Pamamahala ng Google tag

Pamahalaan ang iyong Google tag Pagsamahin ang mga tag I-install ang iyong Google tag

Kapag na-set up mo na ang iyong Google tag at na-configure ang mga setting ng Google tag mo, may opsyon kang pamahalaan at isaayos ang iyong Google tag. Mula sa seksyong “Pamamahala ng Google tag” sa tab na “Admin,” magagawa mong:

  • Pamahalaan ang iyong Google tag
    • I-edit ang pangalan ng iyong Google tag
    • Pagsamahin ang iyong mga Google tag
    • Magdagdag/ mag-alis ng mga destinasyon
  • Pagsamahin ang mga tag para
    • Magbahagi ng mga configuration
    • I-expand ang sakop ng website
    • Ibahagi ang mga user ng Google tag
  • I-install ang iyong Google tag
  • I-set up ang consent mode
    • Piliin ang uri ng banner ng pahintulot na mayroon ka o gumamit ng custom na banner ng pahintulot. 

Larawan ng tab na Admin sa Google tag.

I-access ang iyong Google tag

Mga tagubilin sa Google Ads

Mga tagubilin sa Google Analytics

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Pangongolekta at pagbago ng data, piliin ang Mga Stream ng Data.
  2.  I-click ang isang stream para makita ang mga detalye.
  3. Resulta: Dapat ipakita sa iyo ng screen mo ang mga setting ng Google Analytics at mga setting ng Google tag.Screenshot ng mga setting ng stream ng data sa Google Analytics 4. Nasa sa mga setting ng stream ng data ang mga setting ng Google tag

Mga tagubilin sa Google Tag Manager

Tandaan: Para makita ang mga Google tag ID sa Google Tag Manager, kailangan mong mamahala ng Google Ads, Analytics, o Google tag sa isang container.

  1. Buksan ang Google Tag Manager.
  2. I-click ang tab na Mga Google tag para makita ang mga Google tag na na-set up mo dati.
    Pangkalahatang-ideya ng Google tag sa Google Tag Manager
  3. I-click ang pangalan ng tag para i-edit ang mga setting ng Google tag.

Pamahalaan ang iyong Google tag

I-edit ang pangalan ng iyong Google tag, pagsamahin ang mga Google tag mo, o magdagdag o mag-alis ng mga destinasyon

Mga Tagubilin

  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Pumunta sa tab na “Admin.”
  3. Sa ilalim ng “Pamahalaan ang iyong Google tag,” puwede mong piliing:
    1. I-edit ang pangalan ng iyong Google tag.
      1. Pangalanan ang iyong tag, at i-click ang I-save ang mga pagbabago.
    2. Pagsamahin ang iyong mga Google tag
      1. I-click ang Isama sa isa pang tag. Puwede mong sundin ang mga tagubilin para Isama ang iyong Google tag Dapat mayroon kang pang-admin na access sa level ng tag para mapagsama ang mga tag.
    3. Magdagdag/Mag-alis ng mga destinasyon
      1. I-click ang +Destinasyon. Puwede mong sundin ang mga tagubilin para magdagdag ng destinasyon sa iyong Google tag sa ibaba.
      2. Para mag-alis ng destinasyon, sundin ang mga tagubilin sa ibaba. 
    4. I-set up ang consent mode.
      1. Piliin ang uri ng banner ng pahintulot na mayroon ka. Sundin ang mga tagubilin para i-set up ang consent mode sa ibaba.

Pagsamahin ang mga Google tag o magtalaga ng mga tag ID sa bagong Google tag

I-streamline ang configuration ng iyong mga setting ng tag, magpadala ng data sa maraming destinasyon mula sa iisang tag, at palawakin ang saklaw ng tag mo.

Puwede mong pagsamahin ang dalawa o higit pang tag para magkaroon ng parehong configuration ng tag, sakop ng website, at mga user ng tag. Kung pagsasamahin mo ang mga tag, makakaapekto ang mga pagbabago sa lahat ng destinasyong nakakonekta sa mga tag.

Binibigyang-daan ka ng Google tag na:

  • Pagsamahin ang mga tag
  • Magtalaga ng mga tag ID sa isang bagong Google tag
  • I-install ang iyong Google tag
Tandaan: Dapat na mayroon kang role ng Administrator para sa Google tag na ito para isama ito sa isa pang tag.

Mga Benepisyo

  • Kung kasalukuyang naka-install ang iyong mga tag sa iba't ibang bahagi ng site mo, ang pagsasama sa mga iyon ay makakatulong sa iyong makakuha ng mas mahusay na data sa pamamagitan ng pagpapalawak sa sakop ng tag.
  • Kapag pinagsama mo ang dalawa o higit pang tag, puwede mong pamahalaan ang mga setting ng tag sa iisang lugar para maiwasan ang dagdag na pagsisikap at mga error.
  • Kung hindi mo na -install ang isa sa mga tag sa iyong site, puwede mong pagsamahin ang mga iyon para maiwasang mag-install ng karagdagang code.
Tandaan: Kung may dalawang tag na magkaibang-magkaiba ang mga configuration at gusto mong panatilihing magkaiba ang mga setting ng tag, inirerekomenda naming huwag mong pagsamahin ang mga tag na iyon.
Pagsamahin ang mga tag
  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Pumunta sa tab na “Admin.”
  3. Sa ilalim ng “Mga setting ng Google tag,” i-click ang Pagsamahin ang mga tag.
  4. I-click ang Pumili ng Google tag na pagsasamahin.
  5. Sa page na “Pumili ng tag,” makakakita ka ng listahan ng lahat ng Google tag kung saan ka may access.
Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang tag na hinahanap mo, tiyaking:
  • Mayroon kang pag-administrator na access sa tag
  • Talagang Google tag ang tag (ibig sabihin, gtag.js). Hindi mo puwedeng pagsamahin ang isang Google tag at isang container ng GTM o mga legacy na tag; hal., keyevent.js
  • Ang tag ay para sa isang Google Ads o Google Analytics account. Sa kasalukuyan, hindi mo puwedeng pagsamahin ang mga tag mula sa iba pang produkto ng Google; hal., Universal Analytics tag (UA-), Floodlight tag (DC-)
  1. Pangalanan ang iyong tag.
  2. Sa ilalim ng “Configuration ng tag,” piliin kung aling configuration ng tag ang gusto mong gamitin.
  3. I-click ang Suriin ang mga pagpipilian.
Tandaan: Tiyaking sinuri at nauunawaan mo ang epekto ng pagsasama ng mga Google tag sa data na matatanggap ng iyong mga destinasyon. Mahirap ma-undo ang pagsasama, kaya suriing maigi ang mga pipiliin mo. Ang paggamit ng Google tag na ito ng isang serbisyo ng Google ay napapailalim sa mga tuntuning sumasaklaw sa paggamit mo sa serbisyong iyon.
  1. I-click ang I-save ang mga pagbabago.

Makakakita ka ng mensahe ng kumpirmasyon sa ibaba ng screen na nagsasabing, “Matagumpay na napagsama ang Google tag.”

Magtalaga ng mga tag ID sa isang bagong Google tag

Kapag isinama mo ang isang tag, hindi mo na iyon maa-undo. Makakapagtalaga ka ng tag ID sa isang bagong Google tag -- ibig sabihin, puwede kang gumawa ng bagong tag gamit ang isa sa (mga) tag ID mula sa kasalukuyang tag. Puwede mong piliin kung aling mga destinasyon ang ikokonekta sa bagong tag, kung kokopyahin ba ang mga setting o gagamitin ang mga default na setting ng tag, at kung kokopyahin ang mga user ng tag o hindi.
  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Pumunta sa tab na “Admin.”
  3. Sa ilalim ng “Mga setting ng Google tag,” piliin ang Pamahalaan ang Google tag.
  4. Piliin ang tag ID na gusto mong ilipat sa isang bagong tag at i-click ang icon sa paghahati Arrow Split icon.
  5. Pangalanan ang iyong bagong tag.
  6. Sa ilalim ng “Configuration ng tag,” piliing Kopyahin ang configuration mula sa tag na ito o Gamitin ang default na configuration ng tag.
  7. Sa ilalim ng “Mga user ng tag,” piliin ang Kopyahin ang mga user mula sa tag na ito o Ako lang ang may access sa tag na ito.
  8. Suriin ang iyong mga pag-edit sa tag, at i-click ang I-save

Magdagdag ng destinasyon sa isang Google tag

Kung mayroon kang role ng Administrator, may kakayahan kang magdagdag o mag-alis ng mga destinasyon sa iyong tag. Magdagdag ng mga destinasyon sa iyong Google tag para maiwasan ang karagdagang pag-tag ulit sa iyong site at paggamit ulit ng configuration ng kasalukuyan mong tag. Kasama sa pagdaragdag ng destinasyon ang pag-aalis nito sa anupamang Google tag kung saan isa itong destinasyon.

Puwedeng maging kapaki-pakinabang ito kung gusto mong magpadala ng data sa isang account ng produkto nang hindi nagsasama-sama ng mga Google tag. Halimbawa, kung nakikipagtulungan ka sa isang ahensya na dating may sariling Google tag na nagpapadala ng data sa isa sa iyong mga account ng produkto, puwede mong piliing ang idagdag na lang ang destinasyon sa iyong Google tag.

Dapat na laging may nauugnay na tag ang isang destinasyon. Kung ipapasya mong alisin ang isang destinasyon, kailangan mong pumili ng kasalukuyang tag o gumawa ng bagong tag kung saan kokonekta. Puwedeng maging standalone ang isang tag nang walang destinasyon, sa ganoong sitwasyon, hindi ito nagpapadala ng data sa anumang destinasyon ng Google.

Tandaan: Kung magtatakda ka ng mahigit sa isang destinasyon sa iyong tag, magpapadala ang tag mo ng data sa maraming destinasyon. Tiyaking sinuri at nauunawaan mo ang epekto ng pagdaragdag ng destinasyon sa iyong Google tag sa data na matatanggap ng mga destinasyon mo. Mahirap ma-undo ang pagdaragdag ng destinasyon, kaya pakisuri nang maigi ang iyong mga pipiliin. Ang paggamit ng Google tag na ito ng isang serbisyo ng Google ay napapailalim sa mga tuntuning sumasaklaw sa paggamit mo sa serbisyong iyon.
  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Sa itaas ng page, i-click ang tab na “Admin.”
  3. Sa seksyong “Pamamahala ng Google tag,” i-click ang Pamahalaan ang Google tag.
  4. Sa seksyong “Mga Destinasyon,” i-click ang +Destinasyon.
  5. I-click ang Pumili ng destinasyon.
  6. Pumili ng destinasyon para idagdag ang iyong Google tag.
Tandaan: Makikita mo lang ang mga destinasyon kung saan ka may pang-administrator na access.
  1. I-click ang destinasyon na gusto mong idagdag.
  2. Suriin ang iyong mga update, at i-click ang I-save.

Mag-alis ng destinasyon sa iyong tag

  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Pumunta sa page na “Admin.”
  3. Sa seksyong “Pamamahala ng Google tag,” i-click ang Pamahalaan ang Google tag.
  4. Sa ilalim ng “Mga Destinasyon,” i-click ang icon na “Alisin ang destinasyon” Remove icon sa kanan ng destinasyong gusto mong alisin.
  5. Sa screen na “Mag-alis ng destinasyon,” i-click ang Pumili ng kasalukuyang tag o Gumawa ng bagong tag.
Tandaan: Kung nag-delete ka ng tag o destinasyon mahigit 30 araw na ang nakalipas, hindi na magkakaroon ang iyong tag ng destinasyon na naka-attach rito at makakakita ka ng mensahe ng error na “Walang tag ID.” Kapag binuksan mo ang seksyong Google tag, ipa-prompt kang magkonekta ng destinasyon sa isang bagong o kasalukuyang Google tag. Puwede mong i-restore ang iyong destinasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag nito sa isang kasalukuyang Google tag o paggawa ng panibagong Google tag.

Tingnan ang destinasyon ng iyong tag

  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Pumunta sa tab na “Admin.”
  3. Sa ilalim ng “Pamamahala ng Google tag” sa seksyong “Pamahalaan ang iyong Google tag,” puwede mong makita ang mga destinasyon ng iyong Google tag na nakalista sa ibaba.

Salungat na on-page code

Bukod pa sa mga destinasyon at setting na kino-configure mo sa mga screen ng Google tag, nagpoproseso rin ang Google tag ng mga command na gtag() sa page para i-load at i-configure ang mga setting para sa iyong mga Google tag.

Kung na-configure ang parehong Google tag nang dalawa o higit pang beses sa iisang page, puwede itong magdulot ng duplicate na data o halo-halong setting. Puwedeng mangyari ang eksenang ito kung di-sinasadya ay naipatupad mo nang dalawang beses ang parehong tag o kung pinagsama mo ang dalawang Google tag na dating na-install sa parehong page. Para balewalain ang mga duplicate na instance ng mga command ng config sa page, puwede mong i-enable ang katumbas na opsyon sa seksyong “Pamahalaan ang Google tag” sa tab na Admin: “Balewalain ang mga duplicate na instance ng configuration sa page.” Para maiwasan ang mga isyu, awtomatikong ie-enable ang opsyong ito kapag pinagsama mo ang dalawang Google tag.

Tandaan: Ang ilang webpage ay na-tag ng dalawang Google tag na may magkaibang mga setting ng configuration sa page. Kung pagsasamahin mo ang dalawang tag na iyon sa iisang Google tag, ang unang command ng config lang ang ipoproseso, at babalewalain ang mga kasunod na command ng config at setting para sa Google tag na iyon. Bilang resulta, puwedeng magdulot ng pagbabago sa gawi ng pag-tag sa mga page na iyon ang pagsasama ng mga tag. Bilang pinakamahusay na kagawian, dapat mong suriin ang mga tag na may mga salungat na configuration sa page bago mo pagsamahin ang mga iyon.

I-set up ang consent mode

Para makakuha ng mga kapaki-pakinabang na insight habang pinoprotektahan ang privacy ng user, kailangan mong magkolekta ng pahintulot mula sa mga user ng website. Inirerekomenda naming gumamit ka ng Consent Management Platform (CMP) o makipagtulungan sa Sistema ng Pamamahala ng Content (Content Management System o CMS) para magkolekta ng pahintulot at ipadala ito sa Google.

  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Pumunta sa tab na “Admin.”
  3. Sa “Pamamahala ng Google tag,” buksan ang seksyong “I-set up ang consent mode” at pumili ng isa sa mga sumusunod na opsyon kung hindi mo pa nase-set up ang consent mode:
    • Gumagamit ako ng banner ng pahintulot na ginawa ng third party.
      • Kung ang iyong banner ay pinapagana ng sistema ng pamamahala ng content (content management system o CMS), tagabuo ng website, o consent management platform (CMP), makakakuha ka ng step-by-step na mga tagubilin kung paano i-set up ang consent mode para sa platform na iyon. I-click ang Susunod, pagkatapos ay Pumili ng platform. Pumili ng platform at sundin ang mga tagubilin. 
    • Gumagamit ako ng custom na banner ng pahintulot.
    • Wala akong banner ng pahintulot.
      • Kung wala kang banner ng pahintulot ngayon, puwede kang gumamit ng sistema ng pamamahala ng content (content management system o CMS), tagabuo ng website, o consent management platform (CMP), makakakuha ka ng step by step na mga tagubilin kung paano mag-set up ng banner at consent mode para sa platform na iyon. I-click ang Susunod, pagkatapos ay Pumili ng platform. Pumili ng platform at sundin ang mga tagubilin. 
  4. Kapag na-set up mo na ang iyong banner ng pahintulot at consent mode, i-click ang Tapos na. Aktibo ang iyong mga signal ng pahintulot.

I-test gamit ang Tag Assistant

Puwede mong gamitin ang Tag Assistant para suriin ang pagpapatupad ng iyong tag. Para sa karagdagang pag-troubleshoot, bisitahin ang I-troubleshoot ang iyong pag-tag para sa buong site o Gamitin ang Tag Assistant para i-troubleshoot ang iyong mga hindi na-verify o hindi aktibong pangunahing event.

Seguridad at privacy para sa pagsubaybay sa website

Mahigpit ang mga pamantayan sa seguridad ng Google. Nangongolekta lang ang mga produkto ng Google ng data sa mga page kung saan na-deploy mo ang mga nauugnay na tag.

Pakitiyak na nagbibigay ka sa mga user ng malinaw at kumpletong impormasyon tungkol sa data na kinokolekta mo sa iyong mga website, at humihingi ka ng pahintulot para sa pangongolekta kapag legal na kinakailangan.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15504166036122233737
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false