Pinalitan ng Google Analytics 4 ang Universal Analytics

Huling na-update: Pebrero 26, 2024

Ang Google Analytics 4 ay ang aming next-generation na solusyon sa pagsukat, at pinalitan nito ang Universal Analytics. Simula noong Hulyo 1, 2023, huminto ang mga karaniwang property sa Universal Analytics sa pagpoproseso ng bagong data, at mawawalan ng access ang lahat ng customer sa interface at API ng Universal Analytics simula sa Hulyo 1, 2024. Para panatilihin ang pagsukat ng iyong website, kakailanganin mo ng property sa Google Analytics 4. Kung hindi mo pa ito nagagawa, lumipat sa Google Analytics 4.

Unawain ang timeline ng pag-migrate

Ano ang nangyari hanggang sa ngayon

  • Simula noong Marso 2023: Kung hindi mo manual na na-migrate sa bagong property sa Google Analytics 4 ang iyong aktibong karaniwang property sa Universal Analytics at hindi ka nag-opt out sa isang awtomatikong paggawa ng property, gumawa kami ng property sa Google Analytics 4 para sa iyo. Ginagamit ulit ng mga awtomatikong ginawang property sa Google Analytics 4 ang mga kasalukuyang tag ng site kapag posible. Matuto pa
  • Simula noong Hulyo 1, 2023: Huminto na sa pagpoproseso ng mga hit ang mga karaniwang property sa Universal Analytics, kasama ang mga karaniwang property sa mga account na mayroon ding mga property sa 360. Patuloy na nagproseso ng data ang ilang property sa maikling panahon pagkatapos nito habang inuunti-unti namin ang pag-shutdown ng Universal Analytics. Maa-access mo ang iyong dating naprosesong data sa property mo sa Universal Analytics hanggang Hulyo 1, 2024.
    Kung mayroon kang kasalukuyang kontrata sa Universal Analytics 360, iba ang iyong timeline. Tingnan ang Para sa mga customer ng Google Analytics 360 sa ibaba.

Ang susunod na mangyayari

Simula sa linggo ng Hulyo 1, 2024: Hindi mo maa-access ang anumang property sa Universal Analytics o ang API (hindi kahit sa read-only na access), at made-delete ang lahat ng data. Bagama't inabot nang ilang linggo ang karaniwang pagwawakas bago matapos, mangyayari ang buong pag-shutdown ng Universal Analytics sa loob ng isang linggo. Alam naming mahalaga sa iyo ang data mo, at inirerekomenda naming i-export mo ang iyong dating naprosesong data bago ang petsang ito.

Para sa mga customer ng Google Analytics 360

Ang mga property sa Universal Analytics 360 na may kasalukuyang 360 na order (Google Analytics 4 o Universal Analytics) ay nakatanggap ng isang beses na extension sa pagpoproseso na magtatapos sa Hulyo 1, 2024. Ang mga property sa Universal Analytics 360 na walang kasalukuyang 360 na order (Google Analytics 4 o Universal Analytics) ay na-downgrade sa mga karaniwang property sa Universal Analytics, hindi nakatanggap ng extension, at huminto sa pagpoproseso ng data simula noong Hulyo 1, 2023.
  • Simula Enero 1, 2024: Gaya ng naunang inanunsyo, bahagi ng dahilan kung bakit kinakailangan ang pag-migrate sa Google Analytics 4 ang tuloy-tuloy na nagbabagong teknolohiya at ecosystem ng pagkontrol. Habang inililipat namin ang mga resource para tumuon sa pagbuo ng Google Analytics 4, para matugunan nito ang mga kinakailangang iyon sa teknolohiya at pagkontrol, hindi namin magagarantiyahang patuloy na gagana ang lahat ng feature at functionality sa Universal Analytics 360 gaya ng inaasahan.
  • Enero 29, 2024: Ihihinto ang paggamit sa mga sumusunod na feature ng Universal Analytics habang inililipat namin ang mga resource para tumuon sa Google Analytics 4. Para mahanap ang mga katumbas na feature ng pag-advertise at pagsukat sa Google Analytics 4, kumonsulta sa talahanayan ng paghahambing ng feature sa page na ito.
    • Mga feature ng pag-advertise:
      • Mga realtime na ulat
    • Mga feature sa pagsukat:
      • Ulat sa Panghabambuhay na Halaga
      • Model Explorer
      • Pagsusuri sa Cohort
      • Pagsubaybay sa Conversion sa iTunes
      • Ulat sa Probabilidad ng Conversion
      • Beta ng Impression sa GDN
  • Umpisa ng Marso 2024: Ihihinto ang paggamit sa mga sumusunod na feature ng Universal Analytics habang inililipat namin ang mga resource para tumuon sa Google Analytics 4. Idinisenyo ang Google Analytics 4 para magawa nitong magbago para sa hinaharap at binuo ito nang nakasentro sa privacy. Para mahanap ang mga katumbas na feature ng pag-advertise at pagsukat sa Google Analytics 4, kumonsulta sa talahanayan ng paghahambing ng feature sa page na ito.
    • Mga feature ng pag-advertise:
      • Ihihinto ang paggamit para sa trapiko sa European Economic Area (EEA): patuloy na magiging available ang mga feature na ito para sa trapiko sa labas ng EEA.
        • Remarketing, pag-export ng conversion, at pag-optimize ng pag-bid
        • Pang-araw-araw na BigQuery Export ng data na ibinibigay ng mga naka-link na produkto ng pag-advertise ng Google: Google Ads, Search Ads 360, Display Video 360, Campaign Manager 360, Google AdSense, at Google Ad Manager
        • Puwedeng makaapekto ang pag-drop ng mga identifier ng pag-click sa ad gaya ng GCLID at DCLID sa pag-convert sa attribution ng pag-click sa ad mula sa mga pag-integrate ng Google Ads, Publisher, at GMP Media. Posibleng may pagtaas sa direktang trapiko/walang trapiko o tapikong mula sa Google/organic na trapiko maliban na lang kung may mga parameter ng UTM sa URL.
      • Ihihinto ang paggamit para sa lahat ng trapiko: hindi na susuportahan ang mga feature na ito sa loob o labas ng EEA.
        • Mga ulat sa Demograpiko at Interes
        • Pag-uulat ng publisher
        • Phone Analytics
        • Pag-i-import ng Data ng Event at Salesforce
        • Realtime na BigQuery Export
    • Mga feature sa pagsukat:
      • Ihihinto ang paggamit para sa lahat ng trapiko: hindi na susuportahan ang mga feature na ito sa loob o labas ng EEA.
        • Paggawa ng property sa Universal Analytics
        • Mga App View sa Universal Analytics na nakakatanggap ng data sa pamamagitan ng UA SDK o Protocol ng Pagsukat.
        • Mga hindi naka-sample na ulat. Mapapailalim na ngayon sa sampling ang lahat ng query na may higit sa 1 milyong session.
        • Mga Custom na Talahanayan
        • Mga Anotasyon
  • Marso 2024: Inirerekomenda naming lumipat ang mga user ng Universal Analytics 360 sa Google Analytics 4 at tapusin nila ang pag-export ng dating data bago ang Marso 2024. Susuportahan nito ang tuloy-tuloy na paglipat sa GA4 at magbibigay-daan ito sa mga user na magkaroon ng tatlong buwan para i-validate ang data at mga setting. Pagdating ng Marso, nagawa mo na dapat ang mga sumusunod:
  • Simula sa linggo ng Hulyo 1, 2024: Hindi mo maa-access ang anumang property sa Universal Analytics o ang API (hindi kahit sa read-only na access), at made-delete ang lahat ng data. Bagama't inabot nang ilang linggo ang karaniwang pagwawakas bago matapos, mangyayari ang buong pag-shutdown ng Universal Analytics sa loob ng isang linggo. Alam naming mahalaga sa iyo ang data mo, at inirerekomenda naming i-export mo ang iyong dating naprosesong data bago ang petsang ito.

Mga hindi na ginagamit na feature ng Universal Analytics at mga katumbas na feature ng Google Analytics 4

Idinedetalye ng sumusunod na dalawang talahanayan ang mga feature ng Universal Analytics na ihihinto na ang paggamit sa Enero 29, 2024 at sa umpisa ng Marso, 2024.

Ihihinto ang paggamit sa Enero 29, 2024

Kumonsulta sa sumusunod na talahanayan para mahanap ang mga katumbas na feature ng GA4 para sa iyong mga sitwasyon ng paggamit para sa mga feature ng UA na ihihinto na ang paggamit sa Enero 29, 2024:

Sitwasyon ng paggamit Lokasyon ng trapiko Hindi na gagamiting feature ng UA Katumbas na feature ng GA4
Mga feature ng pag-advertise Lahat ng trapiko sa loob at labas ng EEA Mga realtime na ulat Realtime na ulat sa GA4
Mga feature sa pagsukat Lahat ng trapiko sa loob at labas ng EEA Ulat sa Panghabambuhay na Halaga Pag-explore sa Lifetime ng user sa GA4
Model Explorer
Pagsusuri sa Cohort Pag-explore ng Cohort sa GA4
Pagsubaybay sa Conversion sa iTunes Pagsubaybay sa conversion sa app sa GA4
Ulat sa Probabilidad ng Conversion Mga predictive metric sa GA4
Beta ng Impression sa GDN Pag-uulat sa attribution
Ihihinto ang paggamit sa umpisa ng Marso 2024

Kumonsulta sa sumusunod na talahanayan para mahanap ang mga katumbas na feature ng GA4 para sa iyong mga sitwasyon ng paggamit para sa mga feature ng UA na ihihinto na ang paggamit sa umpisa ng Marso 2024:

Sitwasyon ng paggamit Lokasyon ng trapiko Hindi na gagamiting feature ng UA Katumbas na feature ng GA4
Mga feature ng pag-advertise Trapiko sa European Economic Area (EEA)
Pang-araw-araw na BigQuery Export ng data na ibinibigay ng mga naka-link na produkto ng pag-advertise ng Google Schema ng BigQuery Export sa GA4
Lahat ng trapiko sa loob at labas ng EEA Mga ulat sa Demograpiko at Interes Ulat ng mga detalye ng demograpiko sa GA4
Pag-uulat ng publisher Data ng Google Ad Manager sa GA4
Phone Analytics Protocol ng Pagsukat sa GA4
Pag-import ng Data ng Event at Salesforce Pag-import ng Data sa GA4
Realtime na BigQuery Export BigQuery Export sa GA4
Mga feature sa pagsukat Lahat ng trapiko sa loob at labas ng EEA Gumawa ng property sa Universal Analytics Gumawa ng property sa Google Analytics 4
App SDK GA4 SDK
Mga hindi naka-sample na ulat Mga hindi naka-sample na pag-explore sa GA4
Mga Custom na Talahanayan Mga custom na ulat sa GA4
Mga Anotasyon Pagpapahusay sa hinaharap

Mga tip at resource para sa mga customer ng 360

Mga madalas itanong

I-expand lahat I-collapse lahat Kailan mawawala ang aking property sa Universal Analytics?

Lahat ng user, kasama ang mga nag-a-access ng mga 360 na property, ay mawawalan ng access sa user interface ng Universal Analytics at API simula sa Hulyo 1, 2024.

Paano ako makakapag-export ng data mula sa aking property sa Universal Analytics?

May ilang paraan para mag-export ng data mula sa iyong property sa Universal Analytics:

Maliban na lang kung naka-link ang iyong property sa Universal Analytics sa Google Ads account mo, hindi maaapektuhan ang iyong Google Ads account. Gayunpaman, kung naka-link ang iyong property sa Universal Analytics at Google Ads account, huminto sa pagdaloy ang data ng Universal Analytics sa Google Ads simula noong Hulyo 1, 2023. (Hulyo 1, 2024 para sa mga property sa Analytics 360.) Puwede nitong maapektuhan ang iyong mga Google Ads campaign kung ikaw ay:

  • nagbi-bid sa mga na-import na layunin o transaksyong ecommerce sa Universal Analytics
  • gumagamit ng audience ng Universal Analytics sa iyong mga campaign o ad group
  • nag-i-import ng mga sukatan ng site ng Universal Analytics

Iminumungkahi namin sa iyong i-migrate sa property mo sa Google Analytics 4 ang mga pag-link sa Google Ads ng iyong property sa Universal Analytics. Susunod, kung naaangkop, dapat kang mag-import ng mga conversion ng Google Analytics 4 (para sa pag-bid) at/o magdagdag ng mga audience ng Google Analytics 4 sa isang campaign o ad group (para sa remarketing).

Bisitahin ang help center ng Google Ads para sa higit pang impormasyon:

Puwede ko bang i-delete ang akign property sa Universal Analytics?

Oo. Gayunpaman, hindi inirerekomenda ang pag-delete ng iyong property sa Universal Analytics. Kung gagamitin mo ulit ang iyong pag-tag ng Universal Analytics para magpadala ng data sa property mo sa GA4, kapag na-delete ang property sa Universal Analytics, posibleng huminto ang daloy ng data sa iyong property sa GA4, at kakailanganin mong mag-set up ng bagong Google tag. Matuto pa tungkol sa Google tag

Magpatuloy lang sa pag-delete kung sigurado ka nang hindi mo na kailangang dumaloy ang data sa iyong property sa GA4 o sa iba pang na-configure na destinasyon.

Puwede ko pa rin bang ilipat ang aking property sa Universal Analytics mula sa isang account papunta sa iba?
Oo, hanggang Hulyo 1, 2024, puwede mong ilipat ang iyong property sa Universal Analytics o 360 na property mula sa isang account papunta sa iba. Matuto pa tungkol sa paglilipat ng property

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2219214181919163486
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false