[UA→GA4] Ano'ng nangyayari sa Google Analytics?

Kung nakatanggap ka kamakailan ng email na malapit nang ihinto ang Universal Analytics at hindi ka sigurado kung ano ang kailangan mong gawin, para sa iyo ang artikulong ito.

O kaya, kung mas gusto mo ang format na video para matuto, panoorin ang video ng mga pangunahing kaalaman sa pag-migrate:

Not yet migrated to the new Google Analytics? Simple steps to get started.

Sa artikulong ito:

Bakit ako nakatanggap ng email tungkol sa Universal Analytics?

May property ka sa Universal Analytics

Nakatanggap ka ng email tungkol sa Universal Analytics dahil nakalista ang iyong email address bilang user ng isang property sa Universal Analytics, na isang uri ng property sa Google Analytics. Posibleng hindi ikaw ang gumawa ng property at idinagdag ka ng taong gumawa nito o ng iba pang tao sa iyong organisasyon.

Ano ang property sa Universal Analytics?

Ang Universal Analytics ay isang uri ng property sa Google Analytics. Kung nagsimula kang gumamit ng Google Analytics bago ang 2020, at hindi ka pa nagma-migrate, malamang na property sa Universal Analytics ang ginagamit mo.

Para balikan, sinusukat ng Google Analytics ang trapiko sa website para gumawa ng mga ulat. Nagdagdag ka o ang isa pang taong namamahala sa iyong website ng maikling code sa website na nagpapadala ng impormasyon sa Google Analytics. Nasa isang property sa Google Analytics ang lahat ng data ng pagsukat para sa iyong website at naglalaman ito ng mga ulat na nakabatay sa data na iyon.

May dalawang uri ng mga property sa Google Analytics: ang Google Analytics 4 at Universal Analytics. Google Analytics 4 (GA4) ang pinakabagong bersyon. Universal Analytics ang nakaraang bersyon. Simula noong Hulyo 1, 2023, huminto na sa pagpoproseso ng bagong data ang mga karaniwang property sa Universal Analytics.

Bakit ako dapat mag-migrate?

Pinalitan ng Google Analytics 4 ang Universal Analytics

Simula noong Hulyo 1, 2023, huminto na sa pagpoproseso ng data ang mga property sa Universal Analytics. Hindi na sinusukat ng mga ito ang trapiko sa website at huminto na sa pag-update ang mga ulat. Kung gusto mong patuloy na gamitin ang Google Analytics para sukatin ang trapiko sa iyong website, dapat kang mag-migrate sa susunod na bersyon ng Analytics, ang Google Analytics 4.

Kung wala kang gagawin, awtomatikong gagawa ng bagong property sa GA4 para sa iyo, at kokopyahin sa bagong property sa GA4 ang mga configuration mo sa Universal Analytics. Hindi lahat ng configuration sa Universal Analytics ay may halatang katumbas sa GA4. Bilang resulta, posibleng hindi kumpletong kopya ng lahat ng iyong setting ng Universal Analytics ang mga configuration sa bago mong property sa GA4.

Paano mag-opt out sa awtomatikong ginawang property sa GA4
Kung mas gusto mong mag-migrate nang mag-isa o ayaw mo nang gumamit ng Google Analytics, puwede kang mag-opt out anumang oras. Kung mag-o-opt out ka, hindi awtomatikong gagawa ng bagong property sa GA4 para sa iyo. Makakapag-migrate ka pa rin nang mag-isa at puwede mong gamitin ang Assistant sa Pag-set Up ng GA4.

Panatilihin ang maayos na paggana ng mga Google Ads campaign na umaasa sa data ng Google Analytics

Kung nagbi-bid ka sa mga conversion ng Analytics (mga layunin) sa Ads, mahalagang i-migrate ang iyong mga conversion sa Google Analytics 4. Kung wala kang gagawin, awtomatikong mama-migrate ang ilang conversion at audience. Gayunpaman, hindi lahat ng ito ay awtomatikong mama-migrate at hindi ito magiging kumpletong kopya. Bilang resulta, posibleng maantala ang iyong mga campaign ng ad kapag inihinto na ng Universal Analytics ang pagpoproseso ng data pagkalipas ng Hulyo 1, 2023.

Para i-migrate ang mga conversion at audience na mahalaga sa iyo at panatilihin ang maayos na paggana ng mga ad mo, sundin ang mga hakbang sa pag-migrate na nakalista sa page na ito. Pagkatapos, magpatuloy sa Mga susunod na hakbang, na magdadala sa iyo sa mga configuration na kailangan mo para magamit ang Google Analytics 4 sa Ads.

Isang tool sa pag-migrate sa Universal Analytics ang gagabay sa iyo

Isang tool sa pag-migrate sa Universal Analytics ang gagabay sa iyo sa proseso ng pag-set up ng property sa Google Analytics 4. Para sa karamihan ng mga tao, wala pang 15 minuto ang inaabot ng paggawa ng kanilang property sa GA4.

Paano ako magma-migrate?

Hanapin ang iyong Analytics account at tingnan kung aling mga property ang kailangan mong i-migrate

Kung hindi ka sigurado kung mayroon kang property sa Universal Analytics na kailangan mong i-migrate o kung aling mga property ang kailangan mong i-migrate, sundin ang mga hakbang na ito. Sa browser mo dapat gamitin ang Analytics, hindi sa Analytics mobile app.

Kung handa ka nang mag-migrate, lumaktaw sa susunod na seksyon, ang I-migrate ang iyong property sa Universal Analytics.

Hanapin ang iyong Google Analytics account
  1. Pumunta sa https://analytics.google.com/
  2. Kung naka-sign in ka na sa Google, direkta kang dadalhin sa Analytics. Kung hindi, ipapalagay sa iyo ang Google Account at password mo.

Kung hindi ka makapag-sign in sa iyong account, pumunta sa Hindi makapag-sign in sa account.

Tingnan kung mayroon kang property sa Universal Analytics
  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, sa kanan ng logo ng Analytics, i-click ang pababang arrow sa tabi ng pangalan ng property mo.

  3. Sa Mga Property at App, hanapin ang property mo.
  4. Ang mga property ID sa Universal Analytics ay nagsisimula sa UA at nagtatapos sa numero (UA-XXXXXXXXX-1)

    Selector ng property

Tingnan kung kailangan mong i-migrate ang iyong property sa Universal Analytics
  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, sa kanan ng logo ng Analytics, i-click ang pababang arrow sa tabi ng pangalan ng property mo.

  3. Sa Mga Property at App, hanapin ang property mo, pagkatapos ay i-click ang row nito, at i-click ang anumang view.
    Ang mga property ID sa Universal Analytics ay nagsisimula sa UA at nagtatapos sa numero (UA-XXXXXXXXX-1).

    Selector ng property

  4. I-click ang Mga Setting Admin (kaliwang bahagi sa ibaba).
  5. Sa column na Property, i-click ang Assistant sa Pag-set Up ng GA4. Ito ang unang opsyon sa column na Property.

    Hindi mo ba nakikita ang Assistant sa Pag-set Up ng GA4? Kung may nakikita kang naka-gray out na Mga Setting ng Property sa column na Property, sa view ka lang may mga pahintulot pero wala sa property o account. Makipag-ugnayan sa tao sa organisasyon mo na may tungkuling Administrator para sa iyong Google Analytics account at patingnan sa kanya kung kailangan mong mag-migrate.
  6. Sa Assistant sa Pag-set Up ng Property sa Google Analytics 4, maghanap ng pula o berdeng abiso na nagsasabing "Hindi Nakakonekta" o "Nakakonekta."
    • Kung pula ang abiso at "Hindi Nakakonekta" ang nakalagay, kailangan mong mag-migrate.

    • Kung pula ang abiso at "Hindi Nakakonekta" ang nakalagay at nakikita mo rin ang "Wala kang pahintulot na mag-edit. Makipag-ugnayan sa admin ng account mo," kailangan mong mag-migrate, pero wala sa iyo ang mga kinakailangang pahintulot. Ang admin ng account mo ay isang tao sa iyong organisasyon na may role ng Administrator para sa Google Analytics account mo. Ipaalam sa taong iyon na kailangang i-migrate ang iyong property.

    • Kung berde ang abiso at "Nakakonekta" ang nakalagay, nagsimula ka nang mag-migrate. Lumaktaw sa mga susunod na hakbang.

I-migrate ang iyong property sa Universal Analytics

Para sundin ang mga hakbang na ito, sa browser mo dapat gamitin ang Analytics, hindi sa Analytics mobile app. Kailangan mo ang tungkuling Editor para sa account. Pinakamadali kung tatapusin mo ang pag-migrate sa isang session. Para sa karamihan ng mga tao, humigit-kumulang 15 minuto ang inaabot ng pag-migrate gamit ang Assistant sa Pag-set Up ng GA4.

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, sa kanan ng logo ng Analytics, i-click ang pababang arrow sa tabi ng pangalan ng property mo.

  3. Sa Mga Property at App, hanapin ang property mo, pagkatapos ay i-click ang row nito, at i-click ang anumang view.
    Ang mga property ID sa Universal Analytics ay nagsisimula sa UA at nagtatapos sa numero (UA-XXXXXXXXX-1).

    Selector ng property

  4. I-click ang Mga Setting Admin (kaliwang bahagi sa ibaba).
  5. Sa column na Property, i-click ang Assistant sa Pag-set Up ng GA4. Ito ang unang opsyon sa column na Property.

    Hindi mo ba nakikita ang Assistant sa Pag-set Up ng GA4? Kung may nakikita kang naka-gray out na Mga Setting ng Property sa column na Property, sa view ka lang may mga pahintulot pero wala sa property o account. Makipag-ugnayan sa tao sa organisasyon mo na may tungkuling Administrator para sa iyong Google Analytics account at patingnan sa kanya kung kailangan mong mag-migrate.
  6. I-click ang Magsimula sa ilalim ng Gusto kong gumawa ng bagong property sa Google Analytics 4.

    Kung hindi ka sigurado sa mga pinapapili sa iyo ng Assistant sa Pag-set Up ng GA4, basahin ang mga detalyadong tagubilin sa Magdagdag ng property sa Google Analytics 4.

  7. Sundin ang mga tagubilin sa Assistant sa Pag-set Up ng GA4. Kapag tapos ka na, makikita mo ang "Matagumpay mong naikonekta ang iyong mga property."

Mga susunod na hakbang

Pagkatapos mong makagawa ng iyong property sa Google Analytics 4, i-configure ang bago mong property sa GA4 gamit ang Assistant sa Pag-set Up. Gagabayan ka nito sa mga inirerekomendang feature at setting.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7702426100227873849
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false