproperty o roll-up property

Sa pangkalahatan, ie-edit mo ang mga subproperty at roll-up property gamit ang paraang inilarawan sa itaas, bagama't may ilang pagkakaiba:

Mag-edit ng stream ng data (mga property sa Google Analytics 4)

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Pangongolekta at pagbago ng data, i-click ang Mga stream ng data.
  2. I-click ang pangalan ng stream ng data na gusto mong i-edit. Ipapakita ang screen ng mga detalye ng stream

I-edit ang pangalan o URL ng stream ng data (web)

Mula sa screen ng mga detalye ng stream, puwede mong baguhin ang pangalan o URL ng stream ng data ng web.

  1. I-click ang icon sa pag-edit  sa kanang sulok sa itaas ng screen ng Mga detalye ng web stream.
  2. Ilagay ang bagong pangalan para sa stream ng data sa field na Pangalan ng stream.
  3. Para i-update ang URL ng Website, piliin ang protocol (http o https) at ilagay ang bagong domain at path ng URL.
  4. I-click ang I-update ang stream para i-save ang iyong mga pagbabago.

I-edit ang mga property at setting ng stream ng data

Puwede mo ring gamitin ang mga sumusunod na pagkilos na nauugnay sa stream ng data:

Mag-delete ng account

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Account, i-click ang Mga detalye ng account.
  2. I-click ang Ilipat sa Trash Can.

Mag-delete ng property

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Property, i-click ang Mga detalye ng property.
  2. I-click ang Ilipat sa Trash Can.

Mag-delete ng subproperty o roll-up property

May mga karagdagang salik na kailangan mong isaalang-alang kapag na-delete mo ang mga subproperty at roll-up property.

Matuto pa tungkol sa pag-delete ng mga subproperty

Matuto pa tungkol sa pag-delete ng mga roll-up property

Mag-delete ng stream ng data (mga property sa Google Analytics 4)

Kung magde-delete ka ng stream ng data:

  • Hindi mo ito puwedeng i-undelete (i-recover).
  • Hindi na gagana ang anumang pag-integrate ng produkto na umaasa sa stream ng data na iyon (hal., Big Query Export).
  • Hindi maaapektuhan ang parehong stream ng data ng app na ginamit sa isang proyekto sa Firebase na naka-link sa Google Analytics 4.
  1. Sa Admin, sa ilalim ng Pangongolekta at pagbago ng data, i-click ang Stream ng data.
  2. I-click ang row para sa stream ng data.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa > I-delete ang stream.

Kung gumagamit ka ng mga nakakonektang tag ng site

Kung gumagamit ka ng mga nakakonektang tag ng site sa isang stream ng data ng web na gusto mong i-delete, alisin ang mga nakakonektang tag ng site bago mo i-delete ang stream ng data. Mga Tagubilin

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12560403839842180228
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false