Tungkol sa Google tag

Tandaan: Google tag na ngayon ang pangkalahatang tag ng site (global site tag o gtag.js). Sa pagbabagong ito, ang mga pag-install ng bago at kasalukuyang gtag.js ay magkakaroon ng mga bagong kakayahan na tutulong sa iyong makagawa nang higit pa, mapahusay ang kalidad ng data, at makagamit ng mga bagong feature – nang walang karagdagang code.

Ang Google tag (gtag.js) ay isang tag na maidaragdag mo sa iyong website para makagamit ng iba't ibang produkto at serbisyo ng Google. Sa halip na mamahala ng maraming tag para sa iba't ibang account ng produkto ng Google, puwede mong gamitin ang Google tag sa iyong buong website at ikonekta ang tag sa maraming destinasyon.

Nagbibigay-daan sa iyo ang Google tag na magpadala ng data mula sa website mo papunta sa mga naka-link na destinasyon na produkto ng Google para matulungan kang sukatin kung gaano kaepektibo ang iyong mga website at ad. Sa kasalukuyan, naa-access at nako-configure lang ang Google tag mula sa Google Ads at Google Analytics 4.

Animation na nagpapakita sa Tag ID at Destination ID sa Google tag.

Sa patuloy na pag-evolve ng mga teknolohiya sa website tulad ng cookies dahil sa privacy, browser, at mga pagbabago sa regulasyon, mahalagang magkaroon ng pag-tag para sa buong site na may mataas na kalidad sa website mo para makatulong na tiyaking nakukuha mo ang pinakatumpak na pagsukat.

Kapag handa ka na, puwede mong i-set up ang iyong Google tag.

Paano ito gumagana

Dati, kinakailangan mong mag-set up ng pangkalahatang tag ng site (gtag.js). Nag-evolve na ang pangkalahatang tag ng site sa Google tag.

Ang iyong Google tag (gtag.js) ay may isang tag ID na maidaragdag mo sa iyong website para makagamit ng iba't ibang produkto at serbisyo ng Google. Sa halip na mamahala ng maraming tag para sa iba't ibang account ng produkto ng Google, puwede kang gumamit ng isang Google tag sa iyong buong website at ikonekta ang tag ID sa maraming destinasyon.

Papalitan ng bagong screen na “Google tag” ang mga kasalukuyang screen ng pangkalahatang tag ng site sa Google Ads at Google Analytics, na magbibigay-daan sa iyong i-access ang mga feature ng pagsukat nang hindi nagdaragdag ng code pagkatapos ng paunang set-up. Kapag binago mo ang mga setting sa iyong Google tag, maaapektuhan nito ang lahat ng nauugnay na destinasyon.

Mga Benepisyo

  • Maraming tag: Kung mayroon kang higit sa isang tag na naka-install sa iyong website, puwede mong piliing pagsama-samahin ang iyong mga Google tag para makatulong sa iyong makakuha ng mas magandang data at pamahalaan ang mga ito sa iisang lugar.
  • Pamahalaan ang access: Mapapamahalaan mo na rin ngayon ang access ng user sa iyong mga setting ng tag nang hiwalay sa access sa iba mo pang produkto, na nagbibigay sa iyo ng higit na kontrol sa kung sino ang may access na mabago ang iyong mahahalagang setting ng pagsukat.

Ano'ng magbabago

Makakakita ka na ngayon ng bagong screen ng Google tag sa iyong mga Google Ads at Google Analytics account.

Larawan ng tab na Configuration sa Google tag.

Tandaan: Lahat ng pangkalahatang tag ng site ay na-convert sa mga Google tag. Kung mayroon kang pangkalahatang tag ng site sa iyong website, hindi mo kailangang i-update ang iyong site para magamit ang Google tag.

Kapag handa ka na, puwede mong:

  1. I-set up ang iyong Google tag
  2. I-set up at pamahalaan ang pahintulot ng user
  3. I-configure ang iyong mga setting ng Google tag
  4. Pamahalaan ang iyong Google tag (opsyonal)
  5. Pamahalaan ang mga user ng Google tag (opsyonal)

Pamamahala sa user

Puwede mong pamahalaan ang mga user sa tab na “Admin” ng iyong Google tag. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga setting ng pamamahala ng user ng Google tag na pamahalaan ang access ng user sa iyong mga setting ng tag nang hiwalay sa access sa iba mo pang produkto.

Seguridad at privacy para sa pagsubaybay sa website

Mahigpit ang mga pamantayan sa seguridad ng Google. Nangongolekta lang ang mga produkto ng Google ng data sa mga page kung saan na-deploy mo ang mga nauugnay na tag.

Pakitiyak na nagbibigay ka sa mga user ng malinaw at kumpletong impormasyon tungkol sa data na kinokolekta mo sa iyong mga website, at humihingi ka ng pahintulot para sa pangongolekta kapag legal na kinakailangan.

Tandaan: Kung wala kang nakuhang pahintulot mula sa mga user para mangolekta, magbahagi, at gumamit ng personal na data para sa pag-personalize ng mga ad kapag kinakailangan ayon sa batas, pakitiyak na i-disable ang pangongolekta ng data ng remarketing. Alamin kung paano baguhin ang Google tag para ma-disable ang pangongolekta ng data ng remarketing para sa mga partikular na user.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
264680030689123284
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false