I-delete at i-restore ang iyong Google tag

Kapag na-trash o na-delete mo ang iyong Google tag, ibig sabihin, hindi na nagpapadala ng data ang tag mula sa iyong website papunta sa nauugnay na destinasyon ng Google. Puwedeng i-recover ang mga tag sa loob ng 30 araw mula sa petsa kung kailan na-trash ang mga ito bago permanenteng ma-delete.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano i-delete ang iyong Google tag at kung paano i-recover ang na-delete mong Google tag.

Tandaan: Kung na-delete ang lahat ng user at admin sa Google tag, hindi na ito magpapadala ng data mula sa iyong website papunta sa destinasyon ng Google. Puwede mong i-recover ang tag na iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba. Puwedeng piliin ng mga administrator sa mga account ng produkto na na-configure bilang mga destinasyon ng Google tag na ikonekta ang destinasyon sa isang kasalukuyang Google tag o bagong Google tag.

I-delete ang iyong Google tag

Tandaan: May lalabas na kumpletong listahan ng iyong mga Google tag sa Google Tag Manager sa ilalim ng tab na "Mga Google tag." Puwede mo lang i-delete ang iyong Google tag kapag tinitingnan ito sa Tag Manager.
  1. Sa screen na "Mga Account" ng Tag Manager, i-click ang tab na "Mga Google tag."
  2. Piliin ang Google tag na gusto mong i-delete. 
  3. Pumunta sa tab na "Admin."
  4. Sa seksyong "Pamahalaan ang Google tag," piliin ang I-delete mula sa 3-dot menu. 
  5. I-click ang checkbox na nauunawaan mo, pagkatapos ay i-click ang I-delete

Ililipat ang iyong Google tag sa Trash Can at permanenteng aalisin pagkatapos ng 30 araw. Puwede mong tingnan ang iyong na-delete na Google tag mula sa Trash Can sa ibaba ng page na “Lahat ng account.” 

I-restore ang iyong Google tag

Puwede kang mag-restore ng na-delete na Google tag sa dalawang paraan:

  • Mula sa Trash Can ng iyong Google Tag Manager account
  • Mula sa iyong Google Ads o Google Analytics account

Puwede kang mag-restore ng Google tag kung naka-install pa rin sa iyong website ang Google tag mo, para dumaloy ang data sa gusto mong destinasyon. Para mag-restore ng Google tag, kailangan mo ng Pang-administrator na access sa tag at mabibigyan ulit ng access ang mga user na may access dati sa tag. Puwede mong i-update ang mga antas ng access at configuration kapag na-restore na ang tag.

I-restore ang iyong Google tag mula sa Trash Can ng Google Tag Manager 

  1. Mula sa iyong Tag Manager account, i-click ang Trash Can sa ibaba ng screen na "Mga Account."
  2. Piliin ang Google tag na gusto mong i-recover.
  3. May lalabas na listahan ng mga item na minarkahan para sa pag-delete.
    Tandaan: Lalabas lang ang Trash Can kung naglalaman ito ng 1 o higit pang item.
  4. I-click ang Google tag na ire-restore, at pagkatapos ay i-click ang I-restore

I-restore ang iyong Google tag mula sa Google Ads o Google Analytics account mo

  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Kung na-trash ang iyong Google tag, makikita mo ang page na "Mga Detalye ng Na-trash na Google tag." 
  3. I-click ang I-restore.
  4. Sa pop-up, i-click ang I-restore ang Google tag.

Ilipat ang destinasyon mula sa isang na-delete na Google tag papunta sa isa pang Google tag

Kung wala kang mga pahintulot na i-recover ang na-delete na tag, puwede mong ilipat ang destinasyon mula sa na-delete na tag papunta sa isa pang tag kung mayroon ang role ng Administrator.

Kakailanganin mong i-install ang bagong Google tag para dumaloy ang data sa gusto mong destinasyon.

  1. I-access ang iyong screen ng Google tag.
  2. Sa page na "Mga Detalye ng Na-trash na Google Tag," piliin ang Pumili ng kasalukuyang tag.
  3. I-click ang Magpatuloy.
  4. I-click ang Kumonekta sa isang kasalukuyang tag.
  5. Puwede ka na ngayong magdagdag ng bagong destinasyon sa iyong tag.

I-troubleshoot ang iyong na-delete o na-trash na Google tag

Nawalan ng access ang iyong Administrator sa account, pero patuloy na gumagana ang tag

Hangga't may Mga Administrator ng tag ang iyong tag, patuloy na gagana ang tag at hindi mo kailangang i-recover ito kahit na mawalan ka ng access. Kung umalis ang lahat ng Administrator ng tag sa kumpanya at wala ka nang access sa tag, puwedeng alisin ng isang Administrator na user sa destinasyon ang destinasyon mula sa kasalukuyang tag at ikonekta ito sa isa pang Google tag.
Halimbawa: May dalawang destinasyon ang isang tag (isang Google Ads account at isang property sa Google Analytics) at nawalan ng access ang admin ng Google Analytics. Kapag na-restore ang property sa Google Analytics, hindi mo kailangang i-recover ang tag.

Nasa trash ang iyong tag sa loob ng mahigit 30 araw 

Pagkatapos ng 30 araw, aalisin ang data mula sa iyong tag at mga destinasyon. Ang mga administrator ng destinasyon ay puwedeng gumawa ng bagong tag na kakailanganin nilang i-install sa kanilang website o ikonekta ang destinasyon sa isang kasalukuyang tag.

May nakitang “Walang tag ID”

Posibleng mapunta ang isang destinasyon sa sitwasyong hindi ito naka-attach sa isang Google tag. Para makatanggap ng data para sa destinasyong iyon, dapat itong ikonekta sa isang Google tag.

Kung hindi nakakonekta ang iyong destinasyon sa isang tag, aabisuhan ka kapag binuksan mo ang page ng Google tag. Puwede mong piliing ikonekta ang destinasyon sa isang kasalukuyang Google tag o para gumawa ng bagong Google tag.

Salungatang on-page code

Bukod pa sa mga destinasyon at setting na kino-configure mo sa mga screen ng Google tag, nagpoproseso rin ang Google tag ng mga command na gtag() sa page para i-load at i-configure ang mga setting para sa iyong mga Google tag. 

Kung na-configre ang parehong Google tag nang dalawa o higit pang beses sa iisang page, puwede itong magdulot ng duplicate na data o halo-halong setting. Puwedeng mangyari ang eksenang ito kung di-sinasadya ay naipatupad mo nang dalawang beses ang parehong tag o kung pinagsama mo ang dalawang Google tag na dating na-install sa parehong page. Para balewalain ang mga duplicate na instance ng mga command ng config sa page, puwede mong i-enable ang katumbas na opsyon sa seksyong “Pamahalaan ang Google tag” sa tab na “Admin”: “Balewalain ang mga duplicate na instance ng configuration sa page.” Para maiwasan ang mga isyu, awtomatikong ie-enable ang opsyong ito kapag pinagsama mo ang dalawang Google tag.

Tandaan: Ang ilang webpage ay na-tag ng dalawang Google tag na may magkaibang mga setting ng configuration sa page. Kung pagsasamahin mo ang dalawang tag na iyon sa iisang Google tag, ang unang command ng config lang ang ipoproseso, at babalewalain ang mga kasunod na command ng config at setting para sa Google tag na iyon. Bilang resulta, puwedeng magdulot ng pagbabago sa gawi ng pag-tag sa mga page na iyon ang pagsasama ng mga tag. Bilang pinakamahusay na kagawian, dapat mong suriin ang mga tag na may salungatang configuration sa page bago pagsamahin ang mga iyon.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16890845879570436690
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false