Mag-troubleshoot ng mga isyu sa tag gamit ang Diagnostics ng Tag

Maghanap at mag-ayos ng mga isyu sa mga tag ng iyong website gamit ang Diagnostics ng Tag
Experiment icon for Gradual feature rollout  Unti-unting paglulunsad ng feature: Unti-unting inilulunsad ang feature na ito at posibleng hindi pa ito available sa iyong account.

Puwede mong gamitin ang tool na Diagnostics ng Tag para maghanap at mag-ayos ng mga isyu sa mga tag ng iyong website, para matiyak na tumpak ang pangongolekta mo ng data. Puwede mong i-access ang tool na Diagnostics ng Tag mula sa mga seksyon ng Google tag sa Google Ads at Google Analytics, at sa pamamagitan ng Google Tag Manager.

Buksan ang tool na Diagnostics ng Tag

  1. Buksan ang mga setting ng Google tag.
    Nasaan ang mga setting ng Google tag?
  2. Sa mga setting ng Google tag, pumunta sa subsection na Kalidad ng tag ng seksyong Iyong Google tag.
  3. Tingnan ang status ng kalidad ng tag, pagkatapos ay mag-click para hanapin at ayusin ang mga na-detect na isyu sa tag.

Mga status ng kalidad ng tag

Ipinapakita ng tool na Diagnostics ng Tag ang mga sumusunod na status ng kalidad ng tag para i-highlight ang mga na-detect na isyu, ang lala ng mga ito, at kung paano ayusin ang mga ito. Kapag nag-ayos ka ng isyu, mag-a-update ang status para ipakita ang gumandang kalidad ng tag.

Napakahusay

Ang ibig sabihin ng Napakahusay ay walang isyung na-detect sa Google tag. Wala kang makikitang anumang isyu para sa status na ito ng kalidad ng data dahil itinuturing na ganap na naka-optimize ang iyong mga tag. Gayunpaman, siguraduhing patuloy na tingnan ang status ng kalidad ng tag dahil posibleng magbago ang status kapag may mga bagong isyu na na-detect.

Mahusay

Ang ibig sabihin ng mahusay ay walang isyung na-detect sa Google tag, pero nagbigay kami ng kahit isang rekomendasyon para mapaganda ang kalidad ng iyong tag.

Nangangailangan ng atensyon

Ang ibig sabihin ng nangangailangan ng atensyon ay may isyu sa Google tag na nangangailangan ng iyong atensyon. Dapat ayusin ang isyu, pero hindi kritikal ang isyu.

Mahalaga

Ang ibig sabihin ng mahalaga ay may mahalagang isyu na na-detect sa Google tag na dapat mong ayusin agad para mapanatili ang pagsukat.

Mga Diagnostic

Puwede naming ipakita sa iyo ang isa o higit pa sa mga sumusunod na diagnostic para matulungan kang tumukoy ng mga isyu sa setup ng pag-tag mo:

  • May mga karagdagang domain na na-detect para sa configuration: Kung marami kang domain bilang bahagi ng path ng user papuntang conversion (halimbawa, may customer na napunta sa Domain A, pagkatapos ay nag-navigate sa Domain B para mag-convert), posibleng kailangan mong ilagay ang iyong mga karagdagang domain sa configuration mo para matiyak na mahusay ang iyong mga tag at magpapakita ang mga ito ng tumpak na data.
  • Mali ang pagkakasunod-sunod ng command ng config: Lumalabas ang diagnostic na ito kung ang iyong mga command ng event ng gtag ay nauuna kaysa sa iyong mga command ng config ng gtag. Puwede itong magresulta sa hindi inaasahang gawi habang niruruta at pinoproseso ang mga event na iyon.
  • Mali ang pagkakasunod-sunod ng pag-install ng consent mode: Ang ilan sa iyong mga web page ay posibleng naglo-load ng mga command ng consent mode sa maling pagkakasunod-sunod. Posibleng magpadala ito ng mga hindi tumpak na signal ng pahintulot.
  • Walang linker ng conversion: Lumalabas ang diagnostic na ito kapag mayroon kang Floodlight at/o Google Ads tag, pero hindi ka nagdagdag ng tag ng linker ng conversion sa iyong container ng Google Tag Manager.
  • Hindi naka-tag ang ilan sa iyong mga page: Sasabihin namin sa iyo kapag hindi naka-tag ang mga page sa website mo, na puwedeng makaapekto sa performance ng iyong pagsukat. Kapag nangyari ito, ipapakita ng Buod ng sakop ng tag ang mga hindi naka-tag na page para matulungan kang hanapin at ayusin ang mga hindi naka-tag na page.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3349607582201448379
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false