[GA4] Maghambing ng mga filter, subproperty, at tungkulin ng user

I-explore ang iba't ibang paraan para paghigpitan ang access sa iyong data at kung paano bumuo ng mga ulat sa mga partikular na subset ng data sa property mo

Isa ka mang maliit na negosyo na may isang website o malaking negosyo na maraming brand at produkto, malamang na mahalaga para sa iyo ang data na maa-access mo at ng iba pa sa property mo.

Ang mga subproperty, filter ng ulat, filter ng data, at tungkulin ng user ay nagbibigay ng iba't ibang paraan para pamahalaan ang impormasyong kinolekta mo mula sa iyong mga website at app at lalabas ang impormasyong iyon sa mga ulat.

Pagkakaiba sa isang sulyap

Inihahambing ng mga sumusunod na talahanayan ang mga feature na inaalok sa Google Analytics:

  Mga Subproperty Mga tungkulin ng user Mga filter ng ulat Mga filter ng data
Pangunahing sitwasyon ng paggamit Pamamahala Paghigpitan ang access sa data sa pamamagitan ng mga pahintulot Pag-customize ng ad-hoc na ulat Data hygiene
Kontrol sa access Kontrol sa access sa antas ng property Kontrol sa access sa antas ng account at property Kontrol sa access sa antas ng ulat Kontrol sa access sa antas ng property
Availability Mga property sa Analytics 360 lang Available sa lahat ng property Available sa lahat ng property Available sa lahat ng property
Retroactive Hindi Oo Oo Hindi
Permanenteng nabagong data Oo Hindi Hindi Oo

Mga pagkakaiba sa lalim

Ang mga sumusunod na seksyon ay nagbibigay ng mas malalim na paghahambing ng mga feature na ibinalangkas sa itaas:

1. Pamamahala

Ang pangunahing sitwasyon ng paggamit para sa mga subproperty ay pamamahala, na ang ibig sabihin ay pagkontrol sa kung sinong mga user ang may access sa subset ng isang source property.

Kapaki-pakinabang ang mga subproperty kapag gusto mong paghigpitan ang access sa sensitibo o kumpidensyal na data, o kapag gusto ongkontrolin ang acess sa iba't ibang subset ng data; halimbawa, puwede mong paghigpitan ang access ayon sa departamento, proyekto, o pangkat ng user.

Dapat gamitin ang pamamahala kapag may ilang partikular na grupo ng mga user na hindi dapat magkaroon ng anumang acess sa isang subset ng data sa isang property. Sa ilang sitwasyon kung saan hindi kinakailangan ang pamamahala, dapat na lang gamitin ang mga feature tulad ng mga pag-uulat, pag-explore, at iba pa (tingnan sa ibaba).

2. Paghihigpit sa access

Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Analytics na magtalaga ng mga tungkulin sa iba't ibang hanay ng mga pahintulot sa mga antas ng account at property. Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga tungkulin, puwede mong paghigpitan kung anong magagawa ng mga user na may access sa property at kung makikita ng mga user ang data ng gastos at kita. Puwede ring tugunan ang sitwasyon ng paggamit na ito gamit ang mga subproperty, bagama't malaki ang nagagastos sa ganitogn opsyon.

3. Pag-customize ng ad-hoc na ulat

Puwede kang mag-customize ng mga koleksyon ng ulat at maglapat ng mga filter para magbigay ng mga mas naka-curate na experience para sa mga taong gumagamit ng iyong property sa Google Analytics, tulad ng para sa pinataas na antas ng kahusayan at kakayahang tumuon sa mga partikular na set ng data sa isang pagkakataon.

Halimbawa, gustong makita ng isang team sa iyong kumpanya ang mga pagbili ng ecommerce ng mga user ng mobile, habang gusto namang makita ng isa pang team ang mga pagbili ng ecommerce ng mga user ng web. Puwede mong i-customize ang kaliwang navigation para magsama ng dalawang ulat: puwedeng data ng web lang ang kasama sa unang ulat, at puwedeng mobile data lang ang kasama sa pangalawang ulat.

Tandaan na hindi ginawa ang mga filter para sa pamamahala at puwede itong pansamantalang alisin ng mga user. Dahil doon, ginawa ang mga filter ng data para sa pag-curate at kaginwahaan kaysa sa pamamahala.

4. Data hygiene

Nagbibigay daan sa iyo ang mga filter ng data na pigilan ang mga paparating na data na inuri mo bilang internal na trapiko o trapiko ng developer na maproseso ng Google Analytics at lumabas sa mga ulat. Tinitiyak nitong ang iyong data ay hindi masisira ng mga empleyado ng kumpanya mo o hindi gustong referral o hindi sila magdudulot ng misrepresentasyon sa iyong data.

Kapag nailapat na ang isang filter, permanente ang mga epekto nito at hindi na maa-undo. Halimbawa, kung maglalapat ka ng filter para magbukod, hinding hindi ipoproseso ang ibinukod na data at hindi magiging available sa Google Analytics.

Mga sample na sitwasyon ng paggamit

Halimbawa, pag-isipan ang mga sumusunod na sitwasyon ng paggamit:

  • Para tumingin ng data ayon sa rehiyon o device, gumamit ng mga filter ng ulat at pag-customize.
  • Para paghigpitan ang access sa ilang partikular na team para sa mga layunin ng seguridad, gumamit ng mga subproperty.
  • Para paghigpitan ang access sa data ng gastos at kita, magtalaga ng mga mas naghihigpit na tungkulin ng user.
  • Para pigilan ang internal na trapiko na maproseso, gumamit ng mga filter ng data.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2284403479922157848
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false