[UA→GA4] Paano tingnan kung Universal Analytics o Google Analytics 4 (GA4) ang mayroon ka

Tingnan kung Universal Analytics o Google Analytics 4 (GA4) ang uri ng property mo

Kung tumitingin ka ng property sa Universal Analytics, may makikita kang may kulay na notification sa itaas tungkol sa pagpoproseso ng data. Kung hindi ka pa nakakapag-set up ng property sa GA4, may makikita ka ring button para kumpletuhin ang pag-set up ng GA4.

Puwede mo ring tingnan ang iyong property ID para malaman kung Universal Analytics ba o Google Analytics 4 ang ginagamit mo.

  • Ang mga Universal Analytics property ID ay nagsisimula sa UA at nagtatapos sa numero (UA-XXXXXXXXX-1).
  • Ang mga Google Analytics 4 property ID ay mayroon lang mga numero (XXXXXXXXX).

Selector ng property

  • Kung ginawa mo ang iyong property bago ang Oktubre 14, 2020, malamang na property ito sa Universal Analytics.
  • Kung ginawa mo ang iyong property pagkalipas ng Oktubre 14, 2020, malamang na property sa Google Analytics 4 ang ginagamit mo.

Hanapin ang iyong property ID

Para hanapin ang iyong property ID:

  1. Sa kaliwang sulok sa itaas (sa tabi ng logo ng Analytics), i-click ang pababang arrow para buksan ang selector ng property.

    Inililista ng pinakakaliwang column ang iyong mga account, at nasa susunod na column ang mga property mo. Naka-highlight ng gray ang property na kasalukuyan mong binuksan.
     
  2. Tingnan ang numero sa ibaba ng pangalan ng property para matukoy ang uri ng property.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5765290090253729967
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false